Nagsimula ang araw ng midterm namin. Lahat ng mga estudyante ay kundi aligaga sa pagre-review ay kabado. Para sa kanila tinuturing nilang hell week ang buong linggo ng midterm.
Lihim ako napapangiti habang hinihintay ang susunod na exam namin.
"Grabe ang hirap ng exam natin kanina. Halos wala ako maisagot!" Iritableng sabi ni Liv.
"Kaya nga! Feeling ko babagsak ako nito. Mabuti pa ang isa dyan..." ani Zoe at pinasadahan ako ng tingin na para bang ako lang ang hindi nahirapan sa exam.
Napangiti lang ako.
"Iba na talaga kapag may gwapong tutor..." Tudyo naman ni Liv. "Pwede pakisabi kay Gael paturo rin kami."
And I just chuckled.
Sa unang pagkakataon ay hindi ako nakaramdam ng kaba. Confident ako sa mga sagot ko dahil halos lahat na-review ko. Thanks to Gael kung hindi dahil sa kanya panigurado mararamdaman ko din ang nararamdaman ng mga friends ko.
Naalala ko kanina nang maka-received ako ng message mula sa kanya.
Good luck to you!
Alam ko maiksi at plain pero na-appreciate ko ng husto ang effort niya na palakasin ang loob ko. Inaamin ko medyo kinabahan din ako kanina pero nung mabasa ko iyon nawala ang kaba ko.
Sa ngayon, hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko na naiba na ang plano. Napagtanto ko na kahit kaibiganin ko pa si Gael ay hindi ko pa rin makukuha ang puso ni Dean. Naiba man sa totoong plano mananatili pa rin ang pagkakaibigan namin ni Gael.
Aminado ako na may kakaiba akong nararamdaman para kay Gael. Maybe an admiration or crush. I don't know.
Hindi ko man matukoy ang mahalaga masaya ako kapag kasama ko siya.
Kahit papaano ay nag-iba rin ang pakikitungo niya sa akin. Nag-improve ang closeness namin. Hindi man niya aminin na we're totally friends. Sapat na sa akin na nag-e-enjoy kami ni Gael sa company ng isa't-isa.
***
Mabilis natapos ang araw ng midterm. Isang malaking tinik muli ang nabunot sa amin tatlo nang makita namin ang lahat ng score namin sa buong sabjects.
Masaya ako na makita na lahat ng mga exams ko ay pasado. Halos ang iba ay na-perfect ko na. Ito ang unang pagkakataon na makita ko ang score na kung hindi bagsak ay pasang-awa naman.
For sure, matutuwa si dad pag nalaman niya ito.
Nakita ko rin ang mga score nila Liv and Zoe. Proud din ako dahil kahit papaano ay pasado ang mga score nila sa exam.
"Mabuti nakapasa tayo kundi bibingo na talaga tayo, Zoe!" Saad ni Liv sa eksaheradang tono.
"Sabi ko naman sayo Liv, maghanap na rin tayo ng tutor. Iyong kasing gwapo at talino ni Gael." Pabirong sabi naman ni Zoe at sinikuhan si Liv.
Natawa ako sa mga biruan nila.
"Nandyan si Alec. Matalino rin naman, gwapo pa." Biro ko rin sa kanila.
"Si Alec? Iyong feeling gwapo. No way!" Mataray na sagot ni Zoe at napairap.
Nagkatinginan kami ni Liv sabay nagtawanan.
Hindi namin alam ni Liv kung anong meron sa pagitan nila Zoe at Alec. Kung bakit ganyan nalang maka-react si Zoe. Isa lang alam namin, hindi nila gusto ang isa't-isa.
***
Maaga natapos ang klase dahil panay lang ang pag-follow ups ng mga proffessor sa mga projects at dahil kakatapos lang din ng midterm ay walang pang gaanong lesson.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...