PADASKOL na pumasok ako sa classroom at madali na umupo sa tabi nila Zoe. Nakita ko na nagtinginan ang mga classmates ko pero hindi ko sila pinansin.
Nakahalukipkip na umirap ako sa hangin.
"Nakakainis talaga siya. I hate him!"
Nanggagalaiti talaga ako ng sobra sa Gael na iyon. Gusto ko sumigaw sa sobrang frustration pero marami nang dumadating na students sa room.
"Relax, Sien. Ano bang nangyari?" Si Liv, pero hindi ko pinansin.
Bigla ay nag-flashback sa isipan ko ang sinabi ni Gael.
"Paano ko babawiin sa Dad mo ang sinabi mo kung may pa "I love you, babe, I love you, babe!" ka pang nalalaman. Iisipin talaga ng Daddy mo na may relasyon tayo."
Sinabi ko ba talaga iyon?
"Bakit hindi ko maalala?" Tulalang usal ko.
"Anong 'di mo maalala?" Nagtatakang tanong ni Zoey.
Noon ko lang napagtanto ang nasabi ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at ngumiti.
"Tell me, girls. Gaano ba ako kalasing kagabi?" I asked out of curiosity.
Hindi agad nakasagot ang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa sabay tumawa.
Napakunot-noo ako. "Anong nakakatawa?"
"Well, sa sobrang kalasingan mo, nagwala ka lang naman. Mabuti nalang to the recue si Gael para pigilan ka." Tugon ni Liv.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Noon ko lang nabuo sa isipan ko ang buong nangyari kagabi. Pero wala talaga akong maalala na sinabihan ko si Gael ng "I love you, babe!".
Don't tell me niloloko ako ng hudyo na iyon? Kapag nagkataon, malalagot talaga siya sakin.
"Kaya dapat thankful ka kay Gael. Kundi dahil sa kanya, sira na ang image mo kay Dean." Dagdag pa ni Zoe, na may pagbabadya.
Kung makapagsalita sila parang utang na loob ko pa kay Gael ang lahat.
"Ako magt-thank you sa kanya? Never! And I hate him!" Mataray kong sagot.
"Ang harsh mo naman kay Gael, girl." Si Liv na di sang-ayon.
"Oo nga, Sien. Nagmamalasakit lang iyong tao." Dagdag pa ni Zoe.
Kung makapagsalita sila parang utang na loob ko pa kay Gael ang lahat.
Pakiramdam ko tuloy mas kinakampihan nila si Gael kaysa sakin na kaibigan nila.
"Teka nga, sino ba ang kinakampihan niyo, ako o si Gael?" Mataray kong untag sa kanila.
Saglit sila natigilan bago magsalita.
"Syempre ikaw. Kaibigan ka namin." Sabay nilang sagot.
"Mabuti alam niyo." Mataray kong sabi at naghalukipkip.
"Ikaw naman, Sien. Di ka mabiro. We got your back!" Sabad ni Liv.
"Thanks, girls!" Nag-apiran kaming tatlo sabay nagtawanan.
***
"Look, Sien. Si Dean, oh!" Turo ni Liv.
Mabilis na sinundan ko iyon ng tingin. Nakita ko si Dean na nakatayo malapit sa entrance ng cafeteria. May katawag siya sa phone.
![](https://img.wattpad.com/cover/222487631-288-k112017.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...