Chapter 33: Kier's Plan

181 14 0
                                    

**KIER'S POV**

"Can we make it in time?" Tanong ni Judy, oh yea you read it right. Okay na ako sa kanila, nakipag video call ako sa kanilang lahat kanina pagkatapos namin mag usap ni Czarina, buti nga at na access ko agad sila at pinapunta ko silang lahat dito sa bahay ko.

Pati sina Tita Whirey, si Miss Rina, yung tatlong Lion, at basta ang wala lang si Clyde. Pero syempre bago ko sila pinapunta sa bahay, hinintay ko munang umalis si Czarina, sabi niya kasi pupuntahan niya yung tita niya, yung nanay ng mga Lion.

So ayun nga, nung umalis na siya saka ko pa nakipag vc nako sa kanila, ayaw pa nga nilang sumipot eh, pero kinumbinsi ko muna sila. Tapos nung nandito na silang lahat, nasuntok pa muna ako nina Owen, at Patrick, syempre inasahan ko na yun, pinahamak ko naman daw ba mga jowa nila, pati pa pala si Erzhon naki suntok din kaya ayun putok na labi ko buti nga napatigil ng mga babae.

Pero nang tumigil na yung dalawa, mga babae naman yung sumugod sa'kin! Sinabunutan daw ba ako gagv, kala ko matatanggal na ang anit ko. So ayun nang mahimas masan na sila, umupo nalang kaming lahat sa salas at pinaliwanag ko na lahat lahat ng kagagohang nagawa ko, pati na yung pagpapa inom ko kay Czarina ng drugs, ayun naiyak si Miss Rina, tapos muntik pa nga akong batohin nung maliit na flower vase ni Alex eh kaso napigilan naman agad siya ni Miss Rina.

Tapos sinabi ko na 'yung plano ko para kina Czarina at Clyde, natuwa naman sila. Kaya ito kami ngayon sa resort na pinag may-arian lang din nila Czarina, tapos mahilig naman siya sa garden kaya ito nalang ang napili kong spot tapos malaki din naman ang space.

Si Czarina walang kaalam alam dito, syempre naman diba? Bobo ko naman. Pero pinasundan ko kasi siya kina Cloudette at Alex, at sinabihan na mag mall at magbihis sila into a simple floral dress, bale lahat kami mamaya ang suot ay may mga bulaklak, parang sa wee wee lang. (AN: Tama ba yung wee wee? Nakalimutan ko eh! HAHAHA) so sina Ayesha at Judy lang yung babae dito. Ayaw pa nga pumayag ni Erzhon na si Cloudette ang sasama kay Alex kasi buntis yun pero pumayag naman si Cloudette kaya wala nang nagawa si Erzhon.

"We can make in time, kunti nalang naman." Sagot ko nalang, at napabuntong hininga, ang hirap din nitong desisyon ko mga pre noh, mahal ko 'yung tao pero itong ginagawa ko para sa kanilang dalawa, tsk bahala na. Kung saan siya masaya, susuportahan ko nalang siya.

"Hayss sige na nga, Yeshaaa pahingi nga nung balloon." Sabi niya nalang. Yung mga lalaki naman inaayos na yung lights, ako naman inaayos na yung ipapatugtug mamaya. This could be an unforgetable moment... For me.

**HER POV**

"Abaaa lumalaki na tummy mo Clou!" Sigaw ko nung makita ko sila ni Alex na papalapit sa'kin, nandito kasi ako sa puntod ni Tita, dinalaw ko lang, ang tagal na kasing di ko 'to nadalaw.

"Syempre naman, alangan namang maliit lang lagi diba?" Natatawa niyang sagot, tumayo na'ko at pinagpag na 'yung pants ko.

"Gaga ka sis, nambabara ka na ah." Sabi ko nalang, tapos nabigla nalang ako nung yakapin ako nitong dalawa. Alam na nila, pinaalam na siguro ni Kier, syempre sino pa ba magpapa alam sa kanila eh wala pa naman akong balak na sabihin sa kanila? Pagtitripan ko pa kasi sana sila BWAHAHA ehermm joke lang.

"We missed you." Sabi ni Clou. I hugged them back tightly, yup namiss ko din 'tong dalawa.

"Gaga ka sis alam mo ba? Pinag alala mo kami." Shunga naman 'tong si Alex, pero buti naman at bumalik na 'yung ala ala niya. Kasalanan ko pa naman kung bakit nangyari yun, hayyys.

"Sensiya naman anoh? Kasalanan ko bang ipanganak akong maganda kaya napag tripan ako ni Kier?" Natatawang sabi ko pero kinutungan lang ako nitong dalawa nang kumalas sila sa yakapan namin. Sakit kaya hmp.

DemonGels Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon