[KABANATA 15]

155 7 2
                                    

{Familia De Celesta}

Kanina pa nakatingin sa salamin si Catalina, walang humpay ang mga ngiti habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin suot-suot ang kuwintas na nakita at ibinalik sa kaniya ni Alfonso.

Labing anim na taon din ng mawala ang espesyal na kuwintas niya. Nagalitan pa siya ng kaniyang Ina dahil sa pagkawala nito. At ito din ang naging dahilan Kung kaya't magbuhat na mawala niya ang kuwintas ay hindi na siya lumabas pa ng mansion. Nito na lamang muli sapagkat malaki na siya at naniniwala siyang wala na muling bagay na maiwawala pa.

Iniisip din niya ngayon ang ala-ala na muling pumasok sa isip niya noong nakaraang araw. Bago niya pa malaman na nakilala na niya noon pa si Alfonso labing anim na taon na ang nakararaan. Natatawa siya sa tuwing nababalikan  iyon sapagkat napakaiyakin palang bata noon ni Alfonso.

Nagtatakang siya kung bakit nakalimutan niya ang tungkol doon. Siguro ay dahil na din sa paglimot niya sa trahedyang pagkawala sa kuwintas kaya pati ang ala-ala niya noon sa batang lalaki na si Alfonso pala ay nabura din. Ngunit muli naman itong bumalik at ngayon malinaw na ang lahat. Noon pa man pala'y matalik na silang magkaibigan ng Ginoo, at masaya siya sa tuwing iniisip iyon.

Naalala niya pa bago umalis ang Ginoo nang iligtas ito ni Manong Benito sa masamang panahon. Pinabaunan niya ito ng mga ngiti niya na alam niyang matagal ng hindi nasisilayan ng Ginoo. Ngiti noong una silang nagkakilala sa Las es Alessandro nang mga bata pa sila.

Itinago na niya ang kuwintas sa loob Ng damit niya. Linggo ngayon Kaya magtutungo sila sa Plaza Piris upang sumimba sa simbahan ng San Lorenzo. Hiling niyang sana naroroon din ang Familia Alessandro. Nais niya kasi muling magpasalamat sa Ginoo, sa maluwag na pagsasauli ng kuwintas sa kaniya.

Nagmadali siyang sumakay sa kalesa. " Kakaiba ang mga ngiti mo ngayon? ". Mapagtakang tanong ni Binibining Karime sa pinsan. Napatingin naman si Felisa sa kapatid at napansin na tama si Karime sa sinasabi nito. " May nakain ka bang kung anu Catalina? ". Seryosong tanong ng Ate niya. " W-wala naman po Ate, W-wala lang ito. Masaya lang ako! ". Giit pa niya sa mga ito. Hindi na nagsalita pa si Binibining Felisa at nanahimik na hanggang sa magbyahe sila sa patungong Plaza Piris.

Madaming tao ang bumungad sa kanila, mag-uumpisa pa lamang ang misa kaya dagsa ang mga tao. Pumasok na din sila sa loob ng simbahan at humanap ng puwesto. Tumingin siya sa kaliwa pati din sa kanan, tinitignan niya kasi Kung dumalo ang Familia Alessandro at hindi siya nagkakamali dahil nasa unahan nila ang mga ito. Katapatan niya si Ginoong Chavez samantalang si Alfonso ay katapat ni Binibining Felisa.

" Magsitayo po ang lahat! ". Sambit ng pari para sundin nila ito. Nagsimula ang misa at bago matapos ang pangaral inabutan sila ni Ginoong Esteban ng kandila. " Humiling ka mamaya! ". Sambit nito pero pabulong lang. Magkasabay silang lumabas dalawa ni Bonita. Nakaalalay kasi ito sa kaniya.

Pagkalabas nila agad siyang nagtungo sa tirikan ng kandila. Sinindihan ito Mula sa mayroon na din sinding kandila. Hindi niya inaasahan na ang kalapit pala niyang nagdarasal ay si Ginoong Chavez. Katatapos lang din nitong magdasal gaya niya, at napangiti na ito sa kaniya ng makita siya. Yumuko pa ito upang magbigay galang at ganun din ang ginawa niya.  " Magandang Umaga Binibini, masaya akong makita ka? ". Bati ni Ginoong Chavez sa kaniya. " Sayo din Ginoo! ". Tugon naman niya.

" Kasama mo ang inyong buong pamilya? ". Tanong pa nito at tumango siya. " Kayo din ba? ". Balik niyang tanong kaya tumango din ito bilang sagot. " Sandali lang Binibini, kailangan ko munang magpaalam. Maiwan muna kita hanggang sa muli ". Paalam nito sa kaniya. Ngunit bago pa ito tuluyang makaalis muli siya nitong tinawag at ngumiti kasabay ng pagkaway nito habang papaalis ng tuluyan ang Ginoo.

{Familia Alessandro}

" Saan ka nanggaling Chavez? ". Kuwestiyon ni Elonso dito subalit hindi ito sumagot at tuwang-tuwa lang. Nagtaka naman si Elonso at napakamot na lamang sa ulo niya. " Anung nakain ni Kuya Chavez, Kuya? ". Nagtatakang din tanong ni Hernan. Kibit balikat ang isinagot ni Elonso sa kapatid.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon