Chapter 22: Ryzel × Clyde

214 29 20
                                    

This chapter is dedicated to kasi po tinulungan niya akong itama ang mga pagkakamali ko sa pagsusulat,salamat po sayo love love you❣

Note: Kindly play the music above to feel the emotions of our casts, thank you❣

**HER POV**

*air blows hmm ang sarap naman sa pakiramdam ng hangin dito, nandito ng pala ako sa tabing dagat sa may plaza, umalis nako sa hospital, kahit pa naka benda pa ang braso ko. Tsaka nakapag pasalamat naman na'ko dun sa nagdala sa'kin sa hospital.

"Kailan pa kaya 'to matatapos? Parang napapagod na'ko." Wala sa sarili kong sambit. Totoo nga kasi, napapagod na ang katawan ko, isipin niyo yung bato nabibiyak, yung robot sumasabog, yung metal napuputol, eh ako pa kaya na tao lang? Syempre napapagod din ako.

"Malapit nang matapos ang iyung problema ining." Gulat naman na napalingon ako sa katabi ko, hayys naman si lola oh nakaka gulat, sumusulpot nalang bigla, napahawak nalang ako sa dibdib ko.

"Uh lola nakakagulat ka naman po." Sabi ko sa kaniya, pero ngumiti lang ito.

"Pasensiya na ining, nakita lang kasi kita na ang lalim ng iniisip kaya lumapit na'ko." Sabi naman niya.

"Uh ganun po ba lola? Okay lang po, nagulat lang kasi talaga ako." Sabi ko naman tsaka nginitian siya, tapos maya-maya pa napatingin siya sa langit, ano naman kaya iniisip ni lola?

"Alam mo ining, kailangan mo'ng maging matapang, para malampasan mo ang iyung mga problema." Sabi niya, nanatili lang akong nakatingin sa kaniya, alam ko kasi di pa siya tapos eh HAHAHA.

"Hay na'ko, nga pala ining, wag na wag mong pagdudu-dahan ang iyung mga kasama, matuto kang makiramdam." Dagdag pa niya, huh? Uh ano ba naman 'tong pinagsasabi ni lola?

"Sa panahon ng pagsubok, kailangan mong maging matatag at kailangan mo din manalig, hindi lang sa Panginoon, kundi pati rin sa sarili mo, wag kang susuko agad, iyan lang ang maipapayo ko sayo ining." Sabi pa niya tapos ngumiti ulit, eh? Uhh bahala na, kahit di ko nakuha ang punto niya basta isasa isip ko nalang yun.

"Salamat lola." Sabi ko na lamang at nginitian siya, teka.

"Lola anong pangalan mo?" Natatawa kong tanong.

"Tawagin mo nalang akong Lola Ising." Nakangiti niyang sagot.

"Uh okay po Lola Ising, salamat po ulit." Sabi ko, ngumiti nalang siya bilang sagot.

"Nako Lola andito ka lang pala." Sabi ng isang batang babaeng kararating lang sa direksyon namin ni Lola Ising, apo niya siguro 'to. Tsaka siguro nasa mga 14 years old pa'to.

"Nagpapa hangin lang ako apo." Sagot naman ni Lola. Tapos napatingin naman sa'kin yung bata.

"Nako, pagpasensiyahan mo na po ang Lola ko ate, baka kung ano-ano na naman ang sinabi niya." Sabi nung batang babae at napakamot pa sa batok niya.

"Okay lang, wala naman siyang sinabing kakaiba." Nakangiti kong sagot.

"Uh ganun po ba? Mabuti naman, oh siya ate maiwan ka na namin ni Lola, hinahanap na po kasi siya ni mama." Paalam naman ng batang babae.

"Ganun ba? Oh sige, mag-iingat kayo sa daan ha." Malamya kong sabi.

"Sige po ate, paalam." Sabi pa niya, at tinayo na niya si Lola at inakay na. *Sigh ngayon, ano na? Hutek natatawa na'ko sa sarili ko.

"Ate ate." Napatingin naman ako sa isang batang lalaki na kumalabit sa'kin.

"Bakit baby?" Basta kasi mga gan'tong katangkad ang bata ay baby ang tawag ko HAHAHA siguro kapag tumayo ako, hanggang balakang ko lang siya.

DemonGels Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon