Chapter 3: Library
LUMIPAS ang mga araw at palagi na lang kaming napapatawag sa principal's office dahil sa kagagawan ng baklang bwisit na pinaglihi sa kulangot na mamasa-masa pa ang Dave na iyon.
Halos kada subject yata sa buong araw ay palaging may napapalabas sa aming dalawa, puwedeng ako, puwede rin siya, minsan kami talagang dalawa o hindi kaya'y may umiiyak na teacher dahil hindi na kami kayang dalawa. Kulang na lang ay isumpa kami ng mga guro kapag nakikita nila kaming present sa kanilang klase.
Minsan ay pinaghihiwalay kami ng upuan ngunit hindi pa rin iyon mapipigilan ang lagablab ng inis ko sa kaniyang tuwing may ginagawang kagaguhan sa buhay ko.
Ako na itong nananahimik na ang kaluluwa tapos manggagambala pa siya. Nasa talampakan yata ang utak nito at hindi na makaintindi ng salitang tama na.
Minsan, may isang guro pa, ultimo wala pa nga kaming ginagawa ay pinalabas na niya kami agad para hindi tumaas ang presyon o hindi kaya mahimatay sa galit sa aming dalawa ni Dave.
Alam kong nakahihiya na 'to, pero lahat ng mga iyon ay ang pasimuno ni Dave at ang dalawang kaibigan nitong mga hari. Sila talaga ang may kasalanan nito. Normalize blaming three kings ika nga.
Akala nila magpapatalo ako sa mga panti-trip nila? P'wes, nagkakamali ang kaluluwa nilang tatlo! Kahit manghiram pa sila ng utak at ilagay sa puwet nilang panis. Maghalo pa ang balat sa tinalupan!
"Ms. Fernandez and Mr. Lee, araw-araw na lang bang ganito? Bakit ba wala kayong tigil sa pagpapasakit ng ulo namin? Hindi ba kayo naawa sa mga guro ninyo? Hindi ko na alam ang gagawin sa inyong dalawa!" anang Principal Vico.
Pinagmasdan ko ang ilang hibla nitong buhok sa ulo. Pati yata buhok niya ay nai-stress sa amin. Panipis na nang panipis kada araw, e.
"Hindi ko na rin po alam ang gagawin po, sir," sabat ko na agad ding ikinatikom ng bibig ko nang sinamaan ako ng tingin ng principal.
Lihim akong napanguso at napabaling kay Dave na prente lamang nakaupo sa harap ko. Magiba sana ang upuan niya!
"Ikaw ang may kasalan nito, pangit!" asar na bulong ni boy kulangot.
Pinandilatan niya ako ngunit irap lamang ang isinagot ko. Lihim niyang sinipa ang ilalim ng upuan ko at agad ko ring ginawa ang ginawa niya sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin matapos na marinig 'yon kaya wala sa oras na napapatol ako.
"Aba! Ako pa talaga? Ikaw ang unang bumato ng bag ko kaya ginawa ko lang ang nararapat! Bakulaw!" depensa ko.
Ang sarap niyang ihambalos sa pader. Legit!
"Bakit hinagis mo mula sa third floor? Binato ko ba 'yong bag mo sa gano'ng kataas na building? Sa sahig ng room ko lang binato 'yon, hindi sobrang taas tulad ng ginawa mo!" sigaw niya.
Napabuga ako ng hangin. Ako pa ang sinisi. Masama na bang gumanti ngayon? Napunta na naman yata sa talampakan nito ang utak niya. Hindi niya ba alam ang kasabihang, do not do into others, if you don't want them to do it into you. Ganoon ba iyon? Basta ganoon iyon!
"Dapat bang may pahintulot muna ako mula sa 'yo na ihagis ko 'yon? Ano ka tanga? Humingi ka ba ng permiso bago mo kuhanin 'yong bag kong nananahimik? Ginawa ko lang ang ginawa mo, hindi na mahalaga kung sa paanong paraan! Ang importante ay parehong hinagis at humalik sa sahig! Tapos ang usapan," sigaw ko rin sa kan'ya pabalik.
Bubuka na sana ang bibig nito at handa ng mag-rebut sa sinabi ko pero napatigil kaming dalawa nang dumagundong sa apat na sulok ng opisina ang boses ni Principal Vico at paghampas nito sa lamesa nito.
"Enough! Kayong dalawa! Sa harap ko pa talaga ninyo naisipang magbangayan ng ganiyan? Hindi ba kayo titigil?! Maupo nga kayong dalawa!"
Hindi! Hinding-hinding mangyayari 'yon, sir!
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king