Simula

1.4K 98 30
                                    

Sa isang liblib na lugar pinili kong gawin ang aking misyon, labag man sa aking kaluoban ngunit kelangan, sayang din naman yung perang makukuha ko dito, pero pagkatapos nito, hindi ko alam kung magiging maayos ba ang takbo ng buhay ko.
Ayan na sila...
Nagtago muna ako dito sa puno kung saan hindi agad nila ako makikita.
Nagpalinga linga muna sila sa paligid at tila nagmamasid ng mabuti.
Ganyan nga.
Dapat maging handa kayo.
Napangisi ako nang bumunot na sila ng kani-kanilang mga armas. Playing dirty eh? Akala ba nila na sila lamang ang may kayang gumawa niyan.
Inilibas ko ang aking mga maliliit na shuriken.
At nag tyempo muna, nang tumalikod na sila sa'kin, isa-isa ko nang hinagis ang shuriken papunta sa direksyon nila, at sapol sa likod at sa iba't-iba pa nilang katawan, napa tumba naman ang iba ng matamaan sa hita.

"Sino ka?! Magpakita ka sa amin!" Sigaw nung isang lalaki na may tatlong tama sa likod, urrgh sarap ng sigaw niya, nakaka indak.

"Lumabas kang hayop ka!! O baka naman naduduwag ka lang?!" Segunda pa ng isa na may tatlong tama sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Napangisi ako ulit, ako? Naduduwag? Huh! Not in my vocabulary.. Lumabas na nga lang ako sa pinagtataguan ko, at tama nga ang nasa isip ko, tinutok nila sa akin ang kanilang armas pfft nakakatawa ang mga itsura nila, nanggigigil ako, nangangati mga kamay ko, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng may misyon, misyong pumatay ng mamamatay tao. Ang grupong ito ay isa sa high valued targets ng mga pulisya, pero lumilipas lang ang mga panahon pero hindi parin nila nahuhuli ang grupong ito, kaya ini assign na nila ito sa akin, ako ay isang secret agent, hindi ako kilala sa mundo ng mga agent, kasi iba ako sa kanila, espesyal ako ika nga, at hindi din kasi ako basta basta tumatanggap ng misyon.

"Sino ka?! Anong ginawa namin sayo?!" Urrgh sigaw pa,mas lalo akong nagaganahan.

"Who am I? Just call me Lady X" Sabi ko tapos naglakad ng mahinhin papunta sa kanila,nagsi kasaan naman sila ng kanilang mga armas. *bang *bang *bang huminto muna ako, nakita ko namang nanlaki ang kanilang mga mata.

"HAHAHAHAHA" tawa ko

"Akala niyo ba mapapatamaan niyo ako?" Nakangisi kong tanong at tinignan sila isa-isa hmmm sampu pala sila. At alam ko may lima pang nagtatago sa mga puno, at maya-maya may hahagis sakin ng kutsilyo, cheap.

"Demonyo! Hayop!" Nang marinig ko iyon ay bigla akong mas naganahan kaya mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon ng apat na iba pa na nagtatago sa mga puno, walang ibang narinig kundi ang paglagiti ng mga buto ng apat, yung isa binali ko ang mga braso, yung iba naman ay binali ko yung leeg.

"Aaaaahhh!!" Hmm his scream is like a symphony, ang sarap sa tenga. Tinira ko muna yung isa pang nagtatago sa isa pang puno, yung may balak na hagisan ako ng kutsilyo. Bumalik ako sa pwesto ko kanina paharap sa sampung may tama ng shuriken, yung iba nanghihina na, halatang nauubusan na ng dugo, tinignan ko ulit sila isa-isa at nakita ko iyung isang lalaki na nakatingin lang sa kawalan. Napwersa lang siyang pumunta dito sumali sa grupong ito, kita ko yun sa mukha niya. *shing pfft nasalo ko ang tinapong kutsilyo mula sa aking gilid, at agad ko din itong binato sa taong naghagis nun.

"Aaaaahhhh!!" Hiyaw niya alam ko sa tyan niya iyun tumama. Hayys ang hihina naman pala ng inassign sa akin. Naglakad ako papunta sa direksyon ng lalaking tinukoy ko kanina. Habang naglalakad ay nakatingin lang sila sa akin, nung malapit na ako sa lalaki ay bigla siyang napatingin sa akin, bahagya pa akong nagulat ng malaman na ka edad ko ang lalaki.nakatingin lang siya sa akin habang hawak ang kaniyang braso na natamaan ng shuriken..hinigit ko iyung shuriken na nakatarak sa braso niya,pasikreto naman siyang napa impit..nabobored nako...sa isang kurap lang ay...

"Urggghh"

"Aaaahhh!!"

"Uuuhhhh!!" Yun nalamang ang aking narinig nang atakihin ko na sila,bakit kelangan pang patagalin, kung pwede namang madaliin. Nagkalat ang kanilang mga dugo at unti-unti ko na iyung naaamoy, binaling ko ang aking tingin sa lalaking tinukoy ko kanina, nanlalaki ang kaniyang mga mata, lumapit ako sa kaniya at sa tulong ng sinag ng buwan nakita kong namumutla siya, lumayo siya nung lumapit ako sa kaniya, tsk ano ba naman ito, kalalaking tao takot sa babae, uhuh you read it right I'm a girl then now what? psh..

"Don't worry boy, I won't kill you, kung sasama ka sa'kin mabubuhay ka, kung hindi? Papatayin nalang din kita" sabi ko na nakatingin lang sa kaniya, nanatili lang siyang walang imik ng ilang oras ngunit bigla naman siyang lumapit sakin at niyakap ako, wait what? Tapos naramdaman ko nalang na bumibigat siya urgh! Nawalan ng malay, pero hindi naman siya ganun ka bigat kaya binuhat ko na, nag ala lalaki pa ko tsk, by the way, why did I bring him? Nothing, there is just something about him that makes me feel interested on him, sa gabing ito, magsisimula ang aking kwento...

DemonGels Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon