**HER POV**
"Hmm ang bango naman nun." Rinig kong sabi ni Ayesha na kakapasok palang sa kusina kung saan ako ay nagluluto ng almusal.
"Grabe ka Ry, bakit mo ba kasi yan ginagawa eh pwede naman tayong mag order nalang." Sabi naman ni Alex, duhh order? Kahit mapera ako ayoko na pinangbibili lang ng kung ano, gusto ko yung sarili kong luto.
"Nuhh just let me do it Alex, I just love cooking than ordering foods." Sagot ko nalang, tapos kumuha na sila ng mga pagkakainan, si Judy na kakapasok lang din dumeritso nang magtimpla ng gatas, di kasi pwede na walang gatas sa umagahan diba?
"Nga pala, saan naman tayo ngayon?" Tanong ni Judy pagkatapos umupo na.
"Nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo kagabi, nag e-mail sa'kin yung leader ng rank 5." Hinto niya tapos tinignan kami, inilagay ko na nga lang iyung fried rice sa pinggan.
"Hinahamon niya tayo, I mean, si Ryzel." Napahinto naman ako sa pagsandok.
"Shvt kaya dapat di na natin to sinama eh." Sabi ni Ayesha.
"Oo nga, madumi pa naman maglaro ang grupong yun." Sabi naman ni Judy, pagkatapos kong malagay lahat ng fried rice sa pinggan, humarap na'ko sa kanila.
"I'll fight, ginusto ko namang sumama diba? Kaya wag niyo na sisihin sarili niyo." Seryosong sabi ko, napa buntong hininga naman sila.
"Give me the information about them." Saad ko ulit.
"But let's eat first, I'm hungry." Patuloy ko, kaya nagsi upuan na kami at nagsimula ng kumain, walang nagsasalita, tanging tunog lang ng kutsara at pag nguya ang maririnig.
**AYESHA'S POV**
Napatingin ako kay Ryzel habang kumakain siya, sigurado ba siya na lalaban siya? Eh napaka panganib ng grupong yun, galing sa rank 10 madali lang nila nakuha ang rank 6 to 9, natatakot ako para kay Ryzel, hindi naman ako takot na makuha nila ang rank naming, pero pag may nangyaring masama kay Ryzel, mananagot kami kay Clyde. Pinangako pa naman namin sa kaniya na babantayan namin si Ryzel, ka alyansa namin sina Clyde pero wala silang karapatan na mangialam sa laban naming, rules yun ng GW kahit pa ka alyansa mo ang isang grupo pero iyung nanghamon ay hindi pa, wala kang karapatan na mangialam sa laban, *sigh sana lang walang masamang mangyari kay Ryzel kundi mananagot talaga kami, may tiwala naman ako kay Ryzel pero di ko parin maalis ang takot.
"Hey you okay?" Napakurap naman ako.
"Uh y-yeah sorry may naisip lang." Sagot ko nalang tapos kumain na. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko ng maghugas ng mga pinagkainan si Judy. Sina Alex at Ryzel andun sa kwarto, pag uusapan ang plano para mamayang 7, shvt parang di pa kami makakabalik, hindi parang, hindi na talaga, 6 pm palang kasi dapat andun na kami sa D.A *sigh
"Oii napano ka sis?" Tanong ni Judy.
"Hindi ka ba nag alala kay Ryzel para mamaya? Lagot tayo kay Clyde pag may nangyari dun diba?" Sagot ko, napahinto pa'ko sa pagsabon.
"Aiish oo nga pala shvt, pero may tiwala ako sa kaniya, alam ko kaya niya yun, pero kung may mangyari man, handa na'ko para sa parusa ni Clyde." Seryoso niyang sabi, tsk sana kasi di nalang nabanggit lahat ng to kay Ryzel eh.
**ALEX'S POV**
"Rank 5, known as Tricky Gang, leader Joshua Reyes, have 10 members, have 4 alliance." Rinig kong basa ni Ryzel, wala akong nakikitang takot sa kaniya, saya at excitement ang nakikita ko sa mukha niya.
"Ry, mind if I ask some question?" Tanong ko, curious na talaga ako sa pagkatao niya, di kaya katulad din namin siya? Teka, yung mga galaw niya sa pakikipag laban kay Chande, yung pag ikot niya sa hangin, napatutop ako sa bibig ko, hindi kaya, siya si.
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
Fiksi PenggemarDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...