Chapter 17

733 132 2
                                    

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa bahay. Pagpasok ko ay sinalubong ako ni Manang Loida.

"Oh Sienna, ang aga mo umuwi."

Natigilan ako at hindi agad nakasagot.

"Umiyak ka ba, hija?" Tanong pa ni Manang. Bahagya ako napayuko nang mapansin niya ang pamamaga ng mga mata ko.

Umiling ako. "Hindi po... Masakit lang po ang pakiramdam ko."

"Ganun ba. Gusto mo ba ng gamot?" May pag-aalala sa boses ni Manang. Umiling ako.

"Ipapahinga ko nalang po, 'nang."

Tumango siya bilang sang-ayon.

Nagpapasalamat ako at hindi na nagtanong pa si Manang. Hindi sa ayaw ko sabihin ang nangyari. Sa ngayon, gusto ko muna mapag-isa.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagsimula na naman manlabo ang panigin ko. Pinipigilan ko pero kusa ng bumuhos ang luha ko.

Nag-iiyak na dumapa ako sa kama. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa puntong gusto ko sumabog. Ramdam ko na ang pagkabasa ng unan ko.

Napamulagat ako nang mag-ring ang phone ko. Umayos ako sa pagkakahiga para kunin ang iyon sa handbag ko.

Naningkit ang mga mata ko na makita ang pangalan ni Gael. Hindi ko naman mapigilan mapaiyak nang maalala ang lahat. May parte sa isip ko na sagutin iyon - tanungin kung totoo talaga ang narinig ko. Pero sa huli pinili ko i-declined iyon.

Hindi nagtagal ay bigla ulit iyon nag-ring. Tinitigan ko lang iyon. Ni hindi ko magawang sagutin. Hinayaan ko lang na mag-ring iyon.

Tinakpan ng kanang braso ko ang mga mata para pigilan ang mga taksil kong luha.

Nagsisisi ako kung bakit narinig ko pa ang lahat ng pag-uusap nila. Kung hindi ko sana ako pumunta sa office, kung hindi ko sana narinig ang mga bagay na iyon. Hindi sana ako nagkakaganito. Hindi ako iiyak. Masaya pa rin siguro kami ni Gael. Paniniwalaan na mahal niya ako.

"Gael..." Anas ko sa pagitan ng paghikbi ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagmukmok sa kwarto ko. Ang alam ko lang ay nagising ako sa tawag ni Manang Loida sa akin.

Walang ganang binuksan iyon. Hindi ko na pinansin ko ano ang itsura ko.

"Sienna, si Gael nasa labas. Sinabi niya na kanina ka pa niya tinatawagan pero hindi mo sinasagot." Nag-aalalang sabi niya. Kita sa kanyang mga mata ang pagtataka.

Hindi ko siya sinagot. Nakayuko lang ako.

"Ano ba nangyari, hija? Nag-away ba kayo?"

Umiling ako.

"Pakisabi po sa kanya wala po ako. Pakisabi na ayaw ko siya makita at makausap. Pakisabi na umalis na siya..." Sa buhay ko.

"Hindi ko magagawa iyon, Sienna. Alam niya na nandito ka. At nagpupumilit siya na makausap ka. Kung makikita mo lang siya."

"Hindi ko po kaya..." Garalgal na sabi ko.

Taksil ng mga luha ito. Bakit ngayon pa?

"Base sa itsura mo, alam ko may problema kayo ni Gael. Kung anuman iyon, ayoko manghimasok. Tandaan mo na palagi lang ako nandito at handang makinig, hija. Pero sana maisip mo na hindi solusyon ang pag-iwas. Harapin mo ito ng matapang." Pagpapayo ni Manang.

I pressed my lips together. Hindi ko alam ang dpat kong isagot.

Tama si Manang. Kailangan ko harapin si Gael pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa ako handa. Masyado pa masakit. Kailangan ko mag-isip.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon