"HI DAD, GOOD MORNING!" Bati ko pagdating ko sa dining area, pero hindi ako pinansin ni Dad.
He's busy reading the newspaper, as usual.
Nagkibit-balikat nalang ako at umupo sa tabi ni niya. Sumimsim muna ako ng milk dahil sobrang sakit ng ulo ko.
"Saan ka galing kagabi, Sienna?" Tanong ni Dad.
Napatigil ako sa pag-inom at tumingin kay Dad. Ibinaba niya ang dyaryo at mataman na tumingin sakin.
Kinabahan ako bigla. Kapag ganito kaseryoso si Dad pakiramdam ko may nagawa akong mali na ikakagalit niya.
Pero sa pagkakaalam ko nagpaalam ako sa kanya kung saan ako pumunta kagabi. Bakit kailangan pa niya itanong iyon?
"I told you, Dad, it was Dean's birthday. Kasama ko sila Liv and Zoe. You know," sagot ko.
"Alam ko kaya pinayagan kita pumunta kasama ang mga kaibigan mo. Pero sino ang lalaki naghatid sayo kagabi?" Seryosong wika ni Dad.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano bang pinagsasabi ni Dad? At sinong lalaki?
"Lalaki?" Nalilito kong tanong.
"Your boyfriend." Tugon ni Dad sabay uminom ng kape. "I thought si Dean ang gusto mo."
Say what? Sa pagkakaalam ko single pa rin ako. Kung magkaka-boyfriend man ako panigurado si Dean iyon.
"Boyfriend, who?"
"Gael Monteverde." Mabilis na sagot ni Dad.
Napanganga ako sa gulat.
***
"Girls, sino ba hinihintay natin dito?" Tanong ni Liv.
"Iyong boyfriend daw niya, si Gael!" Pang-aasar ni Zoey. Sa inis ko sinikuan ko siya.
"Really? Akala ko ba si Dean ang type mo? Nagbago na?" Sabi naman ni Liv.
"Patola ka naman, girl!" Nagtawanan ang dalawa.
Napairap ako sa hangin.
Nandito kami sa carpark ng school para abangan ang hudyong Gael na iyon.
Naalala ko tuloy ang huling pag-uusap namin ni Dad.
"Kailangan ko makilala ang Gael Monteverde na ito, Sienna." Seryosong saad niya.
Halos malaglag na ko sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang kung paano ko ipapaliwanag na isang malaking kalokohan ang sinasabi niya.
"Dad, hindi ko boyfriend si Gael. Never na naging kami at never na magiging kami. I'm just drunk and I don't know what happened last night." Dire-diretso kong tugon.
Hindi ko alam kung paano ko nakumbinsi si Dad. Basta ang alam ko binawasan niya ang monthly allowance ko for two months at kasalanan iyon ni Gael.
"I think he's here na!" Napatingin ako sa inginuso ni Zoey.
Nakita ko bumaba si Gael sa motor niya sabay tanggal ng helmet sa ulo. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko mukha niya naiinis talaga ako.
Aminado akong gwapo siya, matangkad at matipuno. Pero hindi ko type ang mga morenong tulad niya. I have a penchant for mestizo men like Dean.
"Girls, mauna na kayo pumasok. I just need to talk to him alone." sabi ko habang mataman na nakatingin kay Gael.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomantikSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...