{Familia De Celesta}
" Binibini nahanap niyo na po ba ang tamang tela para sa inyong gagawaing damit? ". Tanong ni Bonita sa amo. Isinama kasi siya ni Felisa upang mabantayan si Catalina. " Oo, nahanap ko na. Tignan mo maganda itong tela na puti para sa paparating na pasko hindi ba? ". Tanong din ni Catalina kay Bonita. " Nababagay sa inyo, Binibini! ". Tugon ni Bonita sa amo, napangiti na lang si Catalina sa mga sinasabi ni Bonita sa kaniya.
" Anu Binibini ito na po ba ang inyong napili? ". Tanong ng tindera sa dalaga. Tumango si Catalina at tinignan ni Bonita para ito na ang magbayad. Pagkatapos ay inabot ng ali kay Catalina ang mga tela na nakabalot sa isang papel na supot. " Nakalimutan ko po pala mag dala ng bayong Binibini, pasensya na po ". Paghingi ng paumanhin ni Bonita. " Anu ka ba Bonita ayos lamang ". Sagot naman ni Catalina.
Para kasi sa kaniya mas gusto niya maranasan ang mga bagay na kailan may di niya pa nasusubukan. Kagaya nito na siya ang magdala ng tela, na walang aalalay sa kaniya. Buong buhay niya kasi palagi na lang siyang ginagawang prinsesa sa bahay nila. At kaya kapag lumabas siya ng mansion para siyang bagong silang na bata na walang muwang sa paligid niya. " Ako na po ang magdadala Binibini! ". Suhestiyon ni Bonita. Pero di pumayag si Catalina, pinilit pa siya ni Bonita pero hanggang sa huli di nag patinag si Catalina kaya di na umangal si Bonita sa Amo. At si Catalina ang nag wagi.
Naglalakad sila sa Plaza upang maningin pa sa ibang mga tindahan. Napahinto ang dalaga sa isang tindahan nang mga bulaklak. Naakit kasi siya ng kagandahang taglay ng puting bulaklak at angking bango nito na umaalingasaw sa paligid ng tindahan. " Anu pong uri ng bulaklak ito? ". Pag-uungkat ng Binibini sa tindera ng bulalak. " Ah iyan ba iha, ang tawag riyan ay Sampaguita!. Kilala ang bulaklak na iyan sa mabango nitong amoy at taglay na kariktan. Kukuha ka ba? Nababagay lamang ito sa iyong ganda ". Sambit ng tindera kay Catalina.
" Opo Manang, mga limang tali po nito! ". Nagtaka naman si Bonita dahil napakadaming bulaklak ang kinuha ng kaniyang amo. Matapos nilang magbayad ay inabot niya ang bulaklak kay Bonita, na ipinagtaka naman nito. Tinignan lang niya ang amo kasabay ng pakurap-kurap niyang mga mata. " Para sayo Bonita ". Tugon ni Catalina. " S-sakin po Binibini? Bakit na-naman po? ". Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga sa amo. " Tanggapin mo ito, bilang pasasalamat ko sa iyo. Sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Parati kang nariyan sa tabi ko. Nakaalalay at di mo ako iniiwan. Nagsisilbi itong pasasalamat dahil naging kaibigan kita ". Hindi makapaniwalang kinuha ni Bonita ang inaabot na bulaklak sa kaniya ng amo.
Sa tuwa ay napayakap siya dito at napaiyak. Nagulat naman si Catalina noon una pero niyakap din niya pabalik ang tagapagsilbi. " Salamat " Muling sambit ni Catalina dito. " Tahan na, nakakapangit daw ang pag-iyak ". Pagpapakalma ng Binibini kay Bonita. Umalis na ito sa pagkakayakap sa Binibini at hinarap ito. " Maraming salamat Binibini, hindi ko akalain na kaibigan na po pala ang turing niyo sa akin ". Lumapit si Catalina kay Bonita at hinawi ang buhok nito.
" Noon pa may kaibigan na ang turing ko sayo ". Sagot niya, pinahid din ni Catalina ang luha sa mga mata ni Bonita. " Ngiti na ". Paalala pa nito. Inayos ni Bonita ang sarili saka ngumiti sa Binibini. " Opo Binibini ". Masigla nitong sagot para mapangiti din sa kaniya si Catalina. " Tara na? Baka hinahanap na tayo nila Ina ". Dagdag pa ni Catalina at naglakad na sila muli, pabalik sana kung nasaan ang kaniyang mga kapatid at magulang.
Ngunit habang nag lalakad ay hindi niya akalain na muntikan na siyang matatabig ng lalaking tumatakbo. Mabuti na lamang mabilis siyang nakaiwas, nag-iwan pa siya ng habol tingin sa lalaking muntikan na siyang masagi dahil sa sobra niyang pagkabigla. Napahawak pa siya sa dibdib niya sa kaba. Pero noon akala niya na ligtas na siya, hindi niya akalain na sa paglingon niya ito na ang pagkakataon na mabubunggo siya ng tuluyan.
" Binibini!!!! ". Pasigaw na sambit ni Bonita sa amo kasabay ng paglingon nito at pagkabunggo sa isang lalaki. Natumba si Catalina sa lupa dahilan para matilapon din ang mga dala niyang tela. Sa sobrang sakit napapikit at napahawak si Catalina sa kaniyang ulo na siyang napatama kaya siya natumba.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...