[KABANATA 8]

229 10 0
                                    

{Familia Alessandro}

Kinaumagahan, naalimpungatan na lang si Alfonso sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Paunti-unti niyang iminulat ang mga mata niya. Hindi muna siya tumayo at nanatiling nakahiga, ipinatong niya sa noo niya ang kanang braso habang pinagmamasdan ang maaliwalas na panahon sa labas ng kaniyang bintana. Kita kasi ito......

" Alfonso! Alfonso! Gumising ka! ". Kaya naman napalingon si Alfonso sa may pintuan ng kuwarto niya. Tumatakbong tawag ni Chavez sa kapatid habang papasok sa silid nito. Kaya napaupo si Alfonso para harapin ang Kuya niya na hagas na hagas ang itsura. Hinawakan pa siya nito sa tigkabila niyang balikat. " Mamayapa ka Kuya!. Anu bang nangyari? ". Mahinahon na tanong ni Alfonso. " Binabangungot nanaman si Chiquita, wala naman sila Ina at Ama maagap kasi silang umalis kanina. Magtutungo ata sa kabilang Baryo sa Baryo Lilukin. Sila Lolo at Lola naman nasa Las es Alessandro. Hindi naman namin alam ang gagawing tatlo nila Kuya Elonso at ni Hernan...... Wala din alam sila Ginang Felita tungkol dito! ". Nangingiyak na paliwanag ni Chavez sa kapatid.

" Huminahon ka Kuya!. Nasaan si Chiquita? ". Tanong ni Alfonso. " Nasa silid niya!!! ". Kinakabahan na sagot ni Chavez. Tumayo na agad silang dalawa, at kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit tumakbo na si Alfonso patungo sa kuwarto ni Chiquita, sa bandang kaliwa sa dulo. Kahit nag-aalala na ay pinili pa din maging kalmado ni Alfonso. Naisip niya kasi na hindi iyon makakatulong sa sitwasyon.

Pagdating nila sa silid, gising na si Chiquita subalit walang tigil ito sa paghagulhol. " Chiquita? ". Tawag ni Alfonso pagkapasok palang niya sa silid ng bunsong kapatid. " Alfonso! ". Sambit naman nila Ginoong Elonso at Ginoong Hernan nang makita nila si Alfonso na pumasok ng silid. Naroroon din sila Ginang Felita na nahahagas na sa sobrang pag-aalala kay Chiquita.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Alfonso ng biglang tumakbo sa kaniya si Chiquita habang umiiyak ito. Basang-basa na ang mga pisnge nito ng luha niya dahil sa walang tigil na paghagulhol. Napayakap si Chiquita sa Kuya Alfonso niya na ikinabigla naman ng Ginoo. Lumuhod siya para mapantayan si Chiquita, at muli siyang niyakap nito at niyakap naman niya pabalik ang bunsong kapatid. " Shhhhh..... Tahan na. Nandito na si Kuya. Nandito na kami ". Sambit ni Alfonso.

Lumapit naman sa kanila ang tatlo ni Elonso, Chavez, at Hernan. Lumuhod din ang mga ito upang maging kapantay sila Chiquita at Alfonso. " Chiquita! Maaari mo bang sabihin kay Kuya kung anu ba ang nangyari? ". Tanong ni Elonso sa kapatid. Naramdaman ni Alfonso na mas lalong humigpit ang mga yakap at kapit nito sa kaniya. At doon niya napagtanto na hindi lang siguro simpleng panaginip ang napanaginipan ng kapatid nila.

" Sobrang samang panaginip ba nito? ". Dagdag na tanong pa ni Chavez dito. Tumango si Chiquita dahilan para magkatinginan ang apat. " Maaari ba naming malaman kung anung klasing panaginip ito? ". Pakiusap pa naman ni Hernan. Pero hindi sumagot si Chiquita at naramdaman ulit ni Alfonso na lumuwag na ang pagkakayakap at pagkakakapit sa kaniya ng bunsong kapatid. " Naalala mo ang sinabi sayo ni Kuya, na kapag nanaginip ka ng masama. Magdasal ka lang para hindi na ito maulit pa. ". Paalala pa ni Alfonso sa palagi niyang sinasabi kay Chiquita sa tuwing nanaginip ito ng masama.

" S-si Ama at Ina nag-aaway...... Kita ko sila... Kuya? Maghihiwalay ba sila???? ". Umalis sa pagkakayakap niya si Chiquita sa Kuya Alfonso niya at saka niya ito itinanong na ikinabigla naman ng mga tao na nasa paligid niya. Napatingin si Alfonso sa mga Kuya nila. " Iyon ba ang masamang panaginip mo? ". Tanong ni Alfonso. Tumango si Chiquita sa Kuya Alfonso niya. Umupo si Alfonso sa harapan ni Chiquita at ngumiti ito dito. " May sasabihin sayo si Kuya ha? kaya makinig kang mabuti..... Ang lahat ng masasamang panaginip ay kabaliktaran sa totoong buhay kaya hindi mo dapat paniwalaan ito. Bagkus gawin mo itong insperasyon upang mas maging matapang. At bukod doon wala naman magiging mabigat na dahilan upang maghiwalay ang ating mga magulang. Kaya huwag ka ng umiyak pa, hindi nababagay sayo ang lumuluha munti namin prinsesa! ". Sambit ni Alfonso sabay pisil sa pisnge ni Chiquita.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon