Chapter 10

903 208 8
                                    

Kinabukasan ay maghapon kami hindi nagkita ni Gael sa university. Sinubukan ko siya tawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, maging sa texts.

Muli bumalik sa alaala ko ang nangyari kahapon. Ayaw ko man bigyan ng kahulugan ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan. May parte sa isip ko na nagseselos nga siya. Pero ayaw ko mag-assumed, ayaw ko umasa. Baka mamaya may iba siyang dahilan na hindi ko alam.

Inaamin ko gusto ko na si Gael. Alam ko mahirap paniwalaan kahit sa sarili ko na may nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa. At hanggang ngayon ang alam ni Gael ay Dean pa rin ang gusto ko. Ayoko isipin niya na pinaglalaruan ko lang siya.

Mas lalo pa ko nalungkot nang matapos niya sabihin iyon ay naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Dahilan para hindi na kami tumuloy sa Greenday Park. Kung sakali man natuloy iyon iisipin ko na date namin iyon.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Lumipas ang isang araw na hindi ko na ma-take na iniiwasan niya ko. Nakita ko siya isang beses pero iniwasan lang niya ako na para bang wala lang ako sa kanya.

Napagdesisyunan kong hanapin siya sa mga kakilala niya, sa mga classmates niya pero ni isa man lang sa kanila ay wala ako nakuha matinong sagot. Sa laki ba naman ng university na ito mahirap talaga hanapin ang isang taong ayaw magpakita sayo.

Sa huli, naisip kong hanapin siya kay Alec. Saktong nasa CBA-SC office siya kasama ang ibang member ng SC. Laking pasasalamat ko at wala si Dean sa mga oras na iyon. Ayoko rin isipimln niya na sa pagkakataon na iyon si Gael naman ang hinahabol-habol ko.

"Kakaalis lang kasama si Dean. Hindi ko alam kung saan sila pupunta." Sagot ni Alec nung tanungin ko siya.

Hindi ko pinakita ang pagkadismaya ko sinagot niya. "Kung sakali nakita mo siya ulit, pakisabi hinahanap ko siya. Pakisabi rin na sumagot siya kapag tinatawagan ko siya."

"S-sige, sasabihin ko kapag nagkita kami." Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya. Halatang gusto pa niyang magtanong pero pinili niyang tumahimik.

"Okay, thanks!" Sabi ko.

Natapos ang vacant period namin at dismayadong bumalik ako sa classroom. Nahihirapan na ko sa sitwasyon ko. Habang tumatagal ay nasasaktan na ko sa ginagawang pag-iwas sa akin ni Gael. Sana kinausap man lang niya ko. Hindi iyong basta-basta nalang siya iiwas sa akin sa hindi ko malaman na dahilan.

"Sien, kanina ka pa namin hinihanap." Sabi ni Zoe nang makaupo ako.

"Saan ka ba nagpunta?" Si Liv.

Sa pagkakataon na ito. Hindi pa alam nila Zoe and Liv na nagkatampuhan kami Gael.

"Si Gael kasi nakakainis!" Frustrated kong tugon.

Napansin kong nagtinginan ang dalawa at biglang tumawa.

Imbis na i-comfort nila ako, pinagtatawanan pa nila ako. Mga kaibigan ko ba talaga sila?

"Anong nakakatuwa?" Iritable kong tanong.

"Wala... Natawa lang kami kasi dahil simula ng maging close kayo ni Gael, ngayon lang namin ulit nakita na nainis ka sa kanya." Sagot naman ni Zoe.

Pati ba naman iyon ay napapansin nila. Kunsabagay, tama sila. Matagal nung huli kami nag-away ni Gael. Ngayon lang muli naulit.

"Pero seryoso na. Ano ba nangyari?" Tanong ni Liv.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ulit ang problemo ko kay Gael.

"Iniiwasan ako ni Gael..." Malungkot kong sagot at napalabi.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon