Chapter 17: The D.A is Being Attacked

233 35 6
                                    

**HER POV**

"Hey good morning." Bati sa'kin ni Erzhon pagpasok niya sa kusina kung saan ako ay nagkakape (ang lalim ah) yung iba nagsi uwian na pero mamaya gagala na naman daw kami, lagot talaga kami nito kay Mrs Rina, di kami nakapag paalam na di na kami papasok. Oh ha ang babait na mga estudyante, pero actually tapos naman na din pala sila mag aral like me.

"Good morning din." Bati ko sa kaniya pabalik tapos ngumiti, ngumiti din siya pabalik tapos nagtimpla na ng gatas niya, yung tatlo tulog pa siguro, napuyat kagabi hmm mga 2 am na kami natapos mag movie marathon, tapos umuwi yung iba mga 3 am na.

"Anong oras nga tayo gagala mamaya?" Tanong niya tapos umupo na sa kaharap kong upuan.

"9 pa." Sagot ko tapos uminom na ulit ng gatas.

"Good morning guys." Bati ni Cloudette habang kinukusot pa yung mata, nakita ko namang napatingin din si Erzhon awuee.

"Morning." Sabay na bati din naming, tapos nagtimpla na din si Cloudette ng gatas.

"Sa labas lang ako." Sabi sa'kin ni Erzhon, tumango lang ako tapos lumabas na siya, hmm bakit kaya yun lumabas? Ayaw niya ba kay Clou?? Eh mabait din naman yang gaga na yan maarte lang minsan.

"Hey sama kayo mamaya?" Tanong ko kay Clou nang maka upo na siya, tapos humigop na muna siya bago sumagot.

"syempre naman, kaya nga kami nandito to get along with you and your friends." Awws, napa "ah" nalang ako tapos kumuha na ng tinapay at kumain, kumuha naman din siya.

"Good morning ladies." Bati ni Cloud pagpasok palang, kasama niya si Chris tapos ayun kumuha muna ng tinapay si Cloud bago pa nagtimpla ng gatas. >>FAST FORWARD<<

Nandito na kami sa EK dito nila gustong magpakasaya choour pero muntanga yung dalawa nga pala takot sa heights, baka masira na naman ang araw ko.

"Girls saan niyo gusto unang sumakay?" Tanong ni Patty, hmm nagkatinginan kaming mga babae at.

"EKstreme Tower!!" Sagot naming lima.

"Shvt." Albert Einstein

"Pvta." Owen

"Wtf." Patty

"Pass muna ako jan." Erzhon

"Game!" Alien

"Leggooo!" Christian

"Tara naaa!" Cloud

Sagot naman ng mga boys, kaya pumunta na kami sa bilihan ng ticket, at dahil marami kami at ayaw naman nila na di kami magkakasamang sumakay, di agad kami nakasakay, si Erzhon ayun bumili nalang ng makakain, seryoso daw kasi siya na ayaw niya daw sumakay, itong si Albert Einstein naman siguro napilit lang to eh.

"Hoy kung ayaw mo sumakay wag mo ng ipilit." Seryoso kong sabi kaya napatingin siya sa'kin.

"Tsk, sasakay ako I want to face my fear." Malamig niyang sagot tapos iniwas yung tingin sa'kin nahiya pa eh

"Hmm okay ikaw bahala." Sagot ko nalang.

"Okayyy!! Tayo na!!!" Sigaw nina Ayesha at Judy, excited eh pero yung mga jowa nila namumutla na. So ayun sumakay na kami, katabi ko si Albert Einstein na kunot na kunot ang noo, pagkatapos namin isuot ang safety buckle ay nirelax muna namin sarili naming, tapos maya maya unti unti nang tumataas, napatingin naman ako sa kamay ko nung may humawak, si Albert Einstein pala, ang mokong namamawis na HAHAHA.

"Tawa ka pa." Sabi niya.

"HAHAHA sinabi ko naman sayo diba? Na kung ayaw mo edi wag ka na sumakay oh tapos ngayon magsusungit ka? Eh kung ihulog kita jan?" Sabi ko naman, napahissed nalang siya, tumingin ako sa ibaba nakakalula pala.

DemonGels Academy(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon