Mag-ala-sais na ng gabi. Alam ko kapag ganitong oras ay tapos na ang duty niya. Naisipan ko puntahan siya sa coffee shop kung saan siya nagpa-part time. Balak ko siya sopresahin ngayon.
Ang alam niya ay nasa bahay lang ako at hinihintay ang pagdating niya. Sabado ngayon at napag-isipan niya pumunta sa bahay after duty niya para mag-aral kami. Well, I didn't intend to study, I just wanted to see him today. That's why.
Pagpasok ko sa shop ay dire-diretso ako pumunta sa counter. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ako.
"Hi, ma'am what's your order?" Bati ni Gael, na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi.
"Pwede ko ba ma-order iyong gwapong lalaki sa harapan ko?" Sabi ko, I plastered a normal face to him.
Pinipigilan huwag matawa sa sarili kong kalokohan.
Bahagya nilapit ni Gael ang mukha niya sa mukha ko. Nagpapasalamat ako at walang kasunod na customer sa likod ko. Isipin nila naglalandian kami.
"Any additional, ma'am?" Napapaos na tanong pa niya.
"Gusto ko kasing sarap niya." Hindi ko na napigilan matawa sa sinabi.
"Hintayin mo ko. Mag-out na ko." Hinalikan niya ako sa pisngi.
Umupo ako sa isang corner para doon hintayin si Gael. Nakakapagtaka lang at maraming tao ngayon. Karamihan ay puro mga kababaihan pa.
Hindi nagtagal ay lumapit na sa akin si Gael. May dala siyang drinks para sa amin. Doon ko lang napansin na kay Gael sila nakatingin. Nakita ko rin kung paano nila sundan ng tingin ang boyfriend ko. May narinig pa ako nagbubulungan.
Now I know, kung bakit maraming mga girls ang nandito. Having a good-looking boyfriend was not a good idea, sometimes.
Pasimple ako napairap. Mainggit sila.
"Hindi ko akalain na pupunta ka. Sana hinintay mo nalang ako sa inyo." Sabi niya nang umupo siya sa tabi ko.
"Na-bored kasi ako. Besides, I miss you." Tugon ko. Sinandya na lakasan para marinig ng mga babae ang sinabi ko.
Namilog ang mga mata ko nang panggigilan ni Gael ang ilong ko. I pouted my lips. Kunwari ay nasaktan ako.
"Cute." Sambit niya sabay inom ng
"Jerk!" I said back to him. Sabay naglakad palabas ng shop. Napansin ko sumunod si Gael sa akin.
Actually, sinandya ko talaga lumabas para iiwas si Gael sa kanila. Nako-conscious na kasi ako sa mga babaeng pasimple tumitingin kay Gael at sinusubukan tawagin ang pansin niya.
Alam ko gwapo ang boyfriend ko. Tuloy ay parang invisible ako sa paningin nila. Mabuti nalang sa akin naka-focus ang atensyon ni Gael. O sadyang, patay-malisya lang ang hudyo.
"What's that?" Nagtatakang tanong niya nang habulin niya ako at hawakan sa kamay.
Lihim ako napangiti. This time, solo namin ang isa't-isa.
"Ikaw, ha! Hindi ko alam na may mga fangirls ka na. Kaya pala napapansin ko lagi ka nag-oovertime!" Kunwari ay mataray kong sabi at tinalikuran siya. Pero imbes na aluin niya ako, nangiti pa siya.
"I can hear a jealously in your voice." Pang-aasar pa niya.
"No, I'm not. Why would I be jealous? I'm your girlfriend, not them." I answered him, confidently.
Nakita ko mas lalong lumapad ang ngisi niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinungo namin ang motor niya.
"Asset daw ako ng coffee shop. Kaya gustong-gusto ako ng visor namin kapag nagdu-duty ako. More customers, more income. Wala eh, gwapo ang boyfriend mo." Paliwanag ni Gael, sinusubukan pagaanin ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Hate That I Love You
RomanceSiena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an only child. Maliban nalang sa puso ng taong gusto niya - si Dean Chavez. Lahat ng paraan ay ginawa n...
