Chapter 16

694 124 2
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Nasa loob pa rin kami ng kotse. Nanatili lang kami roon. Walang gusto lumabas sa amin. Kahit ako ayaw matapos ang gabing ito.

"Dahil alam ko si Dean ang gusto mo. At alam ko hindi mo ko magugustuhan dahil kaaway ang tingin mo sa akin noon."

What a revelation? Kung hindi pa sinabi ni Tita Cherry ay hindi ko pa malalaman. At wala rin siyang balak sabihin sa akin iyon.

"Bakit mo naman ako nagustuhan?" Tanong ko pa.

I want to know more. Hindi ko alam pero gusto ko kiligin sa tuwing inaamin niya ang lahat sa akin.

"Hindi ko lang alam. Bigla ko nalang naramdaman. Ang alam ko lang, sa tuwing iniiwasan ka ni Dean, hindi ko maiwasan na masaktan para sayo. Gusto kita protektahan." Saglit siya huminga ng malalim. "Pero hindi ko alam kung paano. Kaya naisip ko idaan nalang sa pang-aasar sa iyo."

Bahagya siya natawa sa huli niyang sinabi. Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam ng lungkot at paghihinayang. Tuloy ay hindi ko maiwasan ma-guilty.

"Sana sinabi mo sa akin..." Napalabi ako.

"Kapag sinabi ko ba may magbabago ba?" Tanong ni Gael at mataman ako tiningnan sa mga mata.

"I don't know..." Halos bulong ko lang. "Naggi-guilty kasi ako."

Kinuha ni Gael ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Pagkatapos ay dinala niya iyon sa kanyang labi at dinampian iyon ng halik.

"Don't be. It's in the past. Ang mahalaga ay akin ka ngayon." May panunuyo niyang sabi.

Napangiti ako. I am so touch by his words that I couldn't speak.

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. Binigyan niya ako ng kakaibang tingin at ngisi.

"Just let me kiss you again, babe..." Mas lalo lumapit ang mukha niya.

Hinawakan ko siya sa mukha para pigilan.

"Stop...kakahalik mo lang sa akin kanina."

"I can kiss you forever, babe." Ganting sabi niya.

Napalabi ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Parang gusto ko na ayaw ko. Iniisip ko kasi na masyado na kong wild.

"Peri namamaga na ang lips ko." I bit my bottom lip. "Kinakagat mo kasi..."

Namilog ang mga mata ko nang bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Takang tanong ko.

"You and your humor, babe!" Muli ay tumawa siya.

Akala ko pa naman kaya siya tumatawa dahil pinagti-trip-an ako. May parte pa naman sa isip ko na umaasa na hahalikan niya ako.

***

"Cookies for you..." Inabot ko ang isang box of cookies kay Zoe. Pagkatapos ay kay Liv. "And for you."

Nakangiting umupo ako sa tabi nila. Halata sa mukhang nila ang saya sa sorpresa ko. Pero mukhang mas interesado sila sa dahilan ng ngiti ko.

"Mukhang masaya ka. Anong nangyari?" Si Liv.

"Ano approved ba ang beauty mo kay mother and father?" Tanong pa ni Zoe.

"Oo naman. Close na nga kami ni Tita Cherry..."
Pagmamalaki ko.

"Talaga lang, huh!" Hindi makapaniwalang sabi ni Zoe.

"So, proud kana niyan." Segunda pa ni Liv.

Muli ay napangiti ako. Inalala kung paano ako tanggapin ng pamilya ni Gael. Lalo na si Tita Cherry. She's too sweet to me.

Hate That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon