"...and that's all about my report. Thank you!" Pagtatapos ko sa report ko.
Nagpalakpakan ang buong klase lalo na sila Zoe and Liv na todo cheer sa akin. Napatingin ako kay Atty. Leyva, na kitang-kita ang pagkamangha sa mukha.
"Very good, Ms. Alonzo. You improved a lot. Keep it up!" Atty. Leyva praised me.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
"Thank you, Atty." Nahihiya kong sagot. Kahit sa totoo lang proud na proud ako sa sarili ko.
Pagkatapos noon ay umupo na ko sa tabi ng mga friends ko na agad ako ni-corner.
"Taray! Ang galing mo, girl!" Masayang sabi ni Liv.
"Ako pa ba?" Nagkibit-balikat ako na para bang nagmamayabang pa.
"I told you! Si Gael lang ang kasagutan mo." Bulong na sabi ni Zoe. "Kumusta naman siya maging tutor?"
Kunwari napaisip ako. Inalala ko ang dalawang araw na magkasama kami sa studay hall. Kung paano niya ko pahirapan sa pagbabasa at pag-e-explain. "Well, he's strict..."
Mahina kami nagtawanang tatlo.
Natapos ang klase namin nang maalala ko na kailangan kong puntahan si Gael para ibalita sa kanya ang nangyari sa report ko. Sigurado matutuwa siya kapag nalaman na mataas ang nakuha kong grade.
"Girls, mauuna na ko sa inyo, huh. May pupuntahan pa ko. Bye!" Nagmamadaling paalam ko sa kanila at kinuha ang bag ko.
"Wait, saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Liv. Pero hindi ko na pinansin at lumabas na ng classroom.
***
Nasa tapat ako ng office ng CBA-Student Council. Nag-message ako kay Gael kung nasaan niya at sinabing nandito siya. Iniisip ko kung papasok ba ko o hindi. Mabuti nalang lumabas si Alec - ang secretary ng CBA-SC.
Mabilis na lumapit ako kay Alec para magtanong.
"Hi, Alec!" Bati ko. "Nandyan ba si Gael sa loob?"
"Ikaw pala, Sien. Si Gael ba? Lumabas lang siya saglit babalik din iyon maya-maya." Sagot niya.
Napatango ako. Medyo nadismaya.
"Kung gusto mo pwede mo siya hintayin sa loob." Dagdag pa ni Alec at itinuro ang SC Office.
"Gano'n ba? Okay, sige. Thanks!" Tugon ko.
"No problem!" Sabi niya at nagpaalam na.
Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla ito bumukas. Sa gulat ko ay napaatras ako.
"Sien?" Tawag sa pangalan ko. Nang tingnan ko kung sino iyon ay napangiti ako.
"Dean, ikaw pala! Na-miss kita!" Na-miss mo rin ba ko?
Ikinawit ko sa likod ng tenga ko ang side bangs ko. Pinipigilan huwag kiligin.
Halos tatlong araw ko hindi nakita si Dean. Alam kong busy siya sa OJT. Isama pa ang mga works niya sa Student Council dahil last term niya na this year.
Naalala ko dati sa tuwing tumatakbo siyang sa Student Council ay todo ang suporta binibigay ko sa kanya. Namimigay pa ko ng mga freebies sa mga students para iboto lang siya. Kaya iniisip ko palang na huling term niya na nalulungkot na ako.
He smiled at me. "Yeah, I know. Kumusta ka na?"
Bumalik muli ang atensyon ko sa kanya.
"I'm doing good. Actually nakapasa ako sa report ko sa Law today." Masaya kong tugon.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...