Chapter 11: Gift
"PERFECT!" PUMALAKPAK si Mr. Bernard sa aming dalawa ni Dave at nakisabay na rin ang buong team.
"Ang ganda mo rito, Diane!" dagdag komento pa ni Mr. Bernard sa mga litratong tinitingnan nito sa kaniyang DSLR. "Oh, look at this." Lumapit ito sa akin at pinakita ang mga iyon. "Beautiful, right? Unang tingin ko pa lang sa 'yo ay alam ko ng maganda kang subject when it comes to this!"
Napangiti naman ako sa mga sinasabi nito. Talaga ngang napakaganda ng mga kuha nito sa 'kin kanina. Walang kupas ang talento nito sa pagkuha ng litrato.
Tila may mahika ang bawat pitik ng kamay nito sa hawak nitong camera. Napapaganda niya ang mga modelo niya.
"Don't get ahead of yourself. Baka lumaki ulo mo katatanggap ng compliment," matabang na bulong sa 'kin ni Dave.
Inis akong lumingon sa kaniya. "Alam mo, kanina ka pa, e. Ang sarap mong ihampas sa pader, sa totoo lang!"
"Go on. . . if you can," mas lalong pang-aasar nito at ngumisi.
Natigil kami sa bulungang bangayan ng tinawag kami ni Mr. Bernard.
"Dave, Diane, you two did a great job. The two of you look dazzling on our shoot!" Nakipagkamay sa aming dalawa ni Mr. Bernard sa at saglit kaming nag-usap.
May binigay itong pagkain sa amin na sa tingin ko ay p-in-ro-vide ng Leehinton.
Sabay na tinanggap namin iyon ni Dave at sinimulang kumain.
Ang ibang kasama nito ay nagliligpit na ng mga kagamitang ginamit sa photoshoot pero pinatigil muna iyon ni Mr. Bernard at pinakain kaya wala silang magawa.
Sa sobrang pagkukwento ni Mr. Bernard ay pati 'yong mga next client niya na pi-picture-an ay nasabi na niya.
Ang dami niyang baong kuwento kaya walang dull moments sa pagitan naming lahat. Palabiro rin itong tao kaya magaan kasama sa trabaho.
Habang nagkukwento naman siya ay bigla akong napasulyap sa katabi pero hindi ko naman inasahang nakatingin pala si Dave. Kaya ang resulta ay nabulunan ako sa harap nito at tumalsik pa talaga ang kinakaing burger sa mukha nito.
Shutanghina ka talaga, Diane!
Napapikit si Dave at pagmulat nito ay sinamaan niya ako ng tingin.
"What am I? A f*cking trash bin?"
"S-Sorry, hindi ko talaga sinasadya." Taranta akong naghamap ng panyo pero wala akong makita pero nahagip ng mata ko ang pulang towel sa isang bakanteng upuan.
Iyon ang ginamit ko pamunas sa amos na nasa mukha nito.
"Akin na nga!" singhal nito at mabilis na hinablot ang telang nasa kamay.
"Are you okay, Dave?" Lumapit si Mr. Bernard. "Karen, give me some tissue nga riyan. Faster!" utos nito sa mga personal assisstant nito
Gusto kong kuritin ang sarili sa kahihiyan. Bakit ngayon pa umiral ang kagagahan ko ngayon? Sa harap pa ng ibang tao! Kahihiya!
"Here po, sir." Napatigil bigla sa pag-abot ng isang rolyo ng tissue ang assisstant ni Mr. Bernard. "Hala, naku, Sir Dave, hindi po iyan face towel! Basahan po iyan!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kaya pala parang iba ang amoy.
"What the?!" Bumaling si Dave sa akin at mas lalo akong pinukol ng masamang tingin.
Napakamot ulo ako at nag-peace sign sa hari ng Leehinton pero masamang tingin lang ang kapalit niyon.
Tinulungan siya nina Karen at Mr. Bernard na ayusin ang sarili pati na rin ang burger na nasa buhok nito ay pinagtulungang alisin ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Ficção Adolescente(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king