[KABANATA 11]

187 7 1
                                    

{Familia De Celesta}

" Bonita maghain ka na sa ibaba, sabihan mo na din sila na kakain na ". Masiglang utos ni Binibining Felisa kay Bonita. " Catalina saan ba kayo nanggaling kahapon? ". Tanong ni Miguel sa kapatid. "Sa tahanan po ng mga Asuncion Kuya, bakit po? ". Tanong din ni Catalina pabalik. Hindi muna sumagot agad si Ginoong Miguel at masusi pang pinagmasdan ang nakatatanda nilang kapatid.

" Para bang maykakaiba? ". Di siguradong sagot nito sa kapatid. Napahinto si Catalina sa paggagantsilyo at tinignan niya ang Kuya Miguel niya. " Alin po ba ang tinutukoy mo Kuya? ". Nagtatakang tanong ni Catalina. Sinundan niya kung saan nakatingin ang mga mata ni Ginoong Miguel. Kundi sa Ate nila Felisa. " Nasabihan mo na ba sila Ina at Ama na kakain na Bonita? ". Mabait nitong tanong kay Bonita.

" Nahipan ba ng masamang hangin iyan si Ate at bumaliktad ang mundo? O bumaliktad ang ikot ng utak niya? ". Di mawaring sambit ni Catalina sa sinabi ng Kuya Miguel niya. Pero sa nakikita niya ngayon may punto ang kaniyang Kuya. Mayroon ngang kakaiba sa Ate Felisa nila. Maaliwalas ang mukha nito, at mukhang maganda ang gising. Hindi kasi ito masungit ngayon tignan, lalo na hindi din ito nagsusungit. Napakalumanay kung magsalita at daig pang pinaluhod sa tig-isang bilao ng asin at munggo sa sobrang bait nito ngayon.

" Catalina, Miguel halina na kayo at kakain na! ". Tawag pa nito sa kanila dahilan para mabalik sila sa mga sarili nila. Hindi na sila nagpatawag pang muli, agad silang sumunod sa Ate nila. Naupo naman na si Catalina, katabi ng Kuya Esteban niya na tahimik lang at seryoso. Samantalang si Miguel hindi agad umupo at hinarap ang Ate nila.

Bigla niyang itinaas ang kanang kamay at inilagay ito sa noo at leeg ng Ate Felisa nila para siguraduhin kung wala ba itong sakit. " May sakit ka ba Ate? ". Tanong ni Miguel dito. Tinabig ni Binibining Felisa ang kamay ni Ginoong Miguel na nakalagay sa leeg niya saka sinagot nito ang kapatid. " Anu ka ba wala akong sakit. Ayos lang ako!. Kumain ka na riyan ". Utos pa nito sa kaniya at nagsungit nanaman. Para makapanti na siya dahil nagsungit nanaman ang Ate niya. Baka kasi mamaya nasasapian na pala siya ng kung anung elemento diyan.

" Esteban, paborito po kare-kare ". Sambit pa ni Binibining Felisa. Per hindi sumasagot si Esteban patuloy lang siya sa pagkain. " May problema ka ba ha kapatid? ". Nag-aalalang tanong ni Miguel dito. " Ayos lang ako! ". Matipid at mahinang tugon nito. Pinagmasdan naman ni Catalina ang Kuya Esteban niya at napansin niyang may parang pasa ito sa pisnge. Subalit hindi na niya iyon pinansin pa, naisip niya na baka dumi lamang ito kaya nagpatuloy na siya sa pagkain.

" Bonita nasaan na ang tubig dito? ". Tanong ni Donya Amiyah kay Bonita na nasa isang tabi at nakatayo. Nakatulala ito at pawang balisa at wala sa sarili. " Bonita hija? ". Tawag pa ni Don't Amiyah ulit dito. " P-po? Donya Amiyah? ". Tanong ni Bonita. " Iyong tubig? Maaari bang makisuyo? ". Sambit pa ng Donya at nagmadaling nagtungo si Bonita sa kusina. Hindi inalis ni Catalina ang mga tingin niya kay Bonita habang kumakain siya.

Sa pagbalik ni Bonita may dala-dala itong isang pitsel na tubig. Isa-isa niyang sinalinan ang mga baso ng mga Amo niya. Napansin ni Catalina na nakatingin lang ang Kuya Esteban niya kay Bonita habang nagsasalin ito ng tubig at ng kay Ginoong Esteban na mismong baso ito nagsasalin ay halos nangingilig ang mga kamay ni Bonita. " Tulungan na kita Bonita? ". Sambit pa ni Esteban at hinawakan ang kamay ni Bonita para matulungan sa pagsasalin ito subalit mukhang making galaw ang ginawa ng Ginoo.

Sa pagkagulat ni Bonita sa paghawak sa kaniya ng kamay ni Esteban bigla niyang nabitawan ang pitsel at dahil doon nabuhusan ng tubig ang Ginoo at agad na napatayo sa kinauupuan niya. " P-paumanhin po! Paumanhin po Ginoo ". Nangangatal nitong sagot, at nagulat na lang silang lahat ng umiiyak na ito. Kaya kaagad ni Catalina itong nilapita. " Bonita  anu bang nangyayari sayo? " Tanong ni Catalina.

" Year 1899 " (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon