"ANO MAGANDA NA BA AKO?" I asked my friends after kong maglagay ng red lipstick na kukumpleto sa looks ko.
Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin.
Smokey eyes, eyebrows on fleek, and red lipstick. Yes, full glam indeed!
Syempre hindi rin papatalo ang suot kong red velvet bodycon dress na mas lalong nakahubog sa kurba kong katawan.
Nang bumaling sila sakin ay tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Sienna, you look amazing!" Eksaheradang sabi ni Olivia.
"Girl, maganda ka na kahit walang make-up. But look at you, parang ikaw pa iyong may birthday ngayon," dagdag pa ni Zoey.
Napaarko ang kilay ko sa kanilang dalawa sabay ngiti na mas lalong nagpa-emphasize sa facial features ko.
Liv and Zoe are my bestfriends. But at the same time sila rin ang ultimate critics ko. Kaya kapag sinabi nilang maganda ako, naniniwala talaga ako.
"Thank you, girls! Alam niyo naman, kailangan ako dapat ang pinakamagandang babae na makikita ni Dean ngayon gabi." Confident kong sabi.
Tonight is Dean's 22nd birthday. At wala akong choice kundi magpaganda ngayon.
Dean Chavez is the president of Business-Ad Student Council. Panigurado bukod sa mga kaibigan at kakilala niya ay maraming mga CBA girls ang aaligid sa kanya at ako lang dapat ang mangibabaw sa paningin ni Dean.
"For sure, mas lalong mai-inlove si Dean pag nakita ka niya. Mark my words, girl!" Ani Zoe saka tumayo at lumapit sa akin.
"And for sure, hindi matatapos ang gabing ito na hindi ka niya maisasayaw." Sang-ayon naman ni Liv.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Liv. Iniisip ko palang ang mangyayaring first kiss namin ni Dean ay kinikilig na ko. Paano pa kaya kapag nangyari talaga iyon?
"So, what are you waiting for? Let's go, girls!" Excited na yaya ko sa kanila.
***
PAGDATING NAMIN sa club house ay nagsisimula na ang party. May nagsasayawan at nag-iinuman na. Maingay na rin ang buong paligid.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Dean. Sa hindi kalayuan ay nakita ko siya sa bar area kasama ang mga kaibigan niya. Hinintay ko muna umalis ang mga babaeng nakapaligid kay Dean bago kami lumapit sa kanya.
"Hi, Dean. Happy birthday!" Masigla kong bati sa kanya sabay bigay ng regalo ko. "Here's my gift."
Isang customized Sheaffer vintage fountain pen na may naka-carved na name ni Dean. Thanks to his mom at inalam ko ang gusto niyang regalo sa birthday.
We're family friends. So having a connection was an advantage.
After batiin nila Liv and Zoe si Dean ay agad sila nagpaalam para kumuha ng drinks. Alam nila na kailangan namin magsolo ni Dean.
"Thank you, Sienna. By the way, you look great tonight." Ani Dean na mapansin niya ang itsura ko.
Hindi ko mapigilan na hindi kiligin sa sinabi ni Dean. He complimented me!
I just toyed my lower lip just to hide my kilig. But I can't.
"Dean's right. But I think, you'll look more beautiful without makeup on." Mabilis na napalingon ako sa lalaking nagsalita.
Bigla nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makilala ko kung sino.
Si Gael Monteverde, bestfriend ni Dean at vice-president ng CBA-Student Council. Kilala bilang sikat na University Scholar.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...