CHAPTER 26

5.4K 156 21
                                    

Chapter 26: Vincent



NAGING masaya ang camping namin sa loob ng tatlong araw. Mga palaro at kung ano-ano pa ang ginawa namin kaya sobrang na-enjoy ko iyon.

Si Dave ay todo alalay naman sa akin, akala mo parang baldado ako, e, gasgas lang naman sa dalawang tuhod ang mayroon ako. Maka-react parang hindi na ako makalakad pero siyempre huwag mag-inarte, gustong-gusto ko naman, e.

Mabilis ang naging takbo ng mga araw at nobyembre na. Nabigyan ko ng surpresa si nanay noong birthday niya. Muntik pang maging disaster iyon dahil sa dalawang tukmol na sina Dave at Vincent na nag-aagawan kung sino ang magsi-serve ng spaghetti kay nanay. Sus, pasikat lang naman kay nanay, e.

Alam na rin ni nanay na nanliligaw na si Dave kaya tuwang-tuwa. May favoritism talaga si nanay, e, 'no.

Wala namang nangyaring sobrang importante noong birthday niya dahil nagsaya lang kamung lahat sa dagdag na bugay nito at sa normal naman ang lahat sa nakaraang buwan. Hindi ko rin matiyempuhan na sabihing kami na ni Dave dahil parang may pumipigil.

Kung magsasalita na ako, palaging mai-interrupt ng mga kaibigan niya o ng ibang tao. Kaya ang resulta, hindi ko na nasasabi sa kaniya.

Taenang buhay, oh. Atat na atat na ako, e. Parang ayaw yatang maging kami ni Dave.

Kinuha ko na ang puting sling bag na regalo ni Dave sa akin at tiningnang muli ang kabuuan sa salamin.

Inayos ko ang buhok na may ponytail at puting hairclip na hugis bituin. Ngumiti ako sa salamin na parang baliw at umikot. Nakasuot ako ng kulay khaki na dress na pinaresan ng itim na boots.

Bumaba na ako at sumalubong ang mabangon amoy ng pagkaung niluluto ni nanay.

"'Nay," tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya sa direksiyon ko.

Nanlaki ang mata niya at dali-dalung pu.unta sa akin. "Diane? Ikaw ba iyan anak?" Napatango ako. "Bagay na bagay sa iyo ang dress na iyan!" galak na bulalas niya at in-examine ako.

"Nanay naman, e. Siyempre maganda ang anak ninyo na napulot sa tae ng kalabaw,'no!" tawa ko pang patutsada.

Natawa rin si nanay. "Ikaw talagang bata ka, oo. Halika na't kumain," aya niya at pinanghila ako ng upuan.

Kumain na ako at nagpaalam kay nanay. Nang palabas ako sa bahay ay tumunog ang cellphone kong bigay ni Dave.

From: Daveveh

I can't fetch you now. I have an emergency, Diane. I'm sorry :(

Napakunot ako ng noo. Anong emergency naman iyon? May naaksidente ba? Hala!

Hindi ako nakapag-reply dahil wala naman akong load. Kinabahan tuloy ako bigla at hindi na mapirme sa puwesto. Dali-dali na akong naglakad papunta sa Leehinton pero may nasalubong akong pulang sasakyan sa daan.

Bumukas ang pinto no'n at niluwa si Vincent na naka-long sleeves na polong kulay pula rin. Naka-brush up din ang buhok nito at hitik na hitik sa hair wax.

Ang guwapo niya sa pormang iyon pero mas lamang pa rin sa puso ko si Dave, 'no!

"Vincent? Ano'ng ginagawa mo rito?" taka kong tanong matapos na maabot ang kinaroroonan niya.

Ngumiti siya sa akin. "Bakit? Masama bang solohin muna kita ngayon?"

"H-ha?"

Natawa ito at umiling. "Let's go?" Binuksan nito ang pinto sa passenger's seat.

Kahit nagtataka ay pumasok na ako roon at kumportableng naupo. Wala siyang driver ngayon, himala, ah.

Umikot siya at dali-daling binuksan ang pinto sa driver's seat. Ngumiti muna siya bago pinaandar ang sasakyan.

Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon