{Familia Decelesta}
" Shhhh! Huwag kayong maingay! ". Paalala ni Ginoong Esteban sa mga kasama niya dahil binabalak nilang tumakas. Binuksan ni Bonita dahan-dahan ang pintuan sa kusina. Maliwanag na kung kaya't kailangan nilang maging maingat. " Sige na lumabas na kayo! ". Utos ni Donya Amiyah. Ngunit ng lalabas na nga sila ay narinig nila ang pagsigaw ni Don Fermin. " BINABALAK NINYO BANG TUMAKAS? ". Tanong ng Lolo nila. Nang dahil sa malakas na pagsigaw nito pareho-pareho silang napatingin dito. " Hindi ninyo na kailangan gawin pa iyan sapagkat isasama ko kayo sa Hacienda. Nais ko din masaksihan ninyo ang palabas ". Seryoso pa rin Sambit nito.
Katulad ng sinabi ng matandnag De Celesta, Don Fermin. Humayo nga silang lahat sa Hacienda nila. Kilabot at pangamba ang nararamdaman nilang lahat.... Malaki ang ipinagbago ng itsura ni Don Fermin, tila ba wala na ito sa sarili niya, makapal na din ang mga balbas nito sa mukha, na halos matahuban na ang bibig nito. Maiitim na din ang ilalim ng mga mata, at namamayat na ang Don siguro sa labis na pagiisip nito.
Inilibot ni Catalina ang kaniyang ulo sa lugar kung nasaan si Alfonso. " Fermin, anung kadimonyohan ang pinaggagawa mo? ". May galit sa tono ng boses ni Donya Carmelia. " Nasaan po si Alfonso? ". May galang parin na tanong ni Catalina sa Don para sa kaniya matuon ang atensyon nito. " Nasa kuwadra ng mga kabayo, tahimik na nagpapahinga ". Mahinahong tugon nito sa kaniya.
" Ama anu bang nangyayari sa inyo? Hindi na namin kayo maintindihan. Bakit ninyo ginagawa ang lahat ng ito? ". Pagkaawa, pagkadismya, at pangamba ang siyang nararamdaman nila ngayon lahat at ramdam din iyon ni Catalina sa mga binibitawan salita ng kanilang Ama, na si Don Enrico. Pero nabigo sila sa sagot ni Don Fermin. Sa halip ang ginawa nito ay inutusan ang mga tauhan na kunin si Ginoong Alfonso sa kung saan ba ito naroroon. Mabilis naman kumilos ang mga tauhan nito.
Halos mapaiyak si Catalina ng masilayan ang sitwasyon at itsura ni Alfonso. Di na ito makatayo dahil sa bugbog na natamo. " ALFONSO!!!!!! ". Sigaw ni Catalina ngunit ng binalak niyang lapitan ito ay inawat siya ng mga tauhan ng Lolo niya. " Fermin, anung kinalaman ng bata sa gulong ito? ". Kuwestiyon ng Donya at maging ito ay awang-awa sa nakikita na kalagayan ni Ginoong Alfonso. " (Umiling-ilang) nilamon ka na talaga ng iyong kasakiman sa kapangyarihan ". Dagdag pa ni Donya Carmelia.
Kung alam niya lang na ito pala ang sasapitin ng Ginoo mas pinili na lang niya sanang magpakasal kay Simon. Hindi niya tuloy maiwasang isisi ang lahat ng nangyayari sa sarili niya. Hindi siya makita ni Alfonso sapagkat wala ito malay, subalit naniniwala siya at alam niyang naririnig siya nito kahit sa panaginip lang.
" Ama maawa ka sa Ginoo. Walang kasalanan si Alfonso. Di niyo kailangan idamay pa siya ". Sambit ni Don Enrico. " Señor may paparating po!!! ". Nagmamadaling tumakbo papalapit kay Don Fermin ang tauhan nito. Napalingon sila sa direksyon na itinuro ng Guardia , doo'y nakita nila ang anim na kabayong tumatakbo papalapit sa direksyon nila ngayon.
" si Bonito Binibini! ". Bulong ni Bonita sa kaniya ng bitawan na siya ng mga tauhan ng Lolo niya. Nagkatinginan silang dalawa ni Bonita at parehong bahagyang napangiti. " Anung ginagawa nila rito at paano nila nalaman ang lugar na ito? ". Nagtatakang tanong ni Don Fermin, hindi ito makapaniwala ngayon sa nakikita, na nalaman ng Familia De Celesta ang lahat. " Nagawa ng kapatid mo Bonita! ". Kinig nilang sambit ni Ginoong Esteban.
Dahil roon napalingon sa kanila si Don Fermin. Sa mga tingin nito sa kanila alam na niya na alam na din nito ngayon ang sagot kung bakit nalaman ng Familia Alessandro lalo na kasama ng mga ito si Bonito. " Mga suwail! ". Sumbat nito sa kanila, kaya napayakap si Catalina kay Bonita. " Bantayan niyo sila, at itago si Alfonso ". Utos ni Don Fermin.
" Kahit magtago ka na Fermin o di kaya ay tumakbo sa mata ng batas nagkasala ka pa rin!!! ". Mariin at puno ng galit na wika ni Donya Carmelia sa asawa. Pero hindi ito binigyang pansin Don Fermin mahigpit sila ngayong binabantayan ng mga Guardia. Mula naman sa pagkakasakay sa kanilang mga kabayo, bumaba ang mga Ginoo. Kuno't noong agad na hinarap ni Don Armando si Don Fermin.
BINABASA MO ANG
" Year 1899 " (COMPLETED)
Historical FictionSi Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Habang si Catalina De Celesta naman ay ang anak ng isa sa mga kilala at pinakamayamang pamilya. Itinadha...