**HER POV**
Pagkatapos ko magbihis, nagsuklay nako ng maalala kong wala nga palang damit si Erzhon, so pumunta ako sa kwarto ni Christian, kapatid ko yun, minsan na din kasi silang pumunta dito tapos yung mga damit nila iniiwan nalang, binuksan ko na yung closet tapos kinuha ko yung black jacket, black pants at brief na din malinis naman to eh tsaka wala namang sakit yun, kung ayaw niya 'tong suotin edi bahala na siya, kinuha ko din yung sapatos ni Chris tapos lumabas na ng kwarto at pinuntahan yung guestroom kung saan andun si Erzhon *doorbell rang* tamad akong kumatok kaya lahat nalang ng kwarto may doorbell pfft, binuksan niya yung pinto at shemay, napa awang ng konti yung bibig ko nang makita ko siyang nakatapis lang ng tuwalya, uh wet look *blush hutekkk bakit ganito ang tama ko sa kaniya >_< inabot ko nalang sa kaniya yung damit at sapatos tsaka umalis urgh! Anong nangyayari sayo Ry? Tsk, pumasok nalang ulit ako sa kwarto at kinuha yung wallet, cp, car key at lumabas na.
"Tagal mo ah" abaa ang mokong mabilis din ah, nakita ko na siya sa labas ng garage naka sandig sa parang railings tapos nakahawak sa cp niya hmm nakikinig ng music, eh naka headset, hmm bumagay naman sa kaniya yung damit ni Chris.
"Buti nag kasya sayo" sabi ko.
"Hmm yea buti nga, nga pala salamat dito, uh okay lang ba ako magmaneho? Sabihin mo nalang kung san tayo pupunta" hmm not bad, hinagis ko sa kaniya yung susi, nasalo naman niya.
"By the way, you look cool" napa awang na naman yung bibig ko, hindi ako sanay na may nagkokomento sakin tungkol sa itsura ko, teka cool? Anong cool dito sa black sando, ripped jeans, and white shoes? Tsk bahala na nga siya.
"Hop in" dagdag pa niya tapos ngumiti, argh! Is he trying to tease me? Tsk never mind, pumasok nako sa kotse ko. Nang malapit na makalabas yung kotse may pinindot akong maliit na button sa gilid ng relo ko, at automatically nag sara na yung gate, napa tanga naman tong kasama ko. Nag 'what look' ako tapos umiling nalang siya. Then I just shrugged my shoulders. Nagmaneho na siya sinabi ko na din na dun kami pupunta sa mall namin, LION'S MALL.
Tahimik lang kami, walang nagsasalita, ano naman kasi sasabihin ko, wala din akong ganang dumada, pero minsan nakikita ko sa peripheral vision ko na sumusulyap siya sa gawi ko, pero di ko nalang pinansin, *minutes had passed* nandito na kami, pinark na niya yung kotse sa garahe alangan naman sa plaza :3 lalabas na sana ako pero nauna na siya, abaa excite- uhh bait niya ah, pinagbuksan ba naman ako ng pinto, tapos ngumiti siya uh shemay yang ngiti na yan, napairap na nga lang ako."Thanks" sabi ko nalang tapos lumabas na, naglakad na papasok sa mall, nakasunod lang siya sakin, yung mga tao naman tumitingin sa amin nakaka ilang lunggss ~_~
"Waaa boyfriend ba yan ni miss Ry? Ang gwapooo bagay na bagay sila."
"Oo nga noh waaa bet ko yung boy para kay miss Ry"
"Sheeet ang cool ni-"
"Will you guys, shut up? He's not my boyfriend okay?" Sabi ko na errr nakakaloka naman kasing pag usapan yun diba?
"Ayyy sayang, bagay pa naman sila ano?"
"Oo nga hahayss" nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, napansin ko namang nangingiti ngiti tong katabi ko, lumingon ako sa kaniya, at sakto din namang napatingin din siya sakin.
"Para kang baliw jan alam mo ba?" Sabi ko pero napa tawa naman siya, mahinang tawa lang.
"Sensiya naman miss Ry, nakaka tawa lang kasi expression mo" namula naman ako dun, ano bang expression ko? Luhh baliw yata tong kinupkop ko eh choour jokes lang.
"Nakakatawa.jpeg" nasabi ko nalang tapos kumuha na ng cart, pero..
"Let me" sabi niya at kinuha yung cart sakin, edi binigay ko na sa kaniya, tapos naglakad na ulit ako, nasunod lang naman siya eh, pero ayun na naman yung mga bulong-bulongan nila.
"Grabe ang gwapo nung lalaki pati na din yung babae ang ganda, mag jowa kaya sila?"
"Shunga alangan naman ano, malayo naman sa itsura nila kung magkapatid sila."
"Hmm sabagay, bagay sila ano?"
"Oo sinabi mo pa, hayys sana all" napasapo nalang ako nang marinig ko yun, itong kasama ko naman parang nag eenjoy pa, inirapan ko nga.
"Oh napano ka miss Ry?" Urrgh! Is he trying to piss me off?
"Will you stop calling me that way?" Naiirita kong tanong sa kaniya. Napa halikhik naman siya, tsk. Kumuha na ako ng mga school supplies na kelangan namin, nung makuha ko na lahat at nailagay na sa cart, naglakad na ulit ako, pero di ko na ramdam na yung presensya ni Erzhon kaya lumingon ako sa likod ko,
wala siya? Tsk asan kaya nagpunta yun? Bahala na nga siy-"Awww" daing ko ng mabangga ko yung nasa harap ko, tsk.
"Okay ka lang miss Ry?" Urrgh si Erzhon lang pala, tss. Inirapan ko nga, at di na siya pinansin.
"Hahaha pikonin ka pala Ry" rinig kong sabi niya sa likod ko.
"Kyaaahh ang sweet"
"Waaa sana all"
"Bagay na bagay sila" urgh binilisan ko na nga paglakad ko, at pumunta na sa food station, wala na nga din pala kaming stock ng pagkain. Nanakbo namang sumunod si Erzhon habang tulak yung cart nagmukha tuloy siyang bata, damulag, baby damulag pfft. Pero imbes na pagtawanan siya ng mga nakakita sa kaniya, pinuri pa siya, kesyo daw ang gwapo, ang cute, ang cool errr pero totoo naman tsk ano ngayon?
>>Fast forward<<"Humananp ka ng bakanteng upuan,ako na oorder ng pagkain" sabi ko kay Erzhon, andito kami sa food court nagugutom nako, hutek makulit palang nilalang itong kasama ko, kung ano anong ginawa *face palm
"Good morning Miss Ry, the usual?" Bati sakin ni Angel, yung nakatoka sa front desk, matagal ko na siyang trabahante dito kaya wala nang ilang feels choour. Kung ano yung 'the usual?' Yun ay spaghetti, three slices of mango float, orange juice, and a cup of rocky road ice cream, tapos isang apple, and obviously, meron lahat ng klase ng pagkain dito, may Korean foods, Japanese, Chinese at madami pa, kaya madaming nagsisikainan dito na mga dayuhan, patok na patok kumbaga.
"Yup Angel, pero samahan mo na ng cheese cake, halo halo, at doblehin mo na din yung spaghetti, orange juice, at apple, may kasama kasi ako." sabi ko tapos ngumiti, ganun naman dapat eh diba?
"Yun lang ba Miss Ry?" Nakangiti din niyang tanong, tapos tumango nalang ako. Pagkatapos nalista ni Angel ay umalis nako dun, at hinanap na si Erzhon, hindi naman ako nahirapan kasi kumaway kaway siya, so ayun naglakad nako papunta sa kaniya at umupo na, nangangalay na binti ko, tapos naghintay lang kami sandali at dumating na yung inorder ko. Napatingin pa siya sakin at napa tanong kung mauubos ko ba daw lahat ng inorder ko, tsk kahit ganto lang katawan ko malakas naman ako kumain noh pero nag ge-gym kaya ako pfft. So ayun kumain nalang din siya, tapos manghang mangha na parang bata. Tapos dumaan muna kami sa arcade, naghamon pa siya sakin ng basketball pero talo ko naman siya sa score na 50, 60 akin eh pfft nakakatawa yung itsura niya, pagkatapos nun umuwi na kami. Napagod ako ah, kaya sumalampak nalang ako sa couch pag dating namin sa bahay, sabi naman niya siya nalang daw magluluto ng hapunan kaya natulog nalang ako.
(AN: Heyooo mga kapuso! *wave my hands how was this first chap? Uh just leave your comments mga kapusoo then hit the vote button and share button love love you all, spread the love not the chicken legs, stay tuned, stay at home and don't forget to wash and sanitize your hands, and also, forgive me if you find some typos and grammatically errors, I'm just a beginner :> thank you all love love you ;3)
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
FanfictionDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...