After the kiss. Mabilis na humiwalay ako sa kanya. Pasimple na tiningnan ko ang buong paligid ng hallway. Pasalamat nalang ako at wala maayadong estudyanteng dumadaan.
I just sighed in relief.
Akmang hahalikan ulit ako ni Gael nang ilayo ko ang mukha ko sa kanya. Nakita ko ang pagkadismaya niya.
"But I wanna kiss you more..." He pleased.
"Save it for later." I said, smilingly.
Nakita ko napangisi siya at hinawakan ang labi ko. Pinupunasam ang smudge lipstick na nagkalat.
Sa totoo lang gusto ko ulit. Pero kailangan ko siya pigilan kundi baka mamaga na ang labi ko kakahalik niya sa akin. Okay sana kung simpleng kiss lang. Pero parang pinapapak niya ang labi ko. Kinakagat pa niya.
Kung dati sa mga movies ko lang napapanuod ang mga ganung halikan. Ngayon, nararanasan ko na. Hindi ko masisisi si Gael dahil masarap naman.
Kunwari ay tiningnan ko siya ng masama. Kung makangiti akala mo naka-jackpot siya. Well, kunsabagay naka-jackpot talaga siya ng halik sa akin.
"Akala ko ba may important errands kang gagawin?" Untag ko nang maalala ko kung bakit siya nandito.
Ang buong akala ko base sa message niya sa akin kanina ay hindi niya ako masasamahan kumain dahil may importante siyang gagawin.
"Naisip kong mas importante ka." Hnawakan niya ang kamay ko saka dinala iyon sa mga labi niya at hinalikan. "Let's go."
Namula ang pisngi ko sa sobrang kilig. Bahagya ko siya tinulak sa tagiliran para di niya mahalata ang kilig ko.
"Ikaw, ha! Habang tumatagal kumo-corny kana." Sabi ko pinipigilan huwag ngumiti.
Hindi ko akalain na may ganitong side si Gael - sweet but corny. I knew him for being a jerk and he was still a jerk for me. And I loved him that way. But being sweet was beyond my expectation. Mukhang makakasanayan ko siya na ganoon palagi.
"Bakit ayaw mo ba?" Umiling ako.
"Hindi, ah! Kinikilig kaya ako! Look!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"That's my girl!" Again, he gave me a peck on the lips.
Magkahawak-kamay kami naglalakad ni Gael sa hallway palabas ng campus. Naisip niya na sa labas nalang kami kumain dahil mahaba-haba naman ang vacant namin.
Napapansin ko rin na marami kaming kakilala nakakasalubong na bumabati sa amin. Karamihan ay mga kakilala ni Gael. Hindi ko akalain na marami na nakakaalam sa relasyon namin. Siguro dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi kami magkasama ni Gael.
"Hi Gael! You look good together." Sabi ng kakilala ni Gael, na nalaman kong Ram ang name.
"Yeah...bagay kayo." Sabi naman ng girlfriend nitong si Chelsea.
Pareho kami napangiti ni Gael sa kanila. Masaya ako at maraming masaya sa amin.
"Thanks, bro and to you Chelsea. Kayo rin. Sana magtagal pa kayo." Pasalamat ni Gael.
"Thanks, guys!" I just smiled to them.
Nakipagtawanan pa ang dalawa sa amin bago sila magpaalam na mauna ng umalis.
Masaya na nagpatuloy kami sa paglalakad nang makasalubong namin si Dean kasama si Patricia papunta sa direksyon namin. Nawala biglaang ngiti ko nang dumako ang tingin nila sa amin. Kung titingnan ay parang hindi nila inaasahang makita kami.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomansaSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...