"Anong problema at kanina ka pa tahimik diyan?" Untag ni Liv nang mapansin niya ako.
Kakatapos lang ng huling subject namin sa araw na ito. Wala ang atensyon ko sa buong klase. Ni wala pumapasok sa utak ko dahil hinangin ang utak ko kakaisip sa kung ano gagawin ko sa darating na Sunday.
Kinabukasan nang gabi na sinabi niya iyon ay agad niya ako ipinaalam kay Dad. Natuwa siya dahil sa lakas ng loob na pinapakita ni Gael sa kanya. Pinapakita talaga ni Gael kay Dad na sincere siya sa akin at sa relationship namin.
"Ipapakilala ako ni Gael sa parents niya..." Nakapalumbaba kong sagot.
"Oh! Bakit ganyan itsura mo? Hindi ba dapat happy ka. Meet the parents na agad." Ani Zoe habang nagre-retouched ng make-up.
"Masaya naman ako." Huminga muna ako ng malalim. "Kaya lang hindi ko alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako. Ang sabi naman ni Gael, just be myself."
"Hindi totoo iyan, girl. Remember, first impression lasts. Kailangan magpaganda ka, magpa-impress." Si Liv, na busy rin sa paglalagay ng mascara.
"Kailangan mo rin ayusin ang attitude mo, girl." Segunda pa ni Zoe.
Napangiwi ako. Anong akala niya sa akin, bitchesa?
"Eh, anong gagawin ko?" Nag-aalangan ko pang tanong.
Nagkatinginan ang dalawa. Hindi nagtagal ay napangiti sila sabay harap sa akin.
"Kami ang bahala sayo." Makapanabay nilang sabi.
Nagpunta kami sa mall para bumili ng make-ups and dresses. Inikot namin ang buong beauty section. Sa make-up palang ang laki na nagastos ko. Pihadong magagalit si Dad kapag nakita niyq ang account ko.
Meet the parents palang ang laki na ng gastos ko. Paano pa kaya kapag magpapakasal na kami? Okay, masyado na naman ako advance mag-isip.
Lumabas ako sa fitting room na suot ang red halter dress.
"What do you think?" I posed like a model.
"Sienna, meet the parents. Not going to the club. Palitan mo!" Digusto ni Zoe.
Lumabas ulit ako suot ang yellow maxidress.
"Eto?" Ni-model ko iyon na may kapares na sun hat.
"Girl, it's not even summer. Go and change it!" Si Liv, sa maarteng boses. Tinulak niya ako pabalik sa loob ng fitting room.
Napairap ako sa kanila bagi bumalik sa fitting room. Tiningnan ko ang huling damit na napili ko.
Napangisi ako. This time I will make it.
"Here!"
Minuwestra ko ang suot kong babypink lace dress. Pinaikot ko ang sarili ko para ipakita ang buong details ng dress.
"What do you think, girls?" I asked again.
Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkamangha.
"Perfect!" Sabay nilang sambit.
***
Mabilis na bumaba ako ng hagdan nang malaman ko nasa labas na si Gael para sunduin ako. Partida naka-high heels pumps pa ako.
"Dahan-dahan, hija. Madadapa ka niyan." Paalala ni Manang Loida.
"Okay na ba itsura ko, manang?" Inunat ko ang damit ko pababa. Pqgkatapos ay pinasadahan ko ng haplos ang straight at mahaba kong buhok.
"Maganda ka na, hija. O siya, at naghihintay na si Gael sa labas." Inabot sa akin ni Manang ang box na may laman na cake. "Eto, baka makalimutan mo."
Natuwa ako nang makita iyon.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...