CHAPTER 9

4.4K 250 59
                                    

Chapter 9: Apology



SUMUNOD ang ilang araw at hindi ko na pinansin pa ang tatlong hari ng kalokohan. Wala rin naman akong mapapala kung sakali mang pagtuunan ko sila ng pansin dahil puro kapahamakan lang naman ang nakukuha ko sa kanila.

Mas mabuti na lang na huwag ko na lang pansinin silang tatlo at iwasan sa abot ng makakaya ko. Dahil bukod sa tahimik pa ang buhay ko ay safe pa ako sa mga kalokohang ginagawa nila.

Kasalukuyan kaming nasa field ngayon dahil sa p.e class namin. Malawak ang field ng Leehinton kaya marami-raming naghi-held ng p.e class dito.

May iilang section rin na nagsa-soccer sa hindi kalayuan at puno ng mga kababaihan ang nanonood sa gilid no'n. Tili rin sila nang tili animo'y may pinakaguwapong nilalang na naglalaro roon.

"Okay, let's start. Nakikinig naman kayo ng maayos hindi ba?" Pumalakpak si ma'am para makuha ang atensiyon naming lahat dahil hindi kami sa kaniya nakatingin

Napalingon ako sa guro namin. Nagsasalita pa rin ito at yes, maa'm lang ang sagot ng lahat tuwing nagtatanong ito kung naiintindihan ba talaga namin ang sinasabi nito.

Halata namang hindu nakikinig ang iba dahil sa ibang direksiyon nakatingin at ang iba'y naglalaro sa cellphone.

Binalik kong muli ang atensyin sa gurong nagtuturo.

Tinuturuan niya kami ng tamang pagtama sa bola ng baseball at kung anu-ano pang mga paalala sa hindi dapat o dapat na gawin.

Pumalakpak ito ulit para makuha ang atensyon naming lahat.

"Okay, line up, students!" sigaw nito at hinipan ang pitong kulay pula.

Agad din naming sinunod ang sinabi nito. Biglang nagsiingayan ang lahat dahil nag-uunahan at ang iba'y mukhang ayaw pa sa gagawin.

Nakalinya kaming mga kaklase at si Ma'am Ginancial ang picher.

Naging maayoa naman ang bawat kaklase kong tumira. Pumalakpak kaming lahat ng matamaan ng kaklase kong babae ang bola.

Si Dave na ang kasunod at walang kahirap-hirap nitong natamaan ang bola. Sunod ang dalawa nitong kaibigan. Sana pala ay inorasyunan ko na huwag nilang matamaan, ang yayabang tuloy.

Parang number one hater nila akong tatlo nito. Hindi pala parang kung 'di ay hater talaga nila akong tatlo.

Napasimangot ako sa mga nagtitilian babae sa gilid ng field. Kahit kailan talaga ay nakaiinis ang mga fans ng tatlong hari na 'to. Nakaririndi ang mga boses.

Napahinga ako bigla nang maluwag ng pangalan ko na ang tinawag.

Sana mataaman ko. Sana matamaan ko!

Nakangising inabot ni Xavier ang baseball bat sa 'kin kaya napairap ako.

"Galingan mo, Day-Day, ha?" nang-aasar na aniya.

Nangunot ang noo ko sa narinig na tinawag niya sa akin. Day-Day? Si nanay lang ang tumatawag sa 'kin sa palayaw na 'yon, ah? Ano't alam ng damuhong iyon ang tinatawag ni nanay sa 'kin?

"Saan mo 'yan nalaman?" gigil kong bulong sa kaniya ngunit nagkibit-balikat lang ito.

"Hmm. . . somewhere in palengke?" patanong na sagot nito.

Girlfriend of the Campus King (Leehinton Boys #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon