Sa Bello Italiano ang nasabing restaurant kung saan kami magkikita ni Dean. Sa mismong restaurant rin na iyon nilibre ko ng lunch si Gael. Na halos lahat ng course menu ay in-order niya. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Kung titingnan ay iyon ang una naming lunch date.
Lihim ako napangiti ng maalala ko iyon.
Pagdating ko ay naroon na si Dean. Tumayo siya mula sa prente niyang pagkakaupo nang makalapit ako sa tapat niya.
Nginitian niya ako. "Hi."
"Hi." Ganting bati ko sa kanya.
Hinila niya ang upuan sa harap ko para paupuin ako. Naiilang na umupo ako.
"Thank you." Mahina kong sabi at bahagya pa yumuko.
Pagkatapos ay bumalik siya sa upuan niya. Saglit na inayos ang sarili. Hindi ko maiwasan na suyirin ng tingin ang itsura niya.
Compared to Gael, Dean looks was sleek. A rich man mestizo. Matangkad at gwapo pa. Kung titingnan ay talagang may pagmamalaki siya. Sa suot ba naman niya na white dress shirt at black pants - na mas lalo naka-enhanced sa itsura niya.
Hindi ko maitatanggi na nagustuhan ko siya sa ganoong katangian niya. Aminado ako na mahilig talaga ako sa mestizo. Pero nagbago iyon nang magustuhan ko si Gael.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko siya.
Sa pagkakataon na iyon ay Dean ang kasama mo at hindi si Gael. Iniiwasan ka ng tao pero iniisip mo pa rin siya. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo, Sienna.
"Thank you at nakapunta ka, Sien." Magalak na sabi niya.
Simpleng napangiti ako.
"Don't mention it. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay niyaya mo ako makipag-date."
Sa halos tatlong taon na paghahabol at pagpapansin ko kay Dean, ito ang unang pagkakataon na nag-date kami. Kung date nga ba maituturing. Dahil pakiramdam ko ang bigat-bigat ng kalooban ko dahil isa si Dean sa mga dahilan kung bakit nasasaktan ako.
Kung hindi pa ako nasaktan sa multong ginawa nila. Hindi pa niya ako mapapansin.
Napansin ko ang pagbago na reaksyon ng mukha niya. Seryoso niya ako tiningnan.
"Sien, actually kaya kita niyaya ay para makausap ka tungkol-"
"Tungkol kay Gael?" Pagtatapos ko nang putulin ko ang dapat niyang sasabihin.
Tumango siya bilang tugon. Kinuha ang menu at sinimulang tingnan iyon.
"Let's take our order, first. It's my treat." Segundq niya.
"Sure..." Sabi ko at kinuha rin ang menu.
Tahimik namin hinintay na dumating ang order namin. Hanggang sa dumating na ang order namin ay wala namagitan na salita sa amin.
Abala ako sa pagkain ng pasta nang marinig ko siya tumikhim. Agad na bumaling ang tingin ko sa kanya. Bigla ay nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan namin ni Dean dahil sa huling pag-uusap namin kanina.
"Like I was saying, gusto kita makausap tungkol kay Gael. Alam ko ang nangyari sa inyong dalawa. Wala siyang sinasabi sa akin pero alam ko ang dahilan." Sabi niya.
Napatigil ako sa pagkain at binitiwan ang hawak na tinidor. Uminom muna ako ng juice bago ko siya harapin muli. I just lost my appetite, already.
"Alam mo na rin pala. Bakit kailangan pa natin mag-usap?" Bahagya ang pagtaas ng boses ko at hindi ko iyon sinasadya. Nadaig lang ako ng emosyon ko.
I feel attacked. Pakiramdam ko ginagawa niya ng bagay na ito para sa side ni Gael. Dahil sa una palang alam niya ang plano. Planong natagumpayan nila. Alam ko rin na kakampihan niya ang kaibigan. Kaya para saan pag ang pag-uusap na ito?
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...