Chapter 18

747 124 2
                                    

Sakay ng sedan car ay lumabas ako mula sa garage namin. Natigilan ako sa pag-drive nang makita ko si Gael nasa tapat ng gate namin sakay ng motor.

"Gael..."

Mataman kami nagkatinginan. Kita-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at pagkalito. Siguro hanggang ngayon wala pa rin siyang idea kung bakit ganito ako sa kanya.

Ako ang unang umiwas dahil hindi ko kaya na makita siya. Itinuloy ko ang pag-drive. Mula sa side mirror ay nakita ko na sumunod siya sa akin.

"Sienna!"

Halos natilihan ako nang marinig kong pagtawag niya sa pangalan ko. Dumagundong ang puso ko roon.

Nanatiling nakapokus lang ang tingin ko sa daan. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa gilid. Alam ko na sinusundan niya ako. Sabagay, iisa lang ang daan namin papuntang university. At ayoko pati roon ay magtagpo kami. Kailangan ko magmadali.

"Sienna, mag-usap tayo! Harapin mo ko!"

Namilog ang mga mata ko na makita ko siya sa gilid ko. Nakataas ang face shield ng helmet niya. Sinusubukan niya abutin ang kotse ko pero mailap ako at mabilis na pumihit.

Seryoso ba siya? In the middle of the road.

Sa huli wala na ako nagawa. Hanggang sa makarating kami parking lot ng university.

Naiinis na pinukpok ko ang manibela. Pagbaba ko ay bumungad na sa harapan ko si Gael. Matalim na tiningnan ko siya bago ko siya tinalikuran.

"Babe, let's talk!"

Nabigla ako nang hinaklit niya ang braso ko para pigilan ako. Hinila niya ako paharap sa kanya.

"What?" Angil ko. Winaksi ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Why?" Napapaos niyang sambit. "Anong dahilan ng pag-iwas mo, Sienna?"

"So, hindi mo pa alam?" May sarkasmo sa boses ko.

"Just stop beating around the bush and tell me!" Rinig ko ang pagtaas ng boses niya. Kita ko rin ang pagkuyom ng kanang palad niya. Halatang nagpipigil siya ng galit.

"Alam ko na ang panloloko mo. Kaya itigil mo na ang pagpapanggap mo, Gael." Sabi ko sabay ismid.

Nakita ko ang pagtigas ng mukha niya kasabay ng pagkunot ng noo.

Siguro naman ay alam na niya ang ibig kong tukuyin. Dahil sigurado ako sa narinig ko.

"Paanong..." Nagtatanong ang mga mata niya.

"Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Dean. You tricked me!" Bahagya ko siya hinampas sa dibdib. Kita ko namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Babe, I didn't mean to-"

"Don't call me babe! Tama na ang pagpapanggap! Niloko mo na ako!" Singhal ko at bumuga sa galit. "Pinlano mo na paibigin ako. Para ano? Para ilayo ang atensyon ko kay Dean. Ang akala ko mahal mo ko pero hindi pala. Ako lang pala nagmahal."

"Hindi totoo iyan! I really love you, Sienna."

Halata ang frustration sa boses niya. Nakikita ko rin ang sinseridad ng pagkakasabi niya sa akin ng mga salitang iyon.

May parte sa isip ko na gusto maniwala. Pakiramdam ko totoo na mahal niya ako. Siguro kung uulitin niya ulit sabihin iyon ay maniniwala ako.

Lihim ako napailing sa iniisip ko. Huwag kang hibang, Sienna. Niloloko ka lang niya.

"Well, you did a great job. Napaniwala mo ako."

Naningkit ang mga mata. Bukod sa galit na nararamdaman ko ay para gusto ko rin umiyak.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon