Chapter 4

1.1K 292 0
                                    

KINABUKASAN ay maaga natapos ang klase namin. Niyaya ko sila Zoe and Liv na mag-shopping. Pero may kanya-kanyang lakad ang dalawa. So, I've decided to go by myself.

It's past twelve. Naglakad ako papunta sa carpark nang may humarang sa akin na lalaking naka-motor.

Sa bulto palang niya kilala ko na kung sino. Kaya hindi na ko nagtaka pa nang tanggalin niya ang helmet.

"Yes?" Mataray kong sambit.

Ngumisi siya, "Here's your shirt!"

Inabot sakin ni Gael ang brown paperbag. Tiningnan ko ang laman niyon. Bago binalik ang tingin kay Gael.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Susungitan ko sana siya nang maalala ko ang sinabi ni Zoe kahapon.

"Keep your friends close and your enemies closer. Kapag nagawa mo iyon madali na para sayo ang mapalapit kay Dean."

"T-thanks!" Nag-aalangan na sabi ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Wala kong idea kung paano uumpisahan ang plano. Ni hindi man lang ako nakapag-ready.

Baka mamaya bigyan niya ng ibang kahulugan ang sinabi ko? Pero hindi ba iyon naman ang plano? To be nice and be friends with him.

"Anong sabi mo? Parang nabingi ako." Tanong niya sa nang-aasar na tono. Bigla ay umiwas ako ng tingin.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Gusto ko mainis sa kanya.

"Well, I don't like to repeat myself." Kalmado kong sagot. Kahit sa totoo lang gusto ko mainis sa kanya. Pinipigilan ko lang.

"Okay, don't mention it!" Aniya sa nakakalokong ngiti. Napanganga ako sa pagkamangha.

Jerk! Gusto ko sabihin sa kanya.

Kunwari ay hindi niya narinig, pero narinig naman niya.

Huminga ako ng malalim. I composed myself. Pinipigilan na huwag mainis sa hudyong iyon.

Simula ngayon kailangan ko na maging mabait kay Gael. I'm doing this for my love to Dean. Remember the first step, treat your enemy with kindness and everything goes according to my plan.

Nakita ko na susuotin niya muli ang helmet nang pigilan ko siya.

"W-wait, Gael!" Pigil ko at hinawakan ang braso niya. Bigla nag-init ang pisngi ko kaya binatawan ko agad.

"Yes?" He mimicked my accent.

"Hmm... Are you free today?" Nakangiting tanong ko.

"Anong nakain mo at bigla kang bumait sa akin?" Agad na tanong ni Gael nang makarating kami sa isang fancy restaurant.

Nakaupo kami sa pandalawahang mesa. Kung titingnan para kami nagd-date. But a friendly date.

I plastered a fake smile on my face. Ibinaba ko ang hawak kong menu at mataman na tiningnan siya.

"Actually, I just realized na naging harsh ako sayo these past few days. And I'm really sorry for that." Malumanay na sagot ko. Pinipigilan huwag um-attitude.

Pinaamo ko ang mukha ko para magmukhang kapani-paniwala. Aminado na maiksi lang ang pasensya ko. Pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang loob ni Gael. Mahuhulog din siya sa patibong ko.

Umismid siya at humalikipkip, "Bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan?"

"I really am. Besides, gusto ko rin mag-thank you sayo. Sa ginawa mong paghatid sa akin no'ng lasing ako. Sa pagpapahiram mo sakin ng shirt kahapon." Dagdag ko pa para mas lalo ko pa siya ma-convince.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon