Si Sienna na may gusto kay Dean na bestfriend ko.
Naalala ko noong first year college kami, kung saan second year naman si Dean. Iyon ang unang pagkakataon na nagpakita ng motibo si Sienna kay Dean.
Noong una ay natatawa ako kung paano tanggihan ni Dean si Sienna sa tuwing nagpapansin ang huli sa kanya.
Dumaan ang mga taon pero hindi parin nagbago ang pagtangi ni Sienna kay Dean. Hinahabol-habol pa rin niya ang lalaki na halatang ayaw sa kanya. Noon ko unang naramdaman ang pagkaawa sa kanya. Tipong gusto ko na siyang protektahan sa mga ginagawa niya na hindi magawang tugunan ni Dean sa kanya. Ang masakit pa ay patuloy pa rin niya iyon ginagawa.
Naging daan iyon upang lihim ako makialam sa kanya bago pa siya makagawa ng ikakapahiya niya sa harap ni Dean. Sa pamamagitan na iyon ay magawa ko siyang protektahan. Dahil nararamdaman ko kung gaano kasakit ang tanggihan ka ng taong mahal mo.
"Look Dean, mukhang lasing na si Sienna. Hindi mo pa rin naisasayaw." Sabi ni Alec habang itinuro ang kinaroroonan ni Sienna. Parehas pa kami napalingon ni Dean.
I grimaced for what I saw. She's drunk and wasted as hell.
Nasa kabilang table siya kasama ang mga kaibigan niya. Kita ko kung paano siya pigilan ng mgs kaibigan niya sa paglalakad patungo sa kinaroroonan namin ni Dean. Naalarma ako.
"Lasing na siya pero malakas pa rin ang amor sayo Dean. Iba ka talaga. Isayaw mo na kaya." Panunukso pa ni Alec.
Natawa lang si Dean habang umiinom ng scotch.
"Alam mo naman, bro, na si Patricia ang gusto ko. Sayang lang at wala siya ngayon." Seryosong sagot ni Dean.
Si Patricia Del Mar, ang nililigawan ni Dean. Matagal na siyang may gusto sa babae pero hindi magawang sagutin dahil priority nito ang pag-aaral. Lalo na at tulad ko rin ay university's scholar.
"Eh, anong gagawin natin? Mukhang papunta siya sayo." Dagdag pa ni Alec.
"Ako ng bahala sa kanya." Bigla kong sabi. Inisang lagok ko ang scotch bago ako tumayo.
Mabuti nalang at mataas ang alcohol tolerance ko at nakakapag-isip pa ako ng tama.
"Sigurado ka, Gael? Hindi ba't bad blood kayo sa isa't-isa." Segunda ni Alec.
"Hayaan mo si Gael, Lec. Kaya niya kontrolin si Sienna. Hindi ba, bro?" Tumingin sa akin si Dean.
Ngumisi ako bilang sagot. Tumayo ako para sundan si Sienna na pagewang-gewang na sa sobrang kalasingan.
Nang makalapit ako sa kanya ay sinadya ko na banggain niya ako. Dahilan para ma-out of balance siya. Mabilis na sinalo ko. Hawak ang manipis na bewang niya.
Sa pagkakataon na iyon hindi ko maiwasan titigan siya sa kanya mukha. Gusto kong haplusin pero hindi ko magawa.
Napakaganda talaga niya.
Naalala ko ang sinabi ko sa kanya kanina. Ang totoo niyan ay nagandahan talaga ako sa ayos niya. Hindi ko lang masabi, imbis ay dinaan ko sa biro. Napakasuwerte naman ni Dean kung tutuusin. Pero hindi nito magawang tugunan ang pag-ibig niya.
"Oh! Gael, I'm sorry. Medyo nahilo lang ako." Hinging paumanhin niya.
Itinayo ko siya kasabay noon ang paghawak sa ulo niya. She's got a headache, for sure.
"Anyway, I need to talk to Dean. Busy pa ba siya? You know..."
Si Dean na naman. Kailan ba niya maiisip na walang gusto si Dean sa kanya. Ni hindi nga siya maisayaw nito. Kung hindi lang siya lasing ako mismo ang magsasayaw sa kanya. But knowing her, she hated me to the bone.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...