Seryoso nga si Gael sa sinabi niya.
Monday nang ibigay niya sa akin ang first set of reviewer na ituturo niya sa akin after class. In fairness, napahanga ako dahil lahat iyon ay sulat kamay niya. Nagbigay rin siya ng schedule kung kailan lang kami pwede mag-review.
Every Mondays, Wednesdays and Fridays.
Sa mga araw na iyon kami nagkikita ni Gael. Kung hindi sa Study Hall o library, sa coffee shop na malapit sa university kami tumatambay.
May pagkakataon na tinatamad ako. Katulad nalang ngayon nasa library kami ni Gael. Imbis na mag-focus ako sa binabasa ko ay nauunahan ako ng antok dahil sa sobrang tahimik ng ambiance.
Ano ba naman ang aasahan mo sa library? A loud ambiance? Tsk!
Napabaling ang tingin ko kay Gael na nanatiling nakatingin sa akin. Hindi na rin ako nagulat dahil sanay na kong tinititigan niya habang nagbabasa ako.
"Gael..." Mahinang tawag ko. "Can we have a coffee break?"
Gusto ko muna mag-snack or magkape man lang para makapag-relax ang utak ko dahil masyado na-consumed iyon na halos wala na kong maintindihan. Isama pa ang nararamdaman kong antok na kanina ko pang pinipigilan.
"Yes. Not until you finish the exam."
Napanganga ako sa sinagot niya. What's with this guys again? Uma-attitude na naman.
"You're kiddin', right?" I asked annoyingly.
"No, I'm not. Kaya kung ako sayo gawin mo na iyan nang makauwi na tayo." Seryosong tugon niya. Ni hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin.
Naiinis na kinuha ko ang sample exam niya at binasa iyon. Hindi na ko nagtaka kung sa unang question palang ay hindi ko na alam ang sagot.
Ganoon lagi ang routine namin ni Gael. Babasahin ko ang reviewer na binigay niya. Kapag may hindi ako alam o naintindihan ay nagtatanong ako at doon niya lang ako tuturuan. After noon, binibigyan niya ako ng sample exam para malaman niya kung naintindihan ko ba ang lesson o hindi.
"Sigurado ka ba na wala ang daddy mo?" Tanong sa akin ni Gael isang araw na napagdesisyunan kong sa bahay nalang kami mag-review.
May three-day business conference si Dad sa Cavite para sa gagawing resort doon. Isa si Dad sa mga business partners kaya kailangan niya daluhin iyon. Kaya naisip kong yayain si Gael na dito nalang kami sa bahay, par kahit papaano ay maiba naman ang ambiance.
"Yes! Kakaalis lang niya kaninang umaga." Paniniguro kong sagot.
Saglit siyang natahimik na para bang napapaisip kung maniniwala ba siya o hindi sa akin. Well, hindi ko siya masisisi dahil may history sila ni Dad dahil sa nangyari noong birthday ni Dean. And I know it was my fault.
Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matandaan kung may sinabi ba talaga akong 'I love you, babe' kay Gael.
"Don't you worry. Malinis na ang pangalan mo kay Dad." Pabiro ko. Napangisi lang ang hudyo.
Pagpasok namin ay sinalubong kami ni Manang Loida. Halata sa mata niya ang pagtataka pero hindi siya nagsalita. Inaasahan niya na may darating na bisita pero hindi niya alam na lalaki ang bisita ko.
"Manang, si Gael po. Gael, si Manang Loida pala." Pakilala ko kay Gael.
"Good afternoon po." Bati ni Gael at bahagya yumuko bilang magbigay galang. Tumango lang ang matanda.
"Hindi ba't boyfriend mo siya, hija?" Tanong ni manang.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Gael sa sinabi ni manang. Ngayon alam ko na kung bakit nagtataka si Manang na makita niya si Gael.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...