**HER POV**
*Sigh hanggang ngayon, di ko pa kaya na harapin sina Ayesha, sabi pa nga ni Chris, kapag binabanggit nila ang pangalan ko, nawawala sa mood si Ayesha, well pati na din si Patrick. Wala naman akong magagawa dun kasi kasalanan ko naman talaga.
"Hey, you okay?" Napalingon naman ako kay Erzhon na kakadating lang, andito ako ngayon sa garden ko, at naka upo sa swing. Kapag may problema ako ito lang ang takbuhan ko, except nung buhay pa si mom- tita kasi takbuhan ko yun pag may bumabagabag sa'kin.
"I'm fine." Tipid ko nalang na sagot, ayaw kong ginugulo ako eh sensiya naman. Umupo naman siya sa katabi kong swing.
"Don't lie, just speak it up." Sabi niya. Tapos tumingin siya sa'kin, kita ko yun sa peripheral vision ko HAHAHA LOL walang nakakatawa.
"Did they hate me?" Tanong ko, napa isip na kasi ako nun, gusto ko lang makasigurado tsk.
"Nope, maybe they're just got carried it away." Sagot niya, napabuntong hininga nalang ako. Tapos tumingin sa langit, mom-tita, if you're just here, I know you can give me an advice and cheer me up.
"Okay just let it flow." Nagulat naman ako sa sinabi ni Erzhon, tapos dun ko pa naramdaman na umiiyak na pala ako, it's funny kasi ngayon lang ako umiyak sa harap ng lalaki, I mean yung may bumabagabag sakin na nagpapa iyak din sakin, ngayon lang 'to. Hindi ko na pinunasan ang mga luha ko, hinayaan ko nalang ito'ng umagos, hindi ko rin alam kung bakit pero kasi... Ewan! Di'ko alam kung bakit ako umiiyak!
"You can punch me anytime." Rinig kong sabi niya ulit, pero di ako lumingon, kinuyom ko lang yung mga kamao ko.
"C'mon Ry just pun-aww." Daing niya, sinapak ko po siya, sarrey. Tinulungan ko nalang siya tumayo, pffft.
"Geh lang kung yan makakapag pagaan sayo." Sabi niya habang hawak ang panga.
"Sorry." Sambit ko, tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila palapit sa kaniya, ano... Nakahiga kami ngayon... Tapos siya naka ano... Naka yakap lang naman hehe pero kasi nasa ibabaw niya 'ko.
"Che! Ano ba bitawan mo nga ako!" Sabi ko at pilit na kumawala sa mga bisig niya, pero wala ang lakas ng kapit mga mare parang linta lang HAHAH- errm wag niyo isipin na gusto ko 'tong position namin ah.
"Dito lang muna tayo, marami pa'kong gustong sabihin sayo." Sabi niya, tapos tumagilid siya kaya ang labas, kaharap ko ngayon ang dibdib niya umuuu joke, ang bango Joke... Oo nga mabango...
"Much better?" Tanong niya, tapos hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin, ano ba 'yan, teka nga sino ba talaga gusto mo Ryzel? Uh HAHAHA pvtangina wala wag niyo ng isipin yun ah.
"Much better your ass, di ako makahinga." Sabi ko nalang. Tapos niluwagan naman niya, wews.
"Ry manhid ka ba?" Nanlaki nalang ang mga mata ko sa tanong niya and at the same time napakunot na din. Ano bang pinag iisip nitong mokong na'to?
"Hindi mo ba ramdam?" Sunod naman niyang tanong.
"Ano bang pinagsasabi m-" Di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla siyang dumungaw sakin, bale ngayon ang lapit lapit na ng mukha niya sa mukha ko, yuyuko na sana ako kaso nahawakan na niya yung chin ko at itinaas yun.
So iniwas ko nalang ang mga tingin ko, alangan naman lukatin niya pa mata ko diba? Hehe peace.
"Sagotin mo nalang yung tanong ko." Sabi niya.. Ano bang isasagot ko?
"Nuhh just never mind about that, alam ko naman na, na siya ang gusto mo." Sabi niya ulit, tapos niyakap ulit ako ng mahigpit. A-Ano bang pinagsasabi nito?
"O-Oi napano ka ba? Hahaha." Tanong ko nalang at piniki ang tawa. Pero nanatili pa din siyang nakayakap. Tapos naramdaman ko pang hinimas himas niya yung ulo ko. Hayys alam ko naman eh.. Alam ko yung punto niya, I'm not numb, maybe an idiot, kasi mas pinili ko yung taong nagawan ko ng pagkakamali kesa kay Erzhon na wala na'kong atraso. *sigh
"I like you." Sabi niya. Pero parang may kasunod pa yun kaya di muna ako umimik.
"No... I love you, but I know you can't love me back the way I love you." Sabi pa niya at tumawa ng pagak. Ano bang gagawin ko? Well, yea nung una, nahulog na'ko sa lalaking 'to. Pero ewan.. Nawala nalang urgh! Bakit ba ganun? Kapag nagmamahal ka andaming problemang kelangan dumating?! Di ba pwede na magmahal lang? Ano ba yan!
"I'm sorry." Tanging sagot ko nalang, ano pa bang dapat kong sabihin? Hayss naman eh.
"It's okay." Sabi niya tapos dumungaw ulit sakin, ngumiti din.
"C-can I k-kiss y-you?" Nakakatawa yung itsura niya pero nakakakilig HAHAHA kayo na nga lang dito dali! Di joke lang wag niyo agawin 'to! Akin lang 'to! Chouuur baka ipakulam niyo ko HAHAHA aheerm. Namumula kasi siya tapos iniwas yung tingin oh diba? Sige imagine niyo kikiligin kayo panigurado.
"You're blushing." Sabi ko tapos ngumiti, mas lalo naman siyang namula.
"HAH-hmp" Linchak alam mo yung tatawa ka na sana pero bigla ka nalang niyang hinalikan? Ito yun eh nanlalaki ang mga mata ko habang siya nakapikit lang.
**ERZHON'S POV**
I can't believe this, I'm now kissing her passionately, and hell... She's responding fvck ang tagal ko nang hinintay ang pagkakataong 'to, parang nabunutan ako ng tinik, ang sarap sa pakiramdam na, nayakap at nahalikan mo na yung taong mahal mo.
Pero ganun nalang ang sakit na bumalik sa'kin ng mapansin kong... Umiiyak siya, bakit? Huminto na'ko at tiningnan siya na hindi makatingin sa'kin, at umiiyak. Napayuko nalang ako. Hindi ako, kahit kalian, hinding hindi magiging ako ang mamahalin niya. Tumayo na'ko, at napangiti nalang ng pagak, bakit nga ba? Bakit nga ba inisip ko na sa oras na halikan ko siya ako ang pipiliin niya? Bullshvt!
Lalakad na sana ako kasi ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya pero bigla nalang siyang yumakap sakin, back hug. Napayuko nalang ulit ako, gusto ko siyang maging akin, pero alangan namang pilitin.
"I-I'm r-really sorry." Sabi niya, oo na alam ko naman na eh HAHAHA pvtang pag-ibig naman kasi bakit kelangang may kahati pa.
"Alam mo, naiinggit ako sa kaniya, kasi siya ang pinili mo, at hindi ako." Sabi ko nalang tapos tinanggal ko na yung mga braso niya sa bewang ko at hinarap ko siya. Umiiyak pa nga, nginitian ko siya at pinunasan ang pisngi niya.
"I'm thankful kasi nakilala kita Ry, tsaka kinupkop mo pa'ko, but don't worry. I'm fine, as long as you're fine too." Huminto muna ako, siya naman nakatingin lang din sa'kin.
"And I'm happy, if you're happy too. Just remember one thing, I'm always here with you, hinding hindi kita iiwan, I promise I won't ever gonna live you, I'm still in your side at handang damayan ka, protektahan ka kahit di mo kailangan ng tulad ko, at isa pa.. Handang mahalin at saluin ka kapag pinakawalan ka niya." Pagpatuloy ko at ngumiti ulit, tapos niyakap ko na siya.
"Wag ka na nga umiyak, para kang bata." Sabi ko nalang, umiiyak pa kasi ano ba yan.
"Promise mo ah, di mo'ko iiwan." Sabi naman niya, HAHAHA kahit masakit okay lang, mahal ko eh. Ganiyan naman talaga dapat diba? Hayys ewan, magkakaiba naman kasi tayo ng pang unawa diba?
"I promise." Sagot ko sa kaniya, naramdaman kong napahigpit pa yung yakap niya sakin, ang sarap pa sana kung talagang yakap ng pagmamahal ng isang jowa noh, kaso yakap ng kaibigan lang eh HAHAHA tanggapin nalang, at suportahan, kung anong ikakasaya niya ay ikakasaya ko na din.
(AN: Umuuu akin nalang si Erzhon babes huhuhu di joke lang baka ipapatay niyo 'ko pag inagaw ko sa inyo yang Erzhon niyo T___T pero di nga kasi, ramdam ko yung feelings ni Erzhon, I mean yung sakit kako kayo ba ramdam niyo? Hehe comment na!!! Oh siya sana po nagustuhan niyo ang chap na'to tsaka hoyy wag niyo naman i-hate si Ryzel,supporn nalang natin siya este support pala okieee?? Love love you all💕 Stay safe always, stay at home, stay tuned!! God bless everyone😘)
BINABASA MO ANG
DemonGels Academy(COMPLETED)
FanficDemonGels Academy Paaralan ng mga mababait at mala demonyong mga estudyante. Kung mahina at matatakutin ka,wag ka nang mag abala pang pumasok sa paaralang 'to. Ang paaralang ding ito ay para sa mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa mga malalakas...