{Familia Alessandro}
Bente Kuwatro oras na ang lumilipas, walang maayos na tulog ang lahat ng tao sa mansion ng Familia Alessandro. " Ina, magpahinga na po muna kayo ". Wika ni Elonso kay Donya Buena na hindi mapakali at nagpapauli-uli sa loob ng mansion. Naririto silang lahat ngayon sa sala, hinihintay ang pag-balik ni Alfonso dahil magbuhat na umalis ito kahapon ng gabi ay hindi na ito bumalik pa.
" Bakit wala pa rin ang kapatid ninyo hindi naman masama ang panahon? ". Ani pa ni Donya Buena. " Hindi ba't nabanggit niya kay Ginang Lita na magtutungo ito sa Binibini sa sekretong daanan kung saan hindi sila makikita ng kahit na sino ". Sambit naman ni Don Armando. " Oo nga subalit bakit magpahanggang ngayon ay wala pa din siya? ". Natahimik ang lahat.
" Mabuti pa Hernan ay tignan natin sa Las es Alessandro ". Suhestiyon ni Chavez. Hindi na nagdalawang isip pa si Hernan at sumang-ayon sa suhestiyon ng kapatid. " Sasama ako! ". Sambit din ni Ginoong Elonso. " Sasamahan ko ang mga bata. Dito lamang kayo! ". Wika pa ni Don Armando.
Nagmadaling humayo ang mag-aama sa Las es Alessandro. Umaasa na dito matatagpuan si Alfonso kasama ang Binibini. Kataka-taka kasing hindi nakabalik sa buong magdamag na wala ito sa kanilang tahanan. Ang buong alam nila ay naggawi ito sa Hacienda De Celesta para makipag-kita nga sa Binibini. Pinabayaan nila ang kahilingan ng Ginoo dahil sa sekretong daanan ang dalawa magkikita na noon pa may ginagawa ng dalawa kung kaya wala na silang maipapangamba pa.
" Hernan, Chavez, diyan kayo sa kanan at dito naman kami ng inyong Kuya Elonso sa kaliwa ". Turo ni Don Armando sa mga lugar na kanilang susuyudin. " Ama, hindi po kaya nakita sila ni Don Fermin? ". Tanong ni Elonso habang naglalakad sila sa paligid ng sakahan. " Wala naman tayong dapat ipangamba roon, anak! ". Giit ni Don Armando. " E hindi po ba masyadong mataas ang timpla ng dugo satin ni Don Fermin.... Nagawa niya rin po Ama na pagbawalan tayo na bumisita o tumungtong sa kanilang lupain. Maging ang pagkikita at pag-iibigan nang dalawa ni Catalina at Alfonso ay kaniya din hinadlangan.... malakas po ang kutob ko Ama na maaaring nakita ni Don Fermin si Alfonso ". Hindi naman nakasagot pabalik si Don Armando sa sinabi ng anak.
Ipinagpatuloy nalang nila ang paghahanap kay Alfonso. Hanggang sa makaramdam sila ng pagod, at makasalubong na din nila ang dalawa ni Ginoong Hernan, at Ginoong Chavez. " Nakita niyo ba ang inyong kapatid? ". Tanong niya sa mga ito. Tila naghahabol pa ng kanilang mga hininga itong sumagot. " H-hindi po namin nakita si Alfonso sa may kubo Ama, wala din po siya sa bandang ilog o sa sekretong daanan pa man po ". Paliwanag ni Chavez.
Napahawak sa kaniya ulo si Don Armando saka bumuntong hininga. Ngayon naiisip niya, kung saan na maaaring hanapin si Alfonso ganun pa man wala silang ibang ideya kung saan ito maaaring magtungo. Sapagkat iisa lang ang ipinagpaalam nito, makikipagkita siya kay Binibining Catalina sa kanilang tagpuan. " Oh Alfonso, nasaan ka na ba? Nasaan na ba ang kapatid ninyo? ". Wika pa niya sa hangin.
Nagkatinginan silang apat saka nagpasiya na munang bumalik nalang sa Mansion De Alessandro. Nagbabaka sakali na nakasalungat lang pala nila ang Ginoo at nakapabalik na ito sa Mansion. Ngunit sa kanilang pagdating sa tahanan ni anino ni Alfonso ay di nila nadatnan, wala pa din Alfonso ang siyang bumabalik... sa pagod nila ay agad silang inabutan ni Donya Alba ng maiinom. " Maupo muna kayo ang magsipahinga! Ito inumin ninyo pampahunas pagod ". Ika ni Donya Alba.
" Hindi namin roon natagpuan si Alfonso sa Las es Alessandro ". Sambit ni Don Armando. Hindi naman nakapagsalita ang mga naiwan lang sa bahay. Sa halos nakita ni Don Armando na may kinuha na sobre si Donya Buena sa aparador at agad itong iniabot sa asawa. Napatitig si Don Armando sa sobre, puno ng pagtataka ang mga tingin niya rito. " Anu ito? ". Kuwestiyon niya sa asawa. " Iniabot samin iyan ng isang di pamilyar na Ginoo kanina ng magtungo siya rito. Sinabi niya pang ibigay namin iyan sulat sa inyo mismo mahal ko, ipinabibigay daw ng kanilang amo ". Paliwanag ni Donya Buena.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Ficción históricaSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...