[KABANATA 20]

224 5 9
                                    

{Familia De Celesta}

" Kamusta ang pag-uusap niyo ni Ginoong Alfonso? Sa wari ko'y nagkakamabutihan na kayo ". Tanong ni Felisa sa kapatid. Bihis na bihis ang Ate niya. " Napakaganda mo sa iyong suot Ate ". Puri ni Catalina. " Huwag mo ngang ibahin ang usapan Catalina, danas na danas ko na iyan ". Ika nito sa kaniya at napayuko sa hiya si Catalina.

" Tama ako hindi ba? Nagkakamabutihan na kayo ni Ginoong Alfonso? ". Pang-aasar pa nito. " Hindi pa ngayon Ate, darating din kami roon ". Sagot niya. Tumawa ng mahina si Felisa. " E kayo ni Ginoong Hernan kamusta na? ". Balik niyang tanong sa Ate niya. Biglang napawi ang mga ngiti nito sa labi. Naiintindihan niya kung bakit dahil parehong hindi nila gusto ang desisyon na naipataw para sa kanila. Ipakasal sa taong hindi naman nila iniibig. Isa iyong mabigat na paglabag sa kanilang kalooban. Sapagkat hindi iyon ang isinisigaw ng kanilang mga puso.

May iba silang minamahal pareho ni Ginoong Hernan. Kung kaya magpahanggang ngayon nahihirapan sila sa sitwasyon. " Hindi ko alam kung hanggang kailan namin maaaring gawin ang pagtatago Catalina. Ngunit hanggat maaari gusto naming maging malaya, at ibuhos ang lahat ng pagmamahal na maaari namin ibigay sa totoong nilalaman ng mga puso namin. Kung maaari ko lang ipaglaban ang sinasabi ng aking puso ". Ika pa nito at mas lalong lumungkot ang prisensya nito at ng buong paligid.

" Naiintindihan kita Ate ". Pagkatapos niyakap niya ito. " Sana sila din kayang maintindihan ako ". Ika nito. " Catalina? ". Tawag ni Donya Amiyah sa anak. " Po Ina? ". Tugon niya kung kaya napaalis siya sa pagkakayakap sa kapatid. Sabay nilang nilingon ang kanilang Ina. " May bisita ka ". Kinikilig nitong sambit. Nagtaka naman si Catalina subalit hindi na siya nagtanong pa at sumunod na lang sa pagbaba ng kanilang Ina. Sumama din paibaba si Binibining Felisa sa kanila.

Habang bumababa siya ng hagdan, nahahagip na ng mga mata niya ang pamilyar na kurba ng ulo nito, pamilyar na prisensya, at ng magkita na nga silang dalawa ay sinalubong siya nito ng may mga ngiti sa labi nito. Mga ngiti mahahawa ka na lang kapag ikaw mismo ang nakakita. " Nariyan na pala ang aming kapatid ". Sambit ni Ginoong Miguel. Kausap kasi siya ng mga ito. Nagulat nga si Catalina sapagkat ang bilis nitong nakasundo ang mga kapatid niya.

Agad siyang sinalubong ni Alfonso. " Tumupad ako sa aking pangako. Ipinagpaalam na din kita sa iyong mga magulang, maging sa iyong mga kapatid ". Wika nito sabay yuko. " Magandang umaga Binibini, bulaklak para sayo ". Ika pa nito sabay abot ng dilaw na rosas. Napangiti sa tuwa si Catalina dahil sa bulaklak na dala nito para sa kaniya. " Salamat! Kung ganun napapayag mo sila? ". Tugon niya dito. At tumango si Alfonso.

" Ehem! ". Pagpapapansin ni Binibining Felisa. " Pumayag na ba ako? ". Sambit pa ng Binibini. Natawa naman si Catalina, samantalang napawi ang ngiti sa labi ni Alfonso. " P-paumanhin po Binibining Fel----- ". Putol nitong pananalita sapagkat mabilis na kinontra ng Ate niya. " Ayos na Ginoo, pumapayag naman ako. Binibiro lamang kita ". Natatawang sambit ni Felisa.

Napahawak sa likod ng kaniyang batok si Alfonso sa hiya. " Kung ganun maaari na kitang hiramin sa kanila? ". Pagpapaalam ni Alfonso mismo kay Catalina. " Tara na? ". Tanong niya sa Ginoo. At inalalayan siya ni Alfonso patungo sa kalesa na nakaparada sa labas ng mansion ng Familia De Celesta. Sa labas ay naroroon si Apolonio, ito ang magsisilbing kotsero nila gamit ang sasakyan na pagmamay-ari ng Familia Alessandro. " Ginoo, mag-iingat kayo. Ingatan mo ang Binibini at huwag kayong magpapagabi sa daan ". Paalala pa ni Donya Amiyah sa kanilang dalawa at ng dungawin nila ni Alfonso sa bintana ang mga ito ay kumakaway-kaway pa sila.

Magkatabi sila sa loob ng kalesa, tig-isang bintana ang kanilang dinudungawan ngayon. Tila hindi mapakali si Catalina, at kinakabahan dahil katabi niya sa upuan si Alfonso. Sa tuwing titingnan niya si Alfonso ay kalmado lamang ito, at mukhang hindi man lang kinakabahan na sila lang dalawa ang mag-kasama. " Ayos ka lamang ba? ". Tanong nito dahilan para mabigla siya. " H-ha? A-anu oo naman Ginoo ". Tugon niya sabay ngiti.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon