Chapter 2: Annoyed
“GOOD MORNING, class. I'll be your class adviser as well as your Science teacher. I'm Miss Miranda Cruz, just call me Miss Miranda." Matatay niya kaming tinungnan isa-isa habang dinidiinan ang salitang Miss. "Since this is your first day of class, everyone will introduce their self,” seryosong panimula ng aming guro.
Tuloy ay biglang nag-ingay ang mga kaklase ko. Hindi ko sila kilala dahil sa ibang section ako 'galing noong nakaraang taon.
Ewan ko ba at bakit ako nalipat dito, nagkamali yata sila. O 'di kaya tulog ang kaluluwa ng sina-shuffle ang mga pangalan namin kaya aksidente akong nalipat sa sectiong ito.
Aminado akong tamad na estudyante pero hindi naman kasing tamad ng ibang nababalitaan kong hindi raw nagpapasa ng parte sa group work nila. Kahit tamad ako, may naipapasa pa naman akong test, ano!
Napatitig ako sa teacher namin sa unahan at sinuri siya. Maganda siya kumpara sa mga nakita kong mga guro rito sa eskwelahang ito, matangkad, 'yong tipikal na height ng isang modelo, mahaba rin ang itim na buhok at nakalugay lamang, matangos na ilong, bilugang mukha at napakakinis niya. Pero s'yempre hindi mawawala ang pagkamataray na dating nito.
Science subject pa talaga ang hawak niya, ah? Good luck na lang sa kaluluwa ko, nawa'y huwag umiskapo sa pisikal kong katawan tuwing papagalitan.
'Lihim akong napanguso. Ano kayang kalbaryo 'yong mapagdaraanan ko sa kan'ya? Ayoko talaga ng subject na science! Nakadudugo ng puwet!
Nagsimula na ang pagpapakilala namin. Ang iba ay hinaluan ng magandang intro, mayroon ding nakipagbiruan pa.
Ang iba nama'y mukhang masungit. May mga takot at nanginginig pa habang nagpapakilala sa gitna. May naiinis din at parang labag pa sa kalooban ang pumarito sa eskwelahan.
Halos lahat 'ata ng emosyong makikita sa tao ay isa-isa kong nasasaksihan sa bawat kaklase kong nagpapakilala sa harap.
Parang kakaiba yata itong section ko ngayon, ah? Bakit ba kasi ako napunta sa class 2-c? Maayos naman ang buhay ko sa noon sa class 2-f, ah? Hay!
Dumating na 'yong pinakahihintay ko at dahil taglay ko ang kagandahan ay dapat maging confident ako. Hinawi ko ang buhok at tumayo na.Pakendeng-kendeng akong naglakad papunta sa harap kagaya nang ginawa ng mga kaklase kong babae.
Taas-noo akong nagpakilala pero pansin kong wala namang nakikinig sa 'kin. Letse!
Sa inis ko ay naglakad na lang ako papunta sa upuan. Sa ganda kong ito hindi man lang pinansin? Aba! 'Ngina nilang lahat!
Hindi mabubuo ang buhay niyo kapag hindi ni'yo nakilala ang isang magandang dyosang katulad ko—ang Diane Jyle Fernandez na taga planet earth!
Natapos na ang lahat ng nagpapakilala na may nagliliyab sa loob-loob ko. Nanggigigil pa rin ako! Sa ganda kong, 'to? Hindi talaga pinagtuunan ng pansin?
Naputol ang iniisip ko nang magsalitang muli si Miss Miranda. “Ito ang mga bagay na dapat ninyong sundin sa klase ko! First. . . keep quiet!” sigaw nito, biglang namang tumahimik ang lahat sa isang iglap. Napaayos sila ng upo at napatigil sa pakikipagkwentuhan sa katabi. 'Buti sana kung ginawa ko rin 'yan kanina. “Ayaw na ayaw ko ang mga maiingay! If you're not gonna listen then go. Hindi kita pipigilan sa gusto mo.” Iminuwestra nito ang kamay papuntang pinto.
“Second, don't be late!" Pinagkrus nito ang mga braso.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay walang habas na pumasok ang isang lalaki. Wala man lang isang good morning ma'am o 'di kaya sorry. Basta na lang siyang pumasok at naghanap ng bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Teenfikce(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king