CHAPTER 8

5.3K 265 55
                                    

Chapter 8: The uniform



MANGIYAK-NGIYAK akong lumabas sa isang cubicle matapos makaalis do'n sa table ko. Last subject na lang at uwian na pero nandito pa rin ako sa comfort room.

Nakasuot na rin ako ng itim na t-shirt na nakuha ko ro'n sa locker ko. Napatingin ako sa hawak na uniform.

Punit  na 'yong parte na nadikit kanina sa mesa. Hindi ko talaga nilubayan  iyon hanggat hindi nakukuha ang pagkakadikit ng uniporme ko pero ito ang naging resulta. Nasira!

Anong gagawin ko? Wala na akong ibang uniform kung 'di ito na lang. Ang mahal-mahal ng uniform ng Leehinton at hindi ko na kayang bumili pa no'n.

Ayoko namang sabihin pa ito kay nanay dahil baka mamroblema na naman iyon at hindi na matulog sa kakakayod. At nahihiya naman akong lumapit sa tumulong sa akin na ipasok ako sa paaralang ito—kay Mr. Natividad.

Napabuntonghininga na lamang ako. Kailangan ko na lang sigurong itago muna ito para hindi  makita pansamatala ni nanay. Tiyak na papagalitan rin ako no'n. Kasalanan 'to ng Dave na 'yon, e!

Napatigil ako nang maalala ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Noong pjnatid ako kanina ay nasa bulsa ko ito. Nangina! H'wag naman sana!

Mabilis kong sinuksok ang kamay sa bulsa ng palda ko at kinuha ang cellphone kong nabuhay pa yata sa panahon ng hapon. Ngunit, napanganga ako ng makita ang sitwasyon ng cellphone ko.

Basag ang maliit nitong screen at hiwalay na ang keypad nito.

Tama nga ako. Nasira ito kanina.

"'Nyeta!" Bulalas ko ng maalala ang ginawa sa 'kin kanina ni Dave noong umaga. Pinatid niya ako at bumagsak ako sa sahig!  Siya 'yong may kasalanan nito!

Napahilamos ako sa mukha at napaupo. Pilit kong binuhay ang cellphone pero hindi na talaga gumana pa. Ilang ulit kong pinindot ang power button at tinapik-tapik pa ito dahil nagbabasakali akong madadaan pa sa paganito. Ngunit, itim na lang iyong nakikita sa buong screen nito.

Pinahid ko bigla ang dumaloy na luha sa pisngi. Hindi ka p'wedeng masira! Hindi p'wede! “Ano b-ba! G-gumana ka ulit!" garalgal na anang ko.

Regalo pa ito ni tatay sa 'kin noon bago siya mawala. Ito na lang 'yong tanging ala-alang nagpapadama na narito siya palagi sa tabi ko.

Kahit kailan ay hindi ako naging burara sa mga ganitong bagay. Iniingat-ingatan ko ito pero ano at ganito na lang ang nangyari?

Noong una iyong uniporme ko at ngayon itong cellphone ko na naman? Kasalanan lahat 'to ni Dave, e!

Tanggap ko naman 'yong pinaggagawa niya pero bakit naman umabot sa ganito? Wala akong pera sa pampagawa ng bagong uniporme! At higit sa lahat wala akong perang pampagawa nitong cellphone!

Marahas kong pinahid ang luha at sinimulang ihakbang ang mga paa patungo sa classroom. Ngunit ang suwerte naman yata ng bakla na iyon. Wala na akong naabutan  pa kahit anino nilang tatlong hari.

Tanging isang teacher na lang na nagliligpit ng gamit nito at akma nang aalis. Napatigil ito saglit sa 'kin at napatitig. Nasa bukana pa rin ako ng pintuan at naglakad na ito papunta sa 'kin na may nangunguwestiyong tingin.

"Probably you're Miss Fernandez?" Tumango ako sa guro kasabay ng pagtago ko ng uniporme sa likod. "I marked you absent dahil hindi ka um-attend ng klase ko," kaswal na anito.

Napayuko ako. "Sorry po, ma'am. M-masama lang kasi ang pakiramdam ko kanina kaya ganoon ang nangyari."

"Really? But Mr. Lee said that you're cutting classes. Nakita ka pa nga niya sa labas ng school during my class hour!" may bahid nang sarkasmo ang boses nito.

Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon