Chapter 22: Rest
NAGISING ako sa mahinang hikbi na nasa gilid ko kaya agad akong napamulat para alamin kung sino iyon. Sumalubong ang nag-aalalang mukha ni nanay na punong-puno ng luha.
"'Nay," tawag ko para makuha ang atensiyon niya.
"Diane!" Nanlaki ang mata nito nang makitang gising na ako at maingat na niyakap.
Doon ko napagmasdan na nasa isang hospital pala ako at ako lang ay nag-iisa sa kuwarto. Sa ganitong sitwasiyon ay nalaman ko isang pribadong kuwarto ang gamit ko ngayon.
"'Nay, bakit naman sa isang private room mo ako dinala? Wala tayong perang ipangbabayad sa mahal nito," ungot ko.
"It's okay, Diane. Rest at ease. Hindi mo kailangang intindihin ang gastos. Ako na ang bahala." Biglang sumulpot ang boses na iyon kaya napatingin ako sa nagsalita.
Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang mukha ni Vincent. Naka-uniform ito at sukbit ang puting backpack sa kaliwang balikat.
"Vince! Bakit 'andito ka? May klase tayo, ah?" taka kong tanong. Napabaling ang tingin ko sa wallclock at alas-diyes na ng umaga.
"I didn't come to Leehinton, Diane. Dadaanan kasi dapat kita kanina, nagbabakasakaling nariyan ka pa sa bahay ni'yo dahil late na akong nagising but to my surprise you are wounded when I saw you kasama ang isang lalaki. You are unconscious when I rushed you here in the hospital," mahabang paliwanag nito sa akin.
Napatango ako sa narinig pero mas nakuha ng atensyon ko ang pagiging late nitong nagising. Ako ba ang inisip nito kagabi? Ang kapal ko naman sa part na ito.
"E, 'yong magnanakaw? Nahuli ba siya?" tanong ko.
"Yes and I will make sure that he will rot in jail," puno ng kumbiksiyong aniya.
"Vince. . . salamat talaga," nahihiyang saad ko.
Siya pa tuloy ang nakunsiyume sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa kaunayan, hindi niya naman ako obligasiyon.
"It's nothing, Diane. I will do everything just for you kaya rest at ease, okay?" Napatango ako. "Ah, for your stab wound, mabuti na lang at walang natamaang internal organs nang sinaksak ka kaya walang critical damage na natamo ang katawan mo. Mabuti na lang din at nadala ka agad dito sa hospital. It will take weeks to heal kaya huwag matigas ang ulo para madaling maghilom ang sugat mo," istriktong paalala nito.
Natawa ako sa narinig. Diri-diretso talaga at walang preno ang paalala nito. 'Talo niya pa ang doctor sa lagay niyang iyan.
"Okay po, Doc Bins," Nalukot ang mukha nito sa narinig na pangalan. Kaya mas lalo akong humagalpak sa tawa pero kalaunan ay sumakit ang tagiliran ko.
Pinitik tuloy ako sa noon ni Vincent. "Ayan, sabi nang huwag munang maggagalaw," sermon nito na ikinanguso ko.
"Kasalanan mo kasi, e! Pinapatawa mo ako." Pinitik niya ulit ang noo ko. "Aray naman! Nakadadalawa ka na, ah? Suntukin kaya kita?" Inanbahan ko siya pero lumayo lang ito at tumawa.
Napabaling ulit ang mata ko kay nanay na tahimik lang sa isang tabi. "'Nay, may problema ba?"
Napailing ito. "Wala, anak. Masaya lang ako at ligtas ka na mula sa piligro."
"E, 'nay, sinong nagbabantay sa tindahan natin sa palengke?"
"Hindi na muna ako magtitinda, anak. Walang magbabantay sa 'yo rito."
Napatango na lang ako. Nakipagkuwentuhan naman si nanay kay Vince at mukhang nagkapapalagayan sila ng loob. May mga biro si Vince na hindi naman nakatatawa sa akin pero kay nanay ay sobrang nakatatawa, kaya ang ending, napipilitan akong tumawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king