**ERZHON'S POV**
Two days had passed, but until now there's no trace of Kier and Czarina, yea Czarina na tawag namin sa kaniya though minsan may isa sa'min na Ryzel ang nababanggit. Ewan ba kung bakit nabago yung tawag namin sa kaniya, pero yun naman kasi ang real name niya.
At sa dalawang araw din na yun, napariwara si Clyde, lagi na daw sa mini bar ng bahay nila at naglalasing magdamag sabi ni Owen. Hayys ano ba naman magagawa namin? Ayaw kami kausapin eh pati nga parents niya hindi din pinapansin.
Habang si Alex naman medyo okay na, tinutulungan nalang namin na mabalik yung memories niya. Buti nalang at walang nangyari sa'min nung araw na yun, at buti nalang din di malakas trip nung gagvng Kier na 'yun at di kami pinadalhan ng sandamak mak ding mga tauhan niya. Okay na din naman na sina Ayesha at Patrick, nag-aalala na din sila kay Czarina.
Ganun din naman ako noh, tsk biruin mo mag sasampung detective na ang binayaran ni Mrs Light pero ni isa sa kanila wala pang nakakahanap sa kanila. Mababaliw na kami dito! Baka kung ano ng ginawa nung hayop na Kier na yun kay Czarina.
"Hey any traces?" Tanong ni Clou kay Cloud na wala na ding pahinga sa paghahanap sa dalawang yun.
"Still nothing." Sagot ni Cloud at napasabunot nalang.
"My ghad, untraceable padin. Let's just pray na walang masamang ginawa yung gagvng yun kay Czarina." Inis naman na sabi ni Clou. Nanatili nalang akong walang imik, ano naman kasi sasabihin ko diba? Tsk. Sana lang... Sana lang walang masamang nangyari sa kaniya.
**KIER'S POV**
*Sigh andito ako ngayon sa hospital kung saan ko dinala si Lady Cobra, the truth is... I don't want to kill her. Tell me, kapag ba mahal mo ang isang tao papatayin mo? Hindi diba?
Lahat ng yun? Yung mga ginawa ko sa mga kasamahan niya? Trip ko lang yun Oo trip kong ilayo siya sa kanila, naiinggit ako, gusto ko ako lang ang kasama niya at makakasama niya, kaya nilayo ko siya, gumawa ako ng paraan para malayo siya sa kanila. Nakakatawa ba? Bahala na kayo basta ang gusto ko lang makasama ang babaeng mahal ko at handa pa akong pumatay para lang makasama ko siya.
Pano nga ba nangyaring minahal ko ang babaeng 'to?
(AN: Di ko na po lalagyan ng flashback, bale ikukwento nalang lahat ni Kier jan hehe sana po maintindihan niyo😅 Enjoy reading❣❣)
Nagsimula ang pagmamahal ko kay Ryzel or should I say Czarina nung unang laban namin sa kaniya sa GW. Damn! She's so good at fighting, car racing and even motorcycle racing. Bilang lalaki mapapahanga ka talaga sa taglay niyang galing. Well maybe hindi mo pa matatawag na LOVE yun, CRUSH pa. Pero mas lumalim naman lahat ng yun nang sunod sunod ko na siyang pinapanood sa bawat laban niya, walang pagbabago, magaling padin, para saan pa't naging reyna siya ng GW, lahat ng rules gawa niya marami namang sumunod pero marami ding hindi, at isa na dun ang grupo namin.
Pilit kong kinakausap si Clyde at sinasabing wag nalang namin kalabanin si Lady Cobra, pero di siya nakikinig sakin, binalak niya pang kunin ang trono ni Lady C. At dahil isang membro lang naman ako, wala akong nagawa, mahina lang din ako, anong laban ko sa pinsan ko? Tsk.
Hinayaan ko nalang siya sa lahat ng plano niya, hanggang sa yun nga hinamon na naman niya sa laban si Lady C, di namin alam na yun na pala ang huling laban namin sa kaniya.
I smiled nang barilin niya ko. Kasi akala ko mababantayan ko na siya habang buhay, pero nag iba naman lahat dahil sa VJ na 'yun, dinumihan pa niya ang utak ko, nadala narin ako sa galit ko. Well masakit naman nung nalaman ko na pinatay pala ang mommy't daddy ko pero lahat na ng sumunod ay alibi nalang.
Nabuhayan ako nang mabigyan ulit ako ng pagkakataong makita ang babaeng mahal ko. Kaya ginawa ko lahat, pati pa ang pagpahamak sa mga pinsan ko nagawa ko para lang makuha ang babaeng 'to. Yung mga sinabi kong paghihiganti? That was an alibi, though I wanted to take revenge for my parents but I didn't take it seriously.
Hindi ko naman kasi gusto ang parents ko, alam ko na ang dumi-dumi ng budhi nila, alam ko din na kinukurakot nila ang pera ni Rina Light. Pero lahat ng pinakita ko kay VJ ay isang alibi lang din. Ginamit ko lang naman yun eh, para magawa ko lahat ng plano ko, at para na din makuha ang babaeng 'to.
Yun lang naman lahat, ngayon... Galit din ba kayo sa'kin? Mali ba lahat ng ginawa ko? Bahala na kayo, basta ako ginawa ko lang lahat ng yun para makuha ang pinakamamahal ko.
"I am willing to do everything just to have you in my side."
"Sir mabuti na ho ang kasama mo, pero kailangan lang muna niya ng pahinga." Sabi ng nurse na naka assign kay Czarina. Tinanguan ko lang siya. Tsaka binayaran ko yung doctor dito, pinaturukan ko si Czarina ng benzodiazepines para magka amnesia siya, makalimutan lahat ng mga naging parte ng buhay niya.
Ganyan ako ka desperado, masisisi niyo ba 'ko? Tsk.
"Paggising mo, ako na ang mahal mo Aleya Dela Cruz." Yan, yan nalang ang ipapangalan ko sa kaniya, balak ko din na bagohin ang hitsura niya pero aysh! Ewan siguro papagupit ko nalang yung buhok niya.
At kung nagtataka kayo kung ano talaga ang nangyari the past two days? Ako ang bumaril sa kaniya sa braso, sinadya ko talaga na silencer ang gamitin para di niya masangga, alam ko naman kasi na ang lakas ng pandama niya. Tapos yung bala nilagyan ko yun ng lason, pampahina lang sa katawan niya at para na din makatulog siya, at lumabas na agad ako pagkatapos kong utusan ang tauhan kong buhatin si Aleya.
Patawarin man nila ako o hindi, wala na akong pakialam dun, basta ngayon, kasama ko na siya, itatago ko siya, at ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal ko, hihigitan ko ang pagmamahal ni Clyde dito.
"Hmm." Napatingin naman ako sa kaniya, magigising na siya. Lumapit na din ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya.
"Hey, what do you feel?" Tanong ko, tumingin siya sa'kin at tumitig tapos napakunot ang noo.
"Uh what is this place?" Tanong niya, napangiti nalang ako, buti hindi pumalpak yung drugs.
"You're at the hospital, I brought you here after you fainted." Malambing kong sagot.
"Uh okay... Who am I?" Tanong niya ulit, nginitian ko siya at hinalikan sa noo.
"Aleya, Aleya Dela Cruz is your name." Nakangiti kong sagot. Napatango naman siya.
"And who are you?" Kunot noo na naman niyang tanong.
"I am your boyfriend."
(AN: Hello there my dear reader😘 oh diba nabulol kayo mwehe.. Sana po magustuhan niyo ang chap na'to hehe sarrey ikli lang, syempre nambibitin eh. Enjoy reading po!!! Btw nakaka enjoy ba?😞
Ajaaa!! Stay healthy po!!! Stay safe! Stay at home! Stay with me kasi hindi ako nang iiwan! Chouur hayys baliw na'ko oh siya! Stay tuned nalang po!! Have a great day! God bless!! *sending kisses bye² love love you all❣❣)
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
FanficDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...