Chapter 11

823 187 6
                                    

Mabilis na tinulak ko si Gael palayo sa akin at tumayo mula sa couch. Natatarantang inayos ko ang composure ko mula sa nangyari sa pagitan namin - iyong halik na hindi matuloy-tuloy. Kung nagkataon first kiss ko iyon. At hindi ako magdadalawang-isip na ibigay ko iyon kay Gael.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko kung sino.

Dad called me.

"Akala ko ba walang ang Daddy mo ngayon." Sabi niya at napahawak sa batok niya. He looked tensed.

Dahil ba iyon sa 'almost kiss' na nangyari sa pagitan namin o dahil sa biglaang pagdating ni Dad.

"Hindi ko alam. Ang alam ko bukas pa siya uuwi." Mabilis kong sagot.

"Anong gagawin natin?" Tanong pa niya.

"No choice. Kailangan natin bumaba bago pa tayo mahuli ni dad na nasa kwarto ko." Tanging sagot ko nalang.

Saglit siya natahimik at hindi agad nakasagot.

"Don't tell me, takot ka kay Dad?" Pang-aasar kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang bahagya pagkunot ng mga mata niya sa sinabi ko.

"Hindi ako natatakot sa daddy mo."

"Well, patunayan mo. Humarap ka kay daddy." I challenged him.

Kung sakali man, ito ang pangalawang pagkakataon na magkikita ulit sila ni Dad. Sa pagkakataon na iyon - not as my boyfriend. But soon...

***

Nasa sala na kami ni Gael nang pumasok si Daddy. Parehas kami napatayo para batiin si Dad - na ngayon nakatingin sa amin dalawa.

"Hi, Dad! Napaaga ata ang uwi mo?" Nakangiti kong bati. Pero sa totoo lang kinakabahan ako lalo na sa paraan ng pagtingin niya kay Gael.

"Maaga natapos ang seminar. Besides, I have another meeting in Makati tomorrow." Sagot ni Dad. "Gael, right?"

"Yes, Dad. Si Gael, my-"

"Your boyfriend." Agap ni Dad sa sasabihin ko.

"Dad, sabi ko naman sayo hindi ko boyfriend so Gael. He's my tutor that's why he's here." Dagdag kong paliwanag kay Dad.

Hindi ko na nga sinabi na bestfriend siya ni Dean. Baka mamaya magselos na naman siya at iwasan na naman niya ako kinabukasan.

Pasimple ako napatingin kay Gael para tingnan ang reaction niya. Nakangisi lang ang hudyo.

Sinikuhan ko siya at napatingin sa akin. I gave him a warning look. Ngayon mo ipakita ang tapang mo katulad ng sabi mo. Sa isip ko.

"Good evening, Sir. I'm Gael Monteverde and not Sienna's boyfriend. Nice to meet you, again." Simple pero swabeng sabi ni Gael. Nagawa pa niyang ngumiti.

Ni hindi ko man lang siya nakitaan ng takot the way na magsalita siya sa harap ni Dad. Kahit ang tindig niya ay hindi ko nakitaan ng weakness.

Now, I'm convinced.

Kung tutuusin ito ang pangalawang pagkikita nila. Pero para sa akin ito ang unang pagkakataon na makita sila nagkaharap ng pormal.

"I like your attitude, young man. By the way, I'm Antonio Alonzo, remember my name." Ani Dad sabay lahad ng kamay niya kay Gael para makipagkamay. Tinanggap naman iyon ni Gael at nagpasalamat.

Umupo si Dad sa pang-isahang sofa habang kami ni Gael magkatabi nakaupo sa mahabang sofa. Pakiramdam ko tuloy parang 'meet the father' kahit hindi naman kami.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon