**HER POV**
"Oi penge nga niyang kinakain mo Zel." Sabi bigla ni Patty, may panguso nguso pa siya.
"Hoy bumili ka dun, bat mo hinihingan si Ryzel kung pwede ka naman bumili?" Sabi naman ni Alien.
"Oo nga naman Patrick, bumili ka nalang dun." Segunda ni Owen, si Erzhon tumatawa tawa lang, si Albert Einstein tahimik lang na kumakain, gusto niyo malaman kung anong kinakain ko? Mabatong daan na ice cream lang naman, ewan ko ba jan kay Patty parang di pa nakakain nito kaloka.
"Grabe kayo sakin ah, nagpapa pansin nga lang ako kay Zel eh." Parang bata na sabi ni Patty, pfft muntanga, ang aastig tignan ng mga ito ngunit kung umakto ay parang mga bata, iniabot ko sa kaniya yung isang cup ng ice cream, nagning ning naman yung mga mata niya tapos naka buka pa iyong bibig, kala mo naman ay isang bata na binigyan ng isang ale ng pagkain.
"Abaa Ry dapat di mo binigay yan, sayo lang dapat yan eh." Alien
"Oo nga, ang unfair naman siya lang binigyan mo." Owen
"Pahingi din kami" Erzhon..napa sapo nalang ako sa mukha dahil sa inakto nila..
"Oi guys, ngayon nalang ulit naging ganyan yung rank 1 anoh?"
"Oo nga eh, sayang yung isang miyembro nila, noon ang saya saya pa nilang magkakasama tapos si Prince Albert ngumingiti pa yan."
"Yeah hindi lang ngiti, tumatawa pa siya, di tulad ngayon ang tahimik na niya tapos ang cold na din niya." Hmm? Anong pinagsasabi nitong mga ito? Nakaka curious naman, sino kaya yung isang miyembro nila? Napatingin nalang kami bigla kay Albert Einstein nung hampasin niya ang lamesa, uh nakaka takot iyong itsura niya, para siyang halimaw, di joke lang, well, para sa'kin di siya nakakatakot, matakot sila sakin pag ako yung nagalit choour, pero di nga ang cold at kakaiba yung aura niya, ramdam na ramdam ko iyun, pati na din galit, mahigpit niyang kinuyom ang kaniyang kamao.
"Fvck." Rinig kong sambit ni Owen na kapatid niya, hindi ko alam pero nakita kong tumayo silang tatlo, except samin ni Erzhon.
"Ryzel get the hell out of your position right no-" Hindi na natuloy ni Owen ang sasabihin niya nung biglang inangat ni Albert yung lamesa at binalya iyun sa harap namin, si Erzhon naka alis na agad bago pa ito tumama sa'min pero ako hindi agad ako nakaalis lutang ako, kaya tumama sa'kin iyung gilid ng lamesa, urgh shvt ang sakit ng tiyan ko pvta, napahawak nalang ako sa tiyan ko, hindi ko din magawang tumayo.
"Fvck Ryzel/Zel/Ry." Rinig ko nalang na tawag nina Erzhon, Alien, Patty at Owen, bago ako nawalan ng ulirat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napamulat nalang ako nung may kumakalikot sa kamay ko, teka asan ako? *lingon *lingon uhh clinic, napatingin nalang ako dun sa taong kumakalikot sa kamay ko, nakayuko ito pero kilala ko iyong hubog ng katawan niya."Erzhon." Napatingin naman siya agad sakin nung marinig iyong boses ko.
"Ry, ano? Kumusta? Anong nararamdaman mo?" Sunod sunod niyang tanong, luhh anyare dito? Pinakiramdaman ko yung sarili ko, wala namang masakit.
"Okay na ko." Sabi ko nalang, napabuntong hininga naman siya, teka ano nga yung nangyari? Tinignan ko muna iyong kamay ko na hawak pa niya, ahh ehh ihh ohh uhh, tinanggal niya naman yung pagkakahawak niya sa kamay ko, errm ilang feels.
"Uh sorry, buti naman okay ka na." Sabi nalang niya tapos binawi na yung tingin niya sa'kin, maya maya pa may kumatok sa pinto. Tumayo siya tapos binuksan yung pinto, tapos pumasok sina Alien, Patty at Owen. Bakas sa mukha iyung pag aalala nila.
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
FanfictionDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...