[KABANATA 7]

339 11 4
                                    

{Familia Alessandro}

" Tsaa anak? ". Alok ni Don Armando sa kaniyang anak upang mag-tsaa. " Salamat po Ama ". Tugon naman ni Alfonso, at kinuha ang isang tasang tsaa na inaabot sa kaniya ng kaniyang Ama. Uminom siya ng kaunti at inilapag din ang tasa sa lamesa malapit sa kanila. Nandirito kasi sila sa balkunahe ng kanilang mansion. " Kamusta ang pamamasyal sa Las es Alessandro anak? ". Tanong muli ni Don Armando. " Ayos lamang po???? ". Hindi siguradong sagot ni Alfonso dahil biglang pumasok sa isipan niya ang mga ala-ala na nangyari lamang kanina ilang oras pa lang ang nakalilipas noon naglilibot siya sa Las es Alessandro mag-isa.

" Bakit parang di ka sigurado sa iyong sagot? ". Nagtatakang tanong ng kaniyang Ama sa kaniya. " Ayos lang po Ama, maganda po ang tubo ng mga halaman ". Dagdag na sagot ni Alfonso upang makalusot sa kaniyang Ama. " Mabuti, ngunit parang may iba kapang iniisip? May problema ka ba Alfonso? ". Natahimik silang sandali dahil sa tanong ng kaniyang Ama sa kaniya. " Wala po, ayos lamang po ako Ama! ". Sagot niya. Pero tila hindi kombinsido si Don Armando sa sagot niya.

Napatango-tango ito at iniwas ang mga tingin sa anak niya. Uminom ng tsaa saka muling nagsalita. " Anak kita kaya alam ko kung may gumugulo sayong isipan? Anu ba iyon? ". Pagpipilit pa ni Don Armando na sabihin na sa kaniya ni Alfonso ang problema nito. Uminom din ng tsaa si Alfonso saka hinarap ang Ama niya. " May nais lamang po sana akong itanong sa inyo Ama? ". Sambit ng Ginoo para sa kaniya maituon ng Ama ang antensyon nito. " Anu iyon? ". Seryosong tanong muli ni Don Armando.

" Anu po ba ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa inyo Ama? ". Tanong ni Alfonso na ikinangiti ng kaniyang Ama. " Pag-ibig! Ikaw anu bang ibig sabihin ng pag-ibig para sayo? ". Balik na tanong ni Don Armando sa anak. Sandaling natigilan si Alfonso at napaisip. " Para po sakin ang pag-ibig ay isa lamang salita, may tatlong pantig at binubuo ng mga letra. Sayantipikong tawag sa nararamdaman ng isang tao! ". Sagot ng Ginoo sa paraang galing sa bokabolaryo at diksyonaryo.

" Alam mo anak ang mga tao ay may iba't-ibang antas ng kahulugan sa pag-ibig. Binabasi nila sa kung anu ang nararamdam mo para sa isang tao. Kapag ang iyong puso'y tumibok ng walang dahilan, napapangiti ka ng di mo inaasahan, naaalala mo ang lahat kahit di mo pagnilayan. Ang tawag do'oy pag-ibig. Umiibig ka na ng di mo namamalayan ". Paliwanag ni Don Armando. Napatitig naman si Alfonso sa kaniyang Ama dahil sa mga sinabi nito sa kaniya. " Ganiyan din po ba ang naramdaman niyo para kay Ina? ". Tanong ni Alfonso na tila hindi inaasahan ng kaniyang Ama na itatanong niya. Hindi kasi ito agad nakasagot. " O-oo, Ang pag-ibig kusa mo na lang iyong mararamdaman ". Sambit ni Don Armando na parang di pa sigurado, pero bandang huliy pinagtibay niya ito.

" Bakit mo naman natanong ang tungkol sa bagay na iyan, Sinong masuwerteng dilag ang napupusuan ng aking anak? ". Seryosong tanong ni Don Armando. Nabigla naman si Alfonso sa tanong sa kaniya kaya bigla siyang nasamid ng di inaasahan. " W-wala po ama ". Nauubo pang sagot ni Alfonso. Natawa ng mahina sa inakto niya ang kaniyang Ama. " Ganiyan din ako noon Alfonso! ". Dagdag pa na sambit ni Don Armando sa anak. Tinapik-tapik pa nito sa balikat ang Ginoo. " Oh siya maiwan na muna kita may kailangan pa akong gawin ". Paalam pa nito, at naiwan ang Ginoo sa balkunahe ng kanilang mansion mag-isa.

Sumipol ng mahina ang malamig na simoy ng hangin, tumayo ang Ginoo mula sa pagkakaupo at humakbang ng ilang baytang. Tumalon siya ng mababa upang makaupo naman sa gawa sa semento na harang nila sa kanilang balkunahe. Tumingala ang Ginoo at ipinikit niya ang mga mata niya. Ilang sigundo bago niya ito iminulat, at sa pagmulat niya nasilayan niya ang mga bituing nagkikislapan sa kalangitan, ang mga ulap na wangis na wangis ang mga hugis dahil sa liwanag ng bilog na buwan.

" Kay sarap pag masdan ng mga bituin sa kalangitan,
Kay sarap damhin ng hangin na nagmumula sa mga punong naghahampasan, Kay sarap marinig ang pagtibok ng puso mo dahil ngayon ika'y umiibig!...... ". Mabilis niyang nilingon ang bagong dating na si Elonso, tumabi ito sa kaniya ngunit nanatiling nakatayo. " Ikaw pala Kuya, at gising ka pa? ". Umpisa ni Alfonso. Iniwas ni Elonso ang mga tingin kay Alfonso, tumingala ito upang tignan ang kalangitan. Tinulad naman siya ni Alfonso, at sabay na nila ngayong pinagmamasdan ang kalangitan.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon