"Mabuti nalang pumasa ang score natin sa passing grades. Kundi bagsak na naman tayo, Zoe." Ani Liv nang matapos ang klase namin sa Law.
Nakita kong sinikuhan siya ni Zoe sa tagiliran at sumenyas bago bumaling ng tingin sa akin.
"Don't worry, Sien. Okay lang iyan. Bumawi ka nalang sa reporting."
Nagkaroon kami ng long quiz sa Law subject. Sa kasamaang palad ay bumagsak muli ako sa pangatlong pagkakataon. Aminado ako na mahina ako sa subject na iyon. Kahit anong gawin kong pagre-review ay walang epekto. Aminado rin ako na below-average lang ang utak ko.
Naiinggit ako at the same time ay masaya ako para kina Liv and Zoe dahil pumasa sila sa pagkakataong ito. Mabuti nalang at binigyan ako ng isang pang chance ni Atty. Leyva para makabawi.
Iyon ay ang reporting. Ang masaklap lang kung sa exam nga bagsak pa ko, sa reporting pa kaya.
"Ang problema mahina ako sa memorization. Baka imbes na pumasa ako mas lalo lang ako bumagsak." Malungkot kong sabi.
Nakapalumbaba lang ako at nag-iisip ng paraan sa gagawin kong report.
"Kung matalino lang din kami ni Zoe. Tutulungan ka talaga namin, girl. Pero etong pasang-awa rin kami." Sabi pa ni Liv na sinang-ayunan naman ni Zoe.
"Hindi ko malaman kung bakit napakahirap ng subject na iyon." Sabi ko pa sa iritableng boses.
Dinukmo ko ang ulo ko sa desk sa sobrang frustration.
Siguro kaya hindi ako magawang magustuhan ni Dean dahil hindi ako matalino, na puro ganda lang, at pasosyal. Hindi tulad ni Patricia maganda na matalino pa.
"I have a bright idea!" Narinig ko sigaw ni Zoe.
Napatuwid ako ng upo at mabilis na bumaling kay Zoe.
"And what's that?" Kunot-noo kong tanong.
"Si Gael! Magpatulong ka kay Gael!" Tugon ni Zoe.
"And why would I do that? Aber!" Mataray kong wika.
Naalala ko tuloy ang huling pag-uusap namin ni Gael. Sa tuwing naalala ko ang lahat ng sinabi niya nanggigigil talaga ako.
"Para saan pa at kinaibigan mo si Gael. Bukod sa magagamit mo siya kay Dean. Magagamit mo rin siya sa mga studies mo." Paliwanag ni Zoe.
"Zoe's right. Remember, he's a smart ass. Pwede ka magpa-tutor sa kanya. That's the benefit of having a smart friend!" Sang-ayon naman ni Liv.
Saglit ako napaisip.
Sabagay may punto sila. Para saan pa nga at nagpakahirap ako i-pursue si Gael sa wala. Kung hindi naman niya ako matutulungan kay Dean. Siguro sa ibang paraan meron.
"Okay, I'll think about it." I just said.
Sa ngayon pag-iisipan ko kung paano ko mako-convince si Gael. Meron nalang ako two days para gawin iyon. Kundi babagsak talaga ako sa Law nito.
***
Nandito ako sa Study Hall ngayon at hinihintay ang pagdating ni Gael. Nung una ay ayaw niya pumayag kesyo busy daw siya. Pero hindi ako nagpatinag. Tinadtad ko lang naman siya ng texts and calls hangang sa pumayag siya.
Kagabi ay kinausap ko si Dad sa balak kong pagkuha ng tutor. Hindi ko sinabi ang totoong dahilan dahil panigurado na magagalit siya sa akin. Kundi dahil bilang unica hija niya alam niyang hindi ako katalinuhan. Pumayag naman siya sa gusto ko basta siguraduhin ko lang na maipapasa ko lahat ng subjects ko.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...
