Chapter 3

1.2K 316 5
                                        

"Here!" Inabot sa akin ni Gael ang isang plain black t-shirt na kinuha niya mula sa backpack niya.

Iniladlad ko iyon at nadismaya akong makita kung gaano kalaki at kahaba ang t-shirt na iyon sa akin. Kunsabagay, matipuno at matangkad si Gael. 

"Eto ang susuotin ko?" Di makapaniwalang tanong ko.

I can't imagine myself wearing this shirt. Kung titingnan walang-wala ito sa white Gucci shirt ko. Makikita mo talaga sa itsura palang kung may class or wala.

Napailing nalang ako.

"Magpasalamat ka nalang na may extra shirt ako. Kaysa pumasok ka na bakat ang bra mo," sagot niya saka tumingin sa dibdib ko.

Nanlaki ang mga mata.

"Bastos!" Singhal ko. Mabilis na nagpunta sa malapit na ladies' CR.

Paglabas ko ay nakita ko si Gael na nakasandal sa pader. Umayos siya ng tindig nang makita niya ako.

Saglit niya pinagmasdan ang suot ko. Naka-tuck in ang binigay niyang shirt sa suot kong denim culottes. Aminado akong nagmukha akong hunger sa suot ko. I hate it but I don't have a choice.

"Bagay sayo," aniya. Mataman akong tinititigan. Nakita ko ang pagngisi niya.

Bigla ay nakaramdam ako ng pagkailang.

"Nang-aasar ka ba?" Naiilang kong sambit.

"Bakit naaasar ka ba?" Tudyo niya sa napapaos na tinig.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin. Naiilang pa rin ako.

"Akin na ang damit mo." Mabilis niya inagaw mula sa kamay ko ang dirty shirt ko.

"Hey! Anong gagawin mo sa shirt ko?"

"Lalabhan ko. Don't worry ibabalik kong malinis at mabango, kasing bango ko!" Sagot niya sa nakakalokong ngiti.

"Siguraduhin mo lang dahil mahal iyan!" Sagot ko nalang at inirapan ko siya.

Nagkibit-balikat lang siya.

Bahala siya sa buhay niya basta ibalik niya ng malinis ang shirt ko. Tapos ang usapan.

"Si Dean, oh!" Biglang sigaw niya.

"Nasaan si Dean?" Natatarantang lumingon ako para tingnan si Dean. "Nasaan?"

Hinahanap siya ng mga mata ko na may bumulong sa kaliwang tenga ko.

"Joke lang!" Napapaos na sabi ni Gael. Naramdaman ko pa ang init ng hininga niya sa leeg ko.

Paglingon ko sa kanya saktong tumapat ang mga mukhan namin sa isa't-isa.

Napasinghap ako at mariin siyang tinulak palayo.

"Jerk ka talaga! I hate you!" Singhal ko sa kanya at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Muntik ko na mawala ang first kiss ko kung hindi agad ako lumayo.

Well, nahalikan na ko sa pisngi pero hindi pa sa labi. So technically, wala pa kong first kiss. At kung magkakaroon man hindi si Gael iyon.

***

"Sienna!" Tawag sakin ng mga friends ko pagdating ko sa classroom.

"Kumusta naman ang lunch niyo ni Dean?" Excited na tanong ni Liv.

"Nakakainis!" Singhal ko.

"Ano ba nangyari? At bakit ganyan ang suot mo?" Nagtatakang tanong naman ni Zoe.

Bumaba ang tingin ko sa suot ko.

"Si Gael." Sagot ko.

Naalala ko na naman tuloy iyong nangyari sa pagitan namin.

Iyong pagbulong niya sa tenga ko, iyong pagtapat ng mga mukha namin. Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko iyon.

"Si Gael na naman. Akala namin si Dean ang kasama mo." Untag ni Liv.

Kita ang confusion sa mga mata nila.

Iyon ang akala niyo. "He rejected me, again. Mas pinili ni Dean ang babaeng iyon kaysa akin."

"Grabe naman. Well, it's his loss not yours." Maarteng tugon ni Zoe. Sumang-ayon naman ako.

"But what's with Gael? At bakit ganyan ang suot mo?" Natatakang tanong muli ni Zoe nang makita na iba na ang suot kong damit.

Nagkatinginan ang dalawa na parang binigyan pa iyon ng malisya.

"Mali ang iniisip niyo." Inismiran ko sila.

"Nagkabanggaan kami ni Gael, and worst natapunan niya ko ng kape. Kaya ito, suot ko ang shirt niya." Paliwanag ko.

"Ang malas mo naman ngayon, girl! Una, ni-reject ka ni Dean mag-lunch. Pagkatapos, natapunan ka pa ni Gael ng kape. Ano pa kaya ang susunod?" Pang-aasar pa ni Liv.

"Kasalanan ito ni Gael. Hindi niyo ba napapansin sa tuwing lalapit at kakausapin ko si Dean ay lagi siyang umeepal. Kundi naman pinipigilan niya ako. Iniisip ko tuloy na..." Napaisip ako saglit. "Na bakla siya!"

Imbis na suportahan ako. Nagtawanan pa ang dalawa.

"Ang harsh mo talaga, girl. Hindi bakla si Gael. Sigurado ako." Zoe disagreed.

"Zoe's right. Kung alam mo lang mas maraming nagkakagusto kay Gael kaysa kay Dean. Kung physical appearance lang mas gwapo siya kaysa sa Dean mo, matalino pa. Naging crush ko nga siya!" Sang-ayon ni Liv, na kinilig pa sa huling sinabi.

I sighed.

Alam ko naman na hindi bakla si Gael. Nasabi ko lang iyon out of spite for him. Iniisip ko na kasalanan niya kaya hanggang iyon ay hindi pa rin ako napapalapit ng husto kay Dean.

"Isa pa mag-bestfriend ang dalawang iyon. Magkapatid na kung magturingan. Kaya normal lang na gano'n si Gael. Knowing brotherhood!" Dagdag pa ni Zoe.

"Eh, anong gagawin ko?" I asked away though. Napaismid ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasanay ako na nakukuha ko ang lahat ng gusto ko pero hindi ang puso ni Dean. Kailangan may gawin ako.

"Wala kang choice kundi kaibiganin mo si Gael. Sabi nga, keep your friends close and your enemies closer. Kapag nagawa mo iyon madali na para sayo ang mapalapit kay Dean." Tugon ni Zoe.

Ngumisi siya na para bang ang galing ng naisip niya. But it's a big no for me.

"Why would I do that?" Mataray kong tanong.

Kami magiging magkaibigan ni Gael. Nagbibiro ba sila? Iniisip ko palang kinikilabutan na ko.

"Kailangan mo gawin iyon, Sien. Kundi mawawala ang chance mo maging kayo ni Dean. Remember, Patricia." Pangumngumbinsi naman ni Liv.

Oo nga at hindi lang si Gael ang problema ko. Kundi pati si Patricia. Malaki ang chance na sagutin niya si Dean. At hindi ako papayag na mangyari iyon.

"Pero paano?"

"First step, maging mabait ka kay Gael. Treat him with kindness." Tugon ni Zoe.

***

This chapter is not edited. So please bear with me. Just don't forget to vote and comment. I really appreciate it. Thank you.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon