{Familia Alessandro}
" Kamusta na si Ate Felisa? ". Tanong ni Alfonso sa kalagayan ng Binibini. Buong gabi kasi'y naririnig nila ang paghikbi nito. " Malalim na ang nang makatulog siya at ngayon ay nagpapahinga pa siya ". Paliwanag ni Elonso na mayroon pag-aalala sa asawa. " Oh tsaa para sa inyong dalawa? ". Wika ni Consuelo at inilapag nito ang isang pitsel ng tsaa at tatlong baso para sa kanila. " Salamat! ". Sabay na wika nila ng Kuya Elonso niya. Naupos sa tabi ni Alfonso si Binibining Consuelo. Nasa kusina kasi sila ngayon ng mansion.
" Kuya Elonso huwag ka ng mag-alala pa hindi maglalaon ay masasanay na din si Ate Felisa! Alam niyo naman kaming mga babae mahihina kami kung kaya mahirap para sa amin ang malayo sa aming pamilya ". Paliwanag pa ni Consuelo. " Nauunawaan ko ngunit hindi niyo maaalis sakin ang pagaalala para sa asawa ko, nasasaktan kapag nakikita ko siyang umiiyak ". Ani ni Elonso. " Kung sa bagay, ngunit magiging ayos din ang lahat ". Tugon ni Consuelo.
" Siya nga pala maiba ako. Kailan nga pala ang luwas ninyo ni Tiya Esmeralda patungong maynila? ". Tanong naman niya ngayon kay Consuelo. Umiling ito bilang sagot. Nagtaka naman siya dahil sa ibig sabihin nito. " Sila Lolo lang at Ina ang aalis. Magpapaiwan na muna ako dito upang magbakasyon ". Masigla nitong sagot. " Anu? Magpapaiwan ka at bakit naman? ". Gulat na tanong ni Elonso sa pinsan. " Ang Kuya Elonso naman parang ayaw akong makasama't manatili dito! ". Naglungkotlungkutan nitong wika. Natawa naman si Elonso ng bahagya. " Hindi naman sa ganun. Ang akin lamang ay biglaan ata? ". Paliwanag ni Elonso.
Hindi naman nakasagot si Consuelo agad. Hindi din nagsasalita si Alfonso at mabuti lang na pinagmasdan ang pinsan. Unimon siya nang tsaa at pagkalapag niya sa baso " Paano ang pag-aaral mo sa maynila? ". Tanong niya. " Sinabi ko kay Ina na dito ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko ". Sagot nito. " Anu naman ang iyong dahilan upang manatili dito? ". Tanong pa niya. " A-ah dahil gusto ko pang makasama kayo ". Nabubulol nitong sagot. Natawa si Alfonso at napatayo sa kinauupuan niya. " Kami nga ba? O dahil sa isang Ginoo dito? ". Buwelta niya para mamula ito at hindi sa kaniya makatingin ng diretso.
Hindi niya inalis ang mga tingin sa pinsan. At pilit niyang hinuhuli ang mga mata nito. " P-paano mo nalaman Kuya Alfonso? ". Nahihiya nitong tanong. " Bago mo pa maranasan iyan ay naranasan na namin. Consuelo, Hindi sa pinipigilan kita nais ko lang maunawaan mo na maling ikaw ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayo. Tandaan mo babae ang sinusuyo at lalaki ang siyang manunuyo. Kung talagang mahal ka niya gaano ka pa man kalayo ay makagagawa siya ng paraan upang muli kang makita! ". Pangaral niya dito at napatulala sa kaniya ang Kuya niya Elonso samantalang si Consuelo naman ay nakayuko.
" Opo Kuya Alfonso. Pero hayaan mo ng manitili ako dito. Iingatan niyo naman ako diba? ". Pagpupumilit pa nito sa kaniya. Napabuntong hininga naman siya at wala nang magagawa pa. " Sino nagsabi sayong aalagaan ka namin ha? ". Sabat nang bagong dating na si Chavez. " Ang sama mo Kuya Chavez ". Buwelta ni Consuelo. Lumapit ito kay Consuelo at hinawakan sa ulo nito gamit ang isang kamay saka ginulo ang buhok ng Binibini. " Ako masama? Napakagwapo ko nga para sabihan mo niyan ". Reklamo ng Kuya Chavez niya.
" Sino ba ang malas na Ginoo na iyon upang mangahas na ligawan ka? ". Pang-aasar pa ni Chavez kay Consuelo. " Oo nga! ". Pangsang-ayon naman ni Elonso. " Si Ginoong Esteban! ". Pangunguna niya sa pagsagot ni Consuelo. " Kilala mo Kuya Alfonso? ". Gulat na tanong ng pinsan niya sa kaniya. " Minsan kahit hindi sabihin ng bibig kusa mo na lang mababasa ikinikilos nila! Kahapon sa okasyon nakita ko kayong dalawa ". Paliwanag pa niya. Namula ng husto ang pisnge ni Consuelo at tumpulan ito ngayon ng tukso sa dalawa ni Elonso at Chavez.
***********
" Magandang tanghali sayo Ate Felisa? ". Bati niya sa kay Felisa na ngayon ay nakatingin sa kaniya habang pinapakain niya ang ibon na nasa hawla. " Magandang tanghali din naman sayo Alfonso. Anu iyan alaga mo? ". Panguungkat nito sa ibon na pinapakain niya.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...