Chapter 4: Cleaning the Library
BUGNOT kong binabalik sa kani-kanilang lagayan ang mga librong napunasan na. Halos mahatsing na ako sa mga nagliliparang alikabok tuwung nilalabas amg bawat libro sa shelf. Kailan pa ba 'to matatapos? Kanina pa ako rito naglilinis pero parang hindi naman nauubos itong mga libro.
Inis kong tinapunan ng tingin ang bakulaw na nakaupo lang sa sahig. Prenteng nakadantay ang dalawang paa nito sa kabilang shelf at parang haring nagsi-cellphone lang.
Kaming dalawa ang pinarusahan tapos ako ang magdudusa? Anak ng teteng na lima naman, oh!
Namewang ako at lukot ang mukhang hinarap si Dave.
"Napakagaan naman ng buhay mo r'yan haring Dave, ano? Ako rito ang nagpapakahirap tapos ikaw, nagpapakasarap sa buhay? Napakagaling!" sarkastiko kong puna at pumalakpak.
Parang hangin lang ako sa kaniya at hindi man lang punagtuunan ng pansin. Sa pagkakaalam ko ay malakas ang pagkasasabi ko no'n pero hindi yata narinig dahil pinagpatuloy niya lang ang kapipindot sa cellphone niyang mamahalin.
Inis akong napahilamos sa mukha at padabog kong binaba ang mga librong hindi pa napupunasan at sinasadyang doon patungo sa direksyon ng bakulaw ang pagpunas ko sa alikabok.
Tingnan natin! Uupo ka lang diyan, ha? P'wes langhapin mo lahat ng alikabok patungo sa 'yo.
Ngumisi ako nang humatching ito pero agad 'yon nawala nang makitang pinagpatuloy lang nito ang paglalaro. Ginawa niyang pantakip sa ilong ang uniform na hindi pa rin sinusuot.
Aba't! Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'to. Siya 'yong may kasalanan kung bakit kami pinapalinis dito tapos ako lahat 'yong gagawa ng parusa? Sampung book shelf pa ang kailangan naming linisan! Sampu!
Humanda ka talaga sa 'kin. Inis kong kinuha ang bangko at nilagay iyon sa unahan niya. Padabog akong pumatong ro'n para kumuha ng mga libro sa taas at sinadyang ihulog papunta sa kanya.
"What the hell?!" bulalas niya. "Sh*t ang sakit," daing nito matapos malaglagan ng libro sa ulo. Doon na niya nabitawan ang cellphone at napunta ang atensyon sa 'kin. Nakahawak ang isa nitong kamay sa parte ng ulo niya kung saan tumama ang libro.
Napababa ang tingin ko at kunwaring nagtakip ng bibig. "Opps! Sorry. Ang bigat kasi kaya nalaglag. Hindi nakayanan ng kamay ko. Masakit ba?" inosenteng wika ko na nagpataas sa kilay nito.
"Nananadya ka ba, ha?" Tumayo ito na may nangungunot na noo pero hindi niya mapantayan ang taas ko dahil nakatungtong ako sa bangko. Hanggang bewang ko na lang siya ngayon at nakatingala sa akin.
"Ako?" Tinuro ko ang sarili. "Nananadya? Hindi, ah! Aksidente lang ang nangyari. Nakalimutan ko kasing and'yan ka pala," maang-maangan ko pa.
"Aksidente? Nananadya ka talaga, e," pagpupumulit niya pa. Asar niya akong tiningnan. Gusto kong matawa pero hindi dapat.
"Oh,e di ikaw na lang magsalita, ako ang maniniwala!" pabalang kong kontra sabay irap.
"Aish!" Inis siyang umalis sa harap ko at hinanap ang nabitawang cellphone. Ginulo nito ang buhok niyang pugad lawin at kulang na lang ang mga inakay saka pinulot ang cellphone nang makita ito at mas lalo niya lamang ginulo ang buhok. Tila may masamang balitamgnakita sa cellphine niya. Pinukol noya ako nang masamang tingin. "Talo! Kasalan mo 'to!" paninisi niya.
Tinuro ko ulit ang sarili at nagkunwaring nagulat. P'wes ako naman ngayon ang mang-aasar sa 'yo.
"Ako? Kasalanan ko?" Pinigilan kong matawa dahil sa pagmumukha niya. Pilit kong pinainosente ang tono para lalo siyang mabwisit.
BINABASA MO ANG
Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #1 "Hindi ko naman siya kilala noong una, akala ko santo pa, iyon pala anak ni satanas! Letseng hari 'yon!" #1 in filipino teen fiction #1 in campus king