Chapter 18: Miche
MATAPOS ang eksenang ginawa ni Dave sa klase ni Ma'am Miranda ay mas lalo kaming naging tampulan ng tukso. Para kaming artista dahil may mga fans daw kami.
Ilang araw nang nakalipas simula no'n pero ito sila, parang kailan lang narinig ang balitang iyon at hindi na napagod katutukso sa akin.
Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Miche nang makitang hindi naka-uniform ang tatlong hari. Sunod-sunod silang pumasok na animo'y mga modelo ng mamahaling damit.
Taena! Napatulala ang lahat dahil sa tanawin na ubod ng ganda. Pati ako nahawa sa pagkatutulala ng lahat.
'Di ko na ito ede-deny pa. Ang gugwapo nila! Ang gagandang lahi.
Napabaling ako kay Miche na may nakakunot na noo nang mahimasmasan. "Bakit hindi sila naka-uniform?" Kinulbit ko siya kaya nawala ang pagkakatulala niya sa tatlong hari.
"Ha? Ah, e ano. . . p.e kaya natin mamaya! Hindi mo ba alam?" taka niyang saad sa akin.
Magtatanong ba ako kung alam ko? Napailing na lang ako kay Miche. "Hindi mo naman kasi ako sinabihan kahapon," nguso kong wika sa kaniya.
Napaiwas siya ng tingin sa akin. "Sorry, nakalimutan ko rin kasi, e."
Natawa ako. Nahiya yata. "Naku! Okay lang, ano ka ba, Mich."
Napaling ulit ito sa akin, nakakamot sa sariling ulo. "Sorry talaga, Diane. Akala ko kasi ay alam mo na, kaya hindi ko nasabi."
Napakunot ang noo ko sa tinuran nito. Akala ko ba nakalimutan niya? Bakit nag-iba na naman 'yong rason niya?
Ilang segundo akong napatitig sa kaniya pero nakababa lang ang paningin nito. Natigil lang ako ng pumasok na si Ma'am Miranda. Nagsiupuan na ang lahat at biglang tumahimik nang makita ang guro namin iyon.
Umayos na rin ang tatlong hari sa kani-kanilang mga upuan. Kumindat pa sa akin si Dave pero agad ko lang iniwas ang tingin. Kinakantiyawan din siya ng mga kaibigan at inaasar sa akin.
"Get 1 whole sheet of paper. Number your paper, 1-100," seryosong sabi ni Ma'am, hindi man lang ngumiti.
Super bad mood yata siya ngayon, ah. Narinig ko ang pagreklamo ng iba kong kaklase sa surprise test ni ma'am. Kesyo bakit daw hindi nag-inform, ganito at ganiyan. Kaya nga tinatawag na surprise, e.
Napipilitan ang lahat na kumuha ng papel pero hindi pa rin mawala-wala ang ingay.
"Is the items not enough that's why you are all noisy?" Isa-isa kaming tiningnan ni ma'am kaya awtomatiko kaming napatahimik lahat sa takot na baka dagdagan pa niya ang test.
Hindi na nga ako nakapag-aral, tapos dadagdagan pa ang pasakit ko sa buhay.
Kumuha na lang ako ng papel at ballpen. Sinulyapan ko ang tatlong hari at prenteng nakaupo lang ito habang nakahawak sa papel nila. Aba!
Parang okay lang sa kanila 'to, ah? Lahat nga kami rito ay nagrereklamo sa pa-surprise effect ni ma'am. Magkandamatay na sa kaba dahil baka itlog ang makuha na score tapos sila chillax lang?
Sumimangot na lang ako at tinuon ang atensyon sa nagtatanong na guro sa unahan.
"Give me two types of crust."
Hinalungkat ko ang bawat kaalaman na nasa loob ng utak ko at nagsulat. Kahit papaano naman ay may alam ako rito ano.
Patuloy lang kami sa pagsagot ng tanong niya. Ang iba kong kaklase ay napakakamot na lang sa ulo dahil hindi alam ang sagot, siyempre pati na ako roon. Ang iba naman'y parang iiyak na.
![](https://img.wattpad.com/cover/222467792-288-k434070.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Fiksi Remaja(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king