**HER POV**
"Hey good morning Ry." Ngiting bati ni Alex sa'kin.
"Morning." Bati ko din pabalik, kakatapos ko lang maligo,sila bagong gising pa lang.
"Ang aga mo naman nagigising Ry *yawn." Sabi naman ni Ayesha na pumipikit pikit pa yung mata, may muta pa.
"Well, ganito nako ever since." Sagot ko habang sinusuklay ko yung buhok ko.
"Sana *yawn all*" Sabi ni Judy na may bitbit pang unan pero nakatayo na, weird but cute.
"Oi bitawan mo na yang unan mo, maligo ka na dun Dy(pronounced as Dee)" Sabi Ayesha, napa pout naman si Judy, ngunit binitawan naman na yung unan niya at pumasok na sa banyo. Sinuot ko na iyong thick eye glass ko, nagtataka ba kayo kung bakit ako nasusuot ng ganito? Well, wala trip ko lang
"Mauuna nako sa inyo." Sabi ko at sinuot na yung head phone ko.
"Sige sige." Ayesha na kinukuha iyung muta niya.
"Susunod nalang kami." Alex na nagsisipilyo. Tinanguan ko nalang sila tapos naglakad na palabas at ini on na yung headphone ko, then full volume, nga pala nasa mood ako ngayon kaya may sasabihin nalang ako about sa dormitory, actually lahat ng estudyante dito na may hawak na rank from 1 hanggang rank 10 ay may kaniya kaniyang dorm, bale ganito sa isang dorm, isang grupo ang umuukupa basta ba may hawak ka ng rank, iyung iba naman na wala pang mga rank ay nasa iisang dorm lamang, malaki ang dorm na iyun syempre kasi madami pa naman ang walang rank na hawak dito, kami ni Erzhon wala pa kaming rank na hawak ngunit sinabi ng Dean na pwede naman na daw kaming makisama sa mga may rank nang hawak, I don't know why pero mabuti na din yun, baka may masaktan lang din ako duon sa dorm ng mga wala pang rank, I can't control my patience pa naman kapag napasobra na ang isang tao.
"Hakkdhhs amxb."Ano yun? Parang may nagsasalita sa likod ko?
"Agatdjdksba." Hmm? Tinanggal ko nga iyung headphone ko tapos lumingon sa likod ko and there I saw them, the rank 1 and Erzhon.
"Good morning kako." Erzhon, uhh yun ba sinabi niya?
"Morning din." Tipid kong sagot tapos napatingin ako bigla kay Albert Einstein, simula nung nangyari sa cafeteria mas lalo pa siyang walang imik, di nga man lang nagsorry eh pero okay na yun, maliit na bagay.
"Bakit ikaw lang? Asan na yung mga kasama mo sa dorm?" Patty, asuss hinahanap naman niyan si Alex wews if I know nahuhumaling na siya kay Alex anoh.
"Miss mo si Alex?" Sabi ko nalang, napa kunot noo naman siya suss deny pa, almost a week na kaming nandito ni Erzhon, at sa mga nagdaang araw na iyun napapalapit na kami sa iba, tsaka tinuring na daw nila kaming kaibigan nila, well not bad, masaya naman sila kasama.
"Oo nga miss mo na siya noh? Natamaan na si playboy kay playgirl." Kantyaw pa ni Alien.
"Eh ikaw Alien miss mo din naman si Ayesha diba?" Sabi ko na ikinatigil naman niya at napatingin sa ibang direksiyon. Pfft nakakatawa, masiyadong halata noh.
"Sana all miss." Hirit naman ni Owen, hmm.
"Owen, miss ka na nga pala ni Judy." Sabi ko naman at nagsimula ng maglakad, sumunod naman na sila, iyung tatlong mokong kasabay ko, iyung dalawa naman nasa likod namin.
"Oi anong sabi mo Ry?" Pfft naniwala ba siya?
"Miss ka na din kako ni Judy." Pag uulit ko, napaawang naman yung bibig niya, kita ko lang sa peripheral vision ko.
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
Fiksi PenggemarDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...