{Familia De Celesta}
Sa isang iglap ay ang dami na agad na nangyari. Talaga ngang napakahalaga ng oras, labis ang paghihinagpis ng Familia De Celesta sa dinanas ng kanilang pamilya lalo na sa nangyari kay Ginoong Miguel.
Dalawang linggo makalipas ang mga kaganapang kahindik-hindik. Si Don Fermin ay tuluyan ngang nakulong. Inaresto siya nila Heneral Valenciano at ng iba pa. Kusa rin itong sumuko at sa harap ng hukuman kaniyang inamin ang buong katotohanan sa plinano niyang Krimen at dahil doo'y naibalik ngang muli ang mga tiwala ng mamamayan ng Bayan ng Piris kay Don Armando. Muling din ibinalik ang Don bilang Mayor ng Bayan ng Piris na talaga naman karapatdapat sa kaniya. Naliwanagan ang lahat mula sa mga haka-haka at sabi-sabi na kanilang inakalang totoo.
Ngayon nga ay nasa maynila sa Intramuros si Don Fermin. Upang pagbayaran nito ang kasalanan na kaniyang ginawa. Napatawan siya ng habang buhay na pagkakakulong sa salang pagpatay at pati na rin ang pagtatago at pananakit nito ng pisikal kay Ginoong Alfonso. Hindi na natapos pa ang dapat huling paglilitis para sa kaso ni Don Armando sapagkat naungkat na nga at lumabas na ang katotohanan sa suliraning iyon.
Sa araw ngang ito ay bibisita ang Familia De Celesta sa tahanan ng Familia Alessandro. Kung kaya sabik na sabik ngayon si Binibining Catalina. Sa looban kasi ng dalawang linggo ay nagkulong ang pamilya nila sa kanilang tahanan sa kadahilanang kinailangang maalagaan nila ng husto si Ginoong Miguel ng sa ganun mapabilis ang paggaling nito mula natamong sugat noong matamaan ito ng baril sa kaliwang bahagi ng tagiliran. Mabuti kamo't naagapan, Si Doktor Pablo Adricula ang siyang tumingin sa Ginoo kung kaya nasiguro agad ang kaligtasan nito.
" Kaya mo na ba Kuya? ". Tanong ni Catalina sa Kuya Miguel nila, habang inaalalayan nila ng kaniyang Kuya Esteban itong makalakad papalapit sa kalesa. " Oo naman anu ba kayo ". Reklamo nito sa kanila ni Ginoong Esteban. Natawa na lamang silang tatlo saka dumeretso na sa looban ng kalesa.
Sila Don Enrico na at Ginoong Esteban na ang siyang nagsakay mismo kay Ginoong Miguel. Nagulat naman si Catalina ng bigla siyang yakapin ni Donya Amiyah na kanilang Ina. " Masaya lang ako anak sapagkat ligtas na ang Kuya niyo. Bukod doon bumalik na ang lahat sa dati. Sayang nga lang wala si Ama. Ngunit nakakasiguro tayong masaya rin siya para sa atin ". Sambit ni Donya Amiyah saka kumalas sa pagkakayakap nito sa kaniya.
Ngumiti siya sa Ina at hinawakan ang kamay ng kaniyang Ina. " Tama po kayo Ina, masaya rin po ako lalo para sa atin. Kaya wala po tayong dapat dapat ikalungkot pa. Hilingin nalang po natin ang kaligtasan niya roon ". Nagkatitigan pa silang mag-ina bago napagpasiyahang sumakay na ng kalesa, di din nagtagal pa ay humayo na sila patungo Mansion De Alessandro.
{Familia Alessandro}
" Narayan na sila!!!! ". Sigaw ni Ginoong Chavez ng matanaw na nito ang paparating na kalesa ng Familia De Celesta. Binalot ng kaguluhan ang loob ng tahanan nila sa labis na katarantahan at kasabikan. Agad naman binuksan nila Apolonio at Binibining Consuelo ang pintuan ng Mansion. Pagkababa palang ng Familia De Celesta sa kalesa ng mga ito ay mabilis nilang sinalubong ang bisitang pamilya.
Kahit hirapan si Binibining Felisa sa pagtayo dahil sa tiyan nito na kabuwanan na niya ay pinagsumikapan pa rin ng Binibini na makatayo. Inaalalayan siya ni Ginoong Elonso at Binibining Bibiana. Mayroon ngiti sa labi nilang sinalubong ang Familia De Celesta. Napalitan ng mga beso, yakapan, at batian silang lahat. " Tuloy kayo! ". Anyaya ni Donya Alba sa mga bisita.
Magkakasama ang mga ito na nagtungo sa hardin ng Mansion upang dito magsalo-salo. Naghanda ng napakarami si Donya Alba, syempre hindi dito mawawala ang espesyal na putahe ng kanilang pamilya na Menudo Ala Alessandro. " Si Ginoong Alfonso nga pala kumare? Kamusta na siya? ". Ungkat ni Donya Carmelia. Nagkatinginan ang lahat ng marinig nila ang ngalan ng Ginoo. Natauhan lamang sila ng sandaling lumingon at tumingala si Donya Alba sa itaas sa gawing silid ni Ginoong Alfonso bago sinagot ang tanong ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...