"Hi! Two Iced Americano, please!" I ordered.
Nakita kong ang pagkamangha ni Gael nang makita niya ako sa harap ng counter sa coffee shop na pinapasukan niya.
Umayos siya ng tindig bago mag-form ng ngiti sa akin na tulad ng binibigay niyang ngiti sa mga customers.
Ngumiti rin ako. Pagkatapos ay inabot ko ang payment. Nang abutin niya ay hinawakan ko ang kamay niya.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Can I talk to you, Gael? Pretty please..." Untag ko sa sweet na voice.
"Paano kung ayaw ko?" Paghahamon niya.
"Pipilitin pa rin kita," sambit ko at binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero hindi siya sumagot. Mataman lang niya ko tiningnan sa mata at kinuha ang bayad mula sa akin.
"I'll take that as a yes." Ngumiti pa ulit ako bago umalis sa harapan niya.
"Sabi ko na nga ba, hindi mo ko matitiis." Sabi ko.
Umupo siya sa upuan na kinauupuan ko. Nakita ko nagpaalam siya sa manager niya. Kaya hindi na ko nagtaka pa kung pumayag siya sa gusto ko. Inabot ko sa kanya ang isang ice Americano sa tapat niya.
Tiningnan lang niya iyon."Anong ginagawa mo rito?" Untag niya. Seryoso siyang tumingin sa akin.
"May kanya-kanyang lakad mga friends ko. So, naisip kong puntahan ka dahil friends naman na tayo." Sagot ko.
Sa totoo lang, pinlano ko na napuntahan siya ngayon. Dinahilan ko lang ang sinagot ko sa kanya. Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin ko mako-corner ko rin si Gael.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong pa niya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko.
Mataman ko siyang tiningnan. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
"Connections, you know." Mabilis kong sagot.
"Pinagbigyan na kita. Ano pa ba ang gusto mo, Sienna Marie?" Untag niya.
Lihim ako namangha na bigkasin niya ang buong pangalan ko. Alam ko hindi ito ang unang pagkakataon pero hindi ko akalain maganda pala sa pandinig kapag si Gael ang bumibigkas.
Wait, ano ba itong pinagsasabi ko. Bumalik tayo sa plano.
"Like I said, gusto talaga kita maging kaibigan." Sagot ko.
Napangisi siya sagot ko na parang hindi talaga siya naniniwala.
"Really? Bakit feeling ko may iba pang dahilan?" Bahagya niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko na para bang hinuhuli niya ko.
Nagkatitigan kami pero ako ang unang sumuko.
"Well, kaibigan ka ni Dean. Walang masama kung maging kaibigan din kita. Isa pa, ayaw ko na makipagtalo sayo." Diretso kong sagot.
Lihim ako napangiwi nang mapansin kong medyo nadulas ako sa sinagot ko. Pero huli na para bawiin ko iyon.
"Lumabas na rin sa mga labi mo ang totoo. Gusto mo ko maging kaibigan para mas lalo ka mapalapit kay Dean. Tama ba?" Mariin niyang sabi.
Ganoon ba ko ka-transparent para mabasa ni Gael ang pinaplano ko? O sadyang tanga lang talaga ako magtago ng sikreto.
"Hindi sa gano'n iyon. Paano kung gusto talaga kita maging kaibigan?" Katwiran ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/222487631-288-k112017.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
Roman d'amourSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...