Chapter 12

857 166 6
                                    

Hanggang tainga ang ngiti ko nang paglabas ko sa gate namin ay sinalubong na ko ni Gael. Nakasakay siya sa motor niya. Mabilis na lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng good morning kiss pero inunahan niya ako. Agad na kinabig niya ako at masuyong hinalikan. Saglit lang pero hindi mapigilan hindi kiligin.

"Good morning, babe." Ngiting bati niya sa akin matapos ang halik.

"Good morning." Ganting sagot ko.

I bit my bottom lip para pigilan ang excitement na nararamdaman ko. Pero mukhang nahalata naman ni Gael iyon dahil napangisi siya.

Nakita ko bumaba ang tingin niya sa suot ko. Lalo na sa suot kong t-shirt.

"You're wearing my shirt."

Halata sa mga mata niya ang kagalakan na makita niya muli ang shirt na binigay niya sa akin noon. Well, hindi niya talaga binigay sa akin. Sadyang nakalimutan ko lang ibalik sa kanya.

"Nakita ko sa closet ko kaya sinuot ko. Bagay ba?"

Sa totoo lang malaki talaga ang black t-shirt niya sa akin. Bahagya ko lang tinali sa likod para mag-fit ito sa akin, suot ang mom jeans bilang pambaba ko.

"Like I said before, bagay talaga sayo."

"Talaga? Maganda ba sa akin?" Nag-posed ako kunwari ay model.

"Maganda ka."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ni hindi man lang ako naka-react. Mataman ko tiningnan si Gael, kung titingnan para wala lang sa kanya ang sinabi. Kung alam lang niya kung gaano kainit at kapula ang pisngi ko sa kilig. Dinagdag pa niya ng banat.

"Let's go." Aniya saka kinuha sa kamay ko ang Coach bag at isinabit sa handle bar ng motor.

"O-okay..." Wala sa loob na tumango ako at ngumiti.

Pagkatapos ay isinuot niya sa akin ang helmet bago umangkas. Niyakap ko ang likod niya ng mahigpit. Ito ang pinakagusto ko sa tuwing sasakay ako sa motor ang mayakap ko siya buong biyahe.

Isang linggo na ang nakakalipas ng maging official ang relasyon namin ni Gael. Noong gabi na hinalikan niya ako, pinagtapat ko sa kanya ang nararamadaman ko. Masaya ako na sabihin din niya mahal niya ako. Noong gabi rin iyon nagsimula ang relationship as a lover.

Naging suportado naman si Dad sa relasyon namin ni Gael. Sinabi ni Dad na tanggap at gusto niya si Gael bilang boyfriend ko.

Araw-araw ay hatid-sundo rin niya ako gamit ang motor niya. Noong una ay ayaw ko umangkas dahil natatakot ako. Pero kinumbinsi talaga niya ako mapapayag lang - dahil bukod sa makakatipid na ako sa gas, may libreng yakap pa ako sa kanya araw-araw.

Sa ngayon hindi pa alam nila Zoe and Liv na kami na ni Gael. Ang tanging alam nila ay sadyang close lang kami dahil sa ginawang plano at magpapa-tutor ko. Kung minsan ay pinapauna ko na sila umuwi bago ako magpasundo kay Gael.

Minsan iniisip ko na sabihin na sa kanila, naisip ko rin na ayaw ko sila mabigla. Ayoko isipin nila na from Dean to Gael real quick. Alam ko napapansin nila na masyado na kami malapit sa isa't-isa. To the point na binalaan na ako nila tungkol sa pagiging malapit namin ni Gael. Sadyang na-inlove talaga ako sa kanya.

Kung hindi dahil sa planong naisip ni Zoe, hindi ko mararamdaman ngayon ang maging masaya sa taong mahal ko. Ang plano na dapat para kay Dean at iyon ang alam nila. Naghahanap pa lang ako ng tamang tiyempo para sabihin kina Zoe ang lahat sa relasyon namin ni Gael.

Because it's Sunday. Napagdesisyunan namin ni Gael na mag-date sa Greenday Park. Maganda ang panahon ngayon kaya naisip namin na mag-unwind at mag-bike sa buong park. Isa pa, nami-miss na namin si Manong Sorbetero.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon